CHAPTER 20
Unedited...
"Aalis ka na?" tanong ni Hattie habang nakaupo sa kama. Pinagmasdan niya si Kean na nagbibihis sa harapan niya. Hindi siya magsasawang pagmasdan ang kabuuan nito lalo na ang guwapong mukha.
"May pasok pa ako ngayong hapon," sagot ni Kean habang inaayos na ang sinturon.
"Dito ka lang, gusto pa kitang makasama," paglalambing ni Hattie at tumayo saka niyakap ang binata mula sa likuran. Bahala na kung hubo't hubad siya. Nakita naman nito ang lahat-lahat sa kaniya.
"Palagi mo naman akong nakakasama," sagot ni Kean. Naramdaman niya ang pagdampi ng mainit at malambot na balat ni Hattie sa likod niya. She's a good bedwarmer. Sa lahat ng babae niya, si Hattie ang pinakamagaling magdala. Ito palagi ang nagda-drive sa kanila.
"Iba pa rin kapag nasosolo kita," nakangiting sabi ni Hattie at hinalikan ang balikat nito.
"Marami pa tayong time," ani Kean at tinanggal ang nakapulupot na mga kamay ni Hattie sa bewang niya. Nakatatlong rounds na sila kaya sapat na iyon para sa kaniya. Okay nang nakakaraos siya at least once in a week.
"Bakit gumamit nag-withdraw ka pa? E, gumamit ka naman ng condom," nakasimangot na tanong ni Hattie.
"Gusto ko lang makasigurado," sagot ni Kean. Hindi pa siya handang makabuntis ulit. Patay na talaga siya sa mga magulang. Baka dalawang ulo na niya ang mapupugutan.
"Hmmm? Takot maging ama?" nakataas ang kilay na tanong ni Hattie.
"Yes," seryosong sagot ni Kean. Kapag makabuntis si Hattie, baka magpapakatiwakal na talaga siya dahil walang pambili ng gatas. Bata pa si Ariana, hindi pa puwede.
"Ako naman ang ina, bakit matatakot ka?"
"Exactly!" mabilis na sagot ni Kean kaya natigilan si Hattie, "Ibig kong sabihin, hindi pa tayo handa. Bata ka pa, nag-aaral pa tayo kaya saka na lang muna."
"Basta sa akin lang, Kean, ha. Ako lang dapat," nakalabing sabi ni Hattie.
Kung wala lang problema si Kean, masasabi niyang mag-live in na lang sila ni Hattie. Tutal, may nangyayari naman sa kanila.
"P-Paano kung may anak ako sa iba? Matatanggap mo ba?" palipad hangin na tanong ni Kean.
"Huwag mong sabihin, may balak ka pang magkaanak sa iba?" bulalas ni Hattie kaya nataranta ang utak ni Kean. Paano ba niya ipaliwanag? E, meron na nga talaga.
"Hindi naman sa gano'n. What if lang naman? What if may anak ako sa iba? Matatanggap mo ba ang anak ko?"
Napaisip si Hattie. Makakaya kaya niya? Hindi naman siya nangarap na maging step-mother. Gusto niya siya lang. Sila lang ng anak niya. Sino ba ang babaeng gustong may kahati ang mga anak? But what if nga?
"M-Matatanggap naman siguro pero sana, kapag magkapamilya na tayo, ang mga anak pa rin natin ang priority mo," nagdadalawang-isip na sagot niya. Ang sakit kaya nu'n. Mas masakit kapag may anak na sila tapos magkaanak pa sa ibang babae ang lalaki.
"What if hindi na tayo magkakaanak? Matatanggap mo pa rin ba ang anak ko?" tanong ni Kean. He has to know. Mahirap na kapag nandiyan na sila sa sitwasyon na hindi naman pala siya matatanggap ni Hattie.
"What if hindi ko matatanggap? Iiwan mo rin ba ako?" tanong din ng dalaga. Masakit iyon sa isang babae lalo na kapag buhay ang ina ng bata. Paano naman siya? Okay lang kung wala ang nanay at i-adopt niya ang bata, walang problema.
Si Kean naman ang natigilan sa tanong ni Hattie. Sino ang pipiliin niya? Ang asawa o ang anak?
Dinampot niya ang tshirt saka isinuot, "Alis na 'ko, kung ayaw mong pumasok, ako na lang. Closely monitoring ang ginagawa ng parents ko sa akin.""Sige, ingat ka, babe," sabi ni Hattie at hinalikan sa mga labi si Kean, "I l9ve you, Kean Villafuerte!"
"L-Love you too," sagot ni Kean at umalis na sa unit ng dalaga.
Habang nasa elevator, hindi niya mapigilang mapaisip sa usapan nila ni Hattie kani-kanina lang.
Nang bumukas ang pinto ng elevator, pumasok ang mag-asawang may bitbit na kambal. Isa sa babae at isa sa lalaki.
"Magtatrabaho na ako," wika ng babae. Pumalikod si Kean sa dalawa.
"After ng four months, kakapanganak mo pa lang," sabi ng lalaki.
"Pero kailangan kong tumulong sa 'yo," nalulungkot na sabi ng babae.
"May online business ka naman. Sa susunod na lang. Ako muna ang bahala sa inyo. Sapat pa naman ang sahod ko sa atin," giit ng lalaki.
"Pasalamat na lang tayo, nandiyan pa ang parents natin kapag nauubusan ng gatas itong kambal," pasalamat ng babae.
Nang bumukas ang pinto, naunang lumabas si Kean sa mag-asawa at dali-daling pumunta sa sasakyan. Naiinis na siya. May anak siya, pero walang trabaho at walang income. Paano niya mabibigyan ng sapat na gamit ang anak?
"Pambihirang buhay 'to!" sambit niya habang nagmamaneho. Nakaka-frustrate. May mga gamit siyang gustong bilhin para kay Ariana pero wala siyang pera. Kulang ang allowance niya para sa kanila ng anak. Wala pang suporta mula sa magulang dahil mapapatay siya ng mga ito.
Ala una pa lang, may thirty minutes pa siya kaya dumiretso muna siya sa tambayan pagdating sa school.
Sa pagkamalas, nandito pa ang triplets at si Alwyn.
"Saan ka galing?" tanong ni Sky.
"Boom boom paw!" naiinis na sagot niya at naupo sa tabi ni Black. Kaharap nila ang tatlo.
"Panay na 'yang boom boom paw a," sabi ni Blue.
"Ganoon talaga kapag masarap," nakangising sabat ni Sky. Isa rin 'to sa walang sawang gamitin si Taira. Nasa pamilya na siguro nila ang magkaroon ng anak habang bata pa. Siya, si Blue at si Sky. Si Black lang yata sa kanila ang wala pa.
"Totoo ba ang narinig kong kayo na ng Irene na iyon?" pag-iiba ni Blue na kay Alwyn nakatingin.
Hindi nakatingin pero hinihintay nu Kean ang isasagot ni Alwyn.
"Hindi, alam n'yo naman ang mga tao. Kapag close sa atin ang babae, bina-bash kaya kawawa lang si Irene," sagot ni Alwyn.
"Pero gusto mo siya?" seryosong tanong ni Kean.
"Maybe," sagot ni Alwyn, "maybe not."
"Iyong siguradong sagot, ang totoo lang!" ani Kean kaya napatingin si Alwyn sa kaniya.
"Bakit ba interesado ka?" tanong ni Alwyn, "kung galit ka pa rin sa akin dahil sa panliligaw ko kay Keana, tumigil na nga ako. Ang hirap namang maging mabait sa kapatid mo kung araw-araw, ang pagiging suplada ang ipinapakita niya. C'mon, Kean, tapos na kami ni Keana. Alam kong si Jerome naman ang kinababaliwan niya at hindi ko niloko ang kapatid mo," paliwanag ni Alwyn.
"Oo nga naman, Kean," sabat ni Sky, "mas bagay naman sila ni Irene."
Napasiksik si Sky nang masamang tinitigan siya ng pinsan na para bang sasapakin siya, "May utang ka pa sa akin, Kean. Baka nakalimutan mo?" paalala ni Sky.
"Babayaran kita kapag magkapera na ako!" sagot ni Kean, "bukas, babayaran kita kaya huwag kang mag-alala! Isaksak mo sa baga mo ang limang libo!"
"Aba, ikaw na nga ang may utang, ikaw pa ang galit?" reklamo ni Sky. Ang lakas makautang ni Kean tapos kapag singilan na, parang utang na loob mo pa sa kaniya ang pagbayad niya."Alis na nga ako, late na ako," sabi ni Alwyn at tumayo na. Mahirap kapag magkasabay sila ni Kean dahil baka umabot sila sa puntong magpipisikalan na sa mababaw na dahilan.
"Ako rin," sabi ni Blue.
Sumunod din si Sky kaya sina Black at Kean na lang ang naiwan.
"Pch! Akala mo kung sinong guwapo na lahat ng babae, nagkakagusto sa kaniya!" bulong ni Kean at kinuha ang throw pillow. Todo deny kapag sila na kang tapos kapag in public, akala mo kung sinong sweet couple. Puwe!
"Nagseselos ka ba?"
Napatingin siya kay Black na seryoso ang mga mata. Minsan lang itong magbiro kapag napipilit nina Blue at Sky kaya madalas na seryoso ito.
"Selos kanino?" nakataas ang kilay na tanong ni Kean sa pinsan. Wala namang ibang lalaki si Hattie. Palagi nga silang nag booboom boom paw kaya walang dahilan para magselos siya.
"Kina Alwyn at Irene," sagot ni Black na nakatitig sa mga mata ni Kean na para bang detective na inoobserbahan ito sa isang lie detector test.
"Ako?" bulalas ni Kean at itinuro ang sarili gamit ang kanang kamay, "magseselos sa kanila? Para ano? Mas maganda ang relasyon namin ni Hattie kaysa sa kanila! Ne hindi nga sila bagay! Tingnan mo, mas cute couple kami ni Hattie!"
Hindi talaga bagay sina Alwyn at Irene. Kung sa showbiz, kahit na bigyan mo ng sandamakmak na projects, wala talaga. Hindi magki-click.
"Alam mo, bakit ba malakas ang kutob ko na bago pa nakilala ni Alwyn si Irene, nauna ka na?" tanong ni Black kaya umiwas ng mga mata si Kean. Iba si Black. Tahimik lang ito pero ang lakas ng pakiramdam, "may nakaraan ba kayo ni Irene?"
"Wala!" mabilis na sagot ni Kean, "bakit mo naman naisip 'yan? Wala talaga!" todo tanggi niya. Malaking delubyo kapag nalaman ng isa sa pamilya niya.
"Okay, sabi mo e," walang ganang sagot ni Black at tumayo saka lumabas. Of course, kilala niya si Kean, alam niyang nagsisinungaling ito.
------------
"Kean! Mabuti at dumating ka na!" masiglang sabi ni Keana nang pumasok ang kakambal. Nang matapos ang klase, biglang itong nawala, "bakit ganiyan ang mukha mo?" nagtatakang tanong ni Keana dahil salubong ang kilay nito habang palapit sa kaniya.
"Ouch! Aray!" daing ni Keana nang sapakin siya ng kakambal, "D-Daddy!" umiiyak na tawag ni Keana sa ama. Ang sakit ng pagkakasapak ni Kean.
"Nakakapikon ka na, Keana!"
"A-Ano ba ang problema mo? Hayop ka!" umiiyak na sigaw ni Keana at pinagbabato ng cushion ang kakambal.
"Bakit hindi mo sinagot si Alwyn?" sigaw ni Kean.
"B-Bakit mo ako pipilitin? A-Ayaw ko nga sa kaniya! Si Jerom ang crush ko!" umiiyak na sagot ni Keana. Nagkakabukol na yata siya.
"Maarte ka! Wala ngang gusto sa 'yo si Jerome!"
"Wala akong pakialam dahil crush ko lang naman siya! Basta hindi ko gusto ang hambog na Alwyn na iyon!" giit ni Keana. Para ano? Iyong palaging iparamdam na isip- bata siya? No, thanks. Magiging matandang dalaga na lang siya.
"Ano na naman ang pinag-aawayan ninyong magkambal?" galit na tanong ni Kyler. Hindi na nga nagta-tantrums si Yna, ang anak na naman nila ngayon.
"S-Si Kean, sinabak niya ako, D-Daddy!" sumbong ni Keana at niyakap ang ama.
"Ano ang problema mo, Kean?" galit na tanong ni Kyler.
"Pera!" sagot ni Kean, "kailangan ko ng trabaho, para magkapera dahil gusto ko nang bumukod sa inyo! Mahirap bang intindihin 'yon?"
Hindi sumagot ang ama kaya napipikon na siya, "Ibebenta ko ang lahat ng gamit ko, magsasarili ako kung ayaw ninyo akong tulungan!" desididong saad ni Kean. Bahala na kung itakwil siya ng mga ito. Marami siyang gamit: relo, cellphone, damit, sapatos at alahas. Malaking halaga rin kapag naibenta niya iyon.
Napabuntonghininga si Kyler.
"Inaayos na ng tauhan ang dati mong resto bar at kunin mo na lang sa mommy mo ang susi ng dating condo unit ko!" sagot ni Kyler. Hanggat hindi niya naibibigay ang gusto ng anak, magwawala ito. Ganoon naman sila ni Skyler noon. Isa pa, matanda na rin si Kean. Mas okay na nakapag-isip ito tungkol sa negosyo at kung paano mamuhay nang wala sila.
"Talaga?" bulalas ni Kean at lumiwanag ang mga mata.
"Huwag mo lang sayangin ang tiwala ko," sagot ni Kyler at tinalikuran ang mga anak. May business meeting pa siya.
"May condo naman si Hattie! Doon ka na lang tumira!" nakasimangot na wika ni Keana.
"Hindi ko naman ibabahay si Hattie! At huwag mo ngang ipagkalat na may condo na ako!" sagot ni Kean.
"Ah, e di mga babae mo ang papupuntahin mo sa condo mo? Sumbong kita kay Daddy!" naiinis na sabi ni Keana. Ayaw niyang bumukod. Mas gusto niya rito sa bahay dahil may katulong. Isa pa, hindi siya sanay na mawalay sa mga magulang.
"Huwag mong pakialaman ang buhay ko kung ayaw mong isumbong ko kina Daddy ang mga pinaggagawa mo!" pagbabanta ni Keana at tinalikuran ang kakambal. May condo at business na siya, puwede na niyang mahiram si Ariana.
![](https://img.wattpad.com/cover/244224278-288-k245881.jpg)
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...