53

5.7K 138 0
                                    

Got A Baby With School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  53

Unedited...
"Hindi mo ba dadalhin si Ariana?" tanong ni Elizabeth sa anak.
"Hindi na po. Papunta naman dito ang magbabantay sa kaniya kaya kayo na lang po ang maghihintay. Mag-general cleaning daw kami ni Kean kaya baka hikain si Ariana sa alikabok," sagot ni Irene. Iyon na nga talaga ang inaasahan niyang gagawin nila.
"Sige, magbaon ka ng ulam para hindi na kayo magluto. Marami ang ginawang afritada ng papa mo," ani Elizabeth kaya tumungo si Irene sa kusina at naglagay ng ulam sa baunan.
Bago siya umalis, nagpaalam muna siya kay Ariana. Umiyak pa nga ito nang paalis na siya pero wala naman siyang magawa. Alam kasi nitong Sabado ngayon at wala siyang pasok.
Pagdating sa unit ni Kean, nag-doorbell siya pero walang nagbukas kaya ginamit na niya ang duplicate ng susi. Heto na naman siya. Kinakabahan na naman dahil baka kung ano ang ginagawa ni Kean sa loob. Nakahinga siya nang maluwag nang walang tao sa sala. Patay pa ang ilaw kaya binuksan na niya saka lumapit sa bintana at hinawi ang makapal na kurtinal kaya nakakalusot ang sinag ng araw.
Lumapit siya sa switch saka pinatay ang ilaw. Napatingin siya sa wristwatch. Alas otso 'y media pa lang ng umaga kaya malamang, natutulog pa si Kean.
"Hindi ko na siya papasukin," bulong ni Irene. Kahit anong mangyari, hindi na talaga. Kahit na pasigaw pa ang ungol nito, hindi talaga niya papasukin ang silid ng mokong.
Pumunta siya sa kusina. Malinis naman ang lababo at nahugasan ang lahat ng kaldero. Walang kanin na puwedeng isangag kaya nagpakulo na lang siya ng tubig dahil baka humingi ng kape si Kean mamaya.
Nang maisalin niya sa termos ang tubig, pumunta siya sa kusina. Sakto namang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Kean.
"Good morning," bati ni Irene. Naka-roba pa ito at basa pa ang buhok.
"Morning," bati rin ni Kean na maaliwalas ang mukha, "Nandito ka na pala? Akala ko nakalimutan mo."
"Hindi a. May pinag-usapan tayo, 'di ba?" sagot ni Irene, "Ano ang gusto mo? Coffee? Tea? Milk? Hot choco? Ano?"
Hindi sumasagot si Kean. Nakatitig lang ito sa kaniya kaya medyo na-conscious naman siya.
"Kean? Ano ang gusto mo? Ipagtimpla kita." Ulit na tanong niya.
"Puwede bang ikaw na lang?" tanong ni Kean kaya napatingala siya sa matangkad na kasintahan.
"Ipagtimpla kita ng kape," sabi ni Irene saka mabilis na bumalik sa kusina.

Pagbalik niya, nakaupo na ito sa sofa habang nanonood ng balita.
"Ano ang gagawin ko ngayon?" tanong ni Irene nang inilapag ang kape sa center table na nasa harapan ni Kean.
"Maglaba ka tapos ipagluto mo ako ng lunch," sagot ni Kean at kinuha ang tasa ng kape saka hinigop habang ang mga paa ay nakapatong sa mesang nasa harapan.
"Magsasaing lang naman ako. Nagpadala sina Papa ng afritada para may ulam tayo," sagot ni Irene.
"E di maglinis ka ng sala tapos sa kuwarto ninyo ni Ariana," sagot ni Kean na itinutok ang mga mata sa screen ng TV. Sina Blue at Red kasi ang nasa TV Ad.
"Sige, sa kuwarto mo muna ako maglilinis tapos ihuli ko na ang kusina at sala," sabi ni Irene. Sanay naman siyang mag-general cleaning. Medyo malaki lang itong unit ni Kean kaysa sa bahay nila pero kaya naman niya.
"Bahala ka kung saan ka magsimula pero ihuli mo ang kuwarto ko," sagot ni Kean at inilipat ang mga mata kay Irene.
"Unahin ko na para hindi na ako mahirapan," sagot ni Irene.
"Ihuli mo ang kuwarto mo. Ako ang boss ngayon kaya ako ang masusunod," giit ni Kean na nakasimangot kaya hindi na kumibo pa si Irene.
Tumayo ang dalaga saka kinuha ang window cleaner at walis tambo para mag-umpisa na sa kusina pero naalala niyang may labahan pa pala si Kean kaya isinalang na muna niya sa washing machine para kapag tapos na siya sa kusina at sala, magtutupi na lang siya ng mga damit.
Lumapit si Kean at inilagay sa isang oras ang timer ng washing machine saka pinuntahan si Irene sa kusina.
"Kumusta ang anak ko?" tanong niya habang nakatingin kay Irene na naglilinis ng ref.
"Okay naman," sagot ni Irene. Isinara ni Kean ang ref kaya binuksan niya ulit, "Hindi pa ako tapos."
"Huwag mong linisan ang ref, okay na 'yan. Malinis na 'yan," sabi ni Kean kaya lumipat si Irene sa mga caserola pero malinis naman.
"Sa sala ka na lang. Okay na rito sa kusina."
Bitbit ang vacuum cleaner, lumabas si Irene. Nakabuntot naman si Kean sa kaniya.
"Dito ka lang, magbibihis lang ako. Huwag mo nang linisin ang bintana, masyadong mataas. Baka mahulog ka pa," paalam ng binata kaya nakagalaw nang maayos si Irene.
Tapos na siya sa pagva-vacuum nang lumabas si Kean sa kuwarto. Nakapambahay lang ito pero dahil bago at damit at magaling talaga itong magdala, parang may lakad lang ang mokong.
Naupo ito sa sala habang nagwawalis si Irene.
"Mommy? Huwag mo nang walisan ang ilalim ng sofa, nalinis na 'yan ng katulong kahapon," sabi ni Kean. Pumupunta ang katulong nila once a week para maglinis. Depende sa kung kailan niya gusto.
Tumigil si Irene sa paglilinis at hinarap si Kean.
"Kung nalinis na pala, ano na lang ang gagawin ko sa unit mo?" napipikon na tanong ni Irene. Kanina pa ito e. Kapag may gagawin siya, pinipigilan siya ni Kean.
"Nakalimutan kong kahapon pala pumunta ang katulong," sagot ni Kean kaya naupo si Irene sa tabi ni Kean.
"Galit ka, Irene?" tanong ni Kean. Nakasimangot kasi ito na ang mga mata ay nasa TV.
"Hindi naman," sagot ni Irene. Maaga pa siyang nagising kanina kaya dinadalaw siya ng antok. Hindi naman niya alam kung ano ang pag-uusapan nila ni Kean dahil galit pa ito sa kaniya.
"Ang kuwarto mo, nalinis din ba ng katulong?" tanong na lang niya para may mapag-usapan sila.
"Hindi pa," sagot ni Kean.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon