46

517 19 0
                                    


CHAPTER  46

Unedited...
"Magandang umaga po," magalang na bati ni Kean nang pumasok siya sa bahay nina Irene.
"Magandang umaga naman," sagot ni Elizabeth. Napasulyap si Kean kay Irene na nakaupo sa sala.
"Mommy? Nasaan si Ariana?" tanong niya kay Irene at humalik sa pisngi nito.
"Nasa kuwarto. Aalis na ba tayo? Hindi ka ba kakain muna? Masarap ang ulam na inihanda ni Papa sa 'yo," tanong ni Irene. Alas onse pa lang naman ng umaga. Usapan kasi nila na bibili ng ilang gamit ni Ariana.
"Maaga pa naman. Sige, kain muna tayo," sagot ni Kean at napasulyap kay Irene na nakabihis na. Ang ganda talaga nito, hindi siya nagsasawang pagmasdan ang maamo nitong mukha.
Ang mag-asawa ay pumunta na sa kusina para ipaghanda. Linggo ngayon at umuwi sina Irene kagabi dahil nagkalagnat si Ariana.
"Masarap nga talaga ang luto nina Mama at Papa," pabulong na sabi ni Kean kaya sinimangutan siya ni Irene
Ibang luto ang tinutukoy nito. Kapag silang dalawa lang, madalas niyang inaasar si Irene dahil ang cute nito.
"Mommy? Sa Tuesday, kapag okay na si Ariana, sa condo na kayo matulog ha. Miss ko na kayo," sabi ni Kean.
"Kapag gumaling na," sagot ni Irene. Kahit na ganito mang-asar si Kean, na-miss din niyang matulog na kayakap ito. Mapagmahal naman si Kean pero sweet? Ewan. Hindi ito iyong mahilig sa PDA. Ipinagtatanggol lang siya kapag kinakailangan talaga. Ayaw nitong magpahawak kapag may nakakakita sa kanila. Ang sabi nito, huwag lang daw. Namumula pa ito minsan sa galit.
Biglang may kumatok kaya tumayo si Irene.
"Wait lang, daddy, bubuksan ko lang," sabi ni Irene at lumapit sa pintuan. Nagtataka siya kung sino ang nasa labas dahil wala naman silang inaasahang bisita.
"Hi!" nakangiting bati ni Angelo nang pagbuksan niya.
"Kuya Gelo!" bulalas ni Irene.
"Flowers?" sabi nito sabay abot ng isang bouquet ng pink na rosas.
"Para sa akin po?" nahihiyang tanong niya kaya mas lalong lumapad ang mga ngiti ni Angelo.
"Para sa inyong magpamilya," sagot ni Angelo.
"Salamat. Ay, pasok ka po," wika ni Irene at nilakihan ang bukas ng pinto kaya hinubad muna ni Angelo ang tsinelas saka pumasok.
"May bisita ka pala," sabi ni Angelo at napasulyap kay Kean na tumayo. As pagkakatanda niya, ito ang lalaking nagpakilalang boyfriend ni Irene noong isang araw sa 7/11.
"Sino ang kumatok?" tanong ni Elizabeth na kakalabas lang mula sa kusina. Napakunot ang noo niya nang makita ang matangkad at guwapong lalaki na kasama ni Irene.
"Magandang umaga po, Nanay Elizabeth!" nakangiting bati ni Angelo kaya nanlaki ang mga mata ng ginang.
"Gelo? Ikaw na ba 'yan? Anak!" Lumaki ang mga mata ni Elizabeth na halos hindi makapaniwala.
"Opo, Nanay!" natatawang sabi ni Angelo at lumapit sa ginang saka yumakap.
"Hala, anlaki mo na! Nasaan ang mommy mo?" masayang tanong ni Elizabeth nang kumalas mula sa pagkakayakap at hinagod ng tingin si Angelo. Noong umalis ang mga ito, sobrang payat pa nito pero ngayon, ang gandang lalaki na.
"Nasa bahay po. Pagod pa sa biyahe kaya ako na lang daw po muna ang mamasyal. Na-miss ko po kayo!" masiglang sagot ni Angelo.
Lumapit si Kean kay Irene.
"Bakit nandito 'yan? Bakit nanay ang tawag niya kay Mama Elizabeth?" tanong ni Kean na nanginginig ang kalamnan sa lalaking nakangiti.
"Kababata ko nga siya at malapit siya sa parents ko kaya nanay at tatay ang tawag niya sa kanila," sagot ni Irene at inamoy ang bitbit na bulaklak.

"Feeling close?" tanong ni Kean.
"Close naman talaga siya sa pamilya namin dahil kalaro ko siya noon," sagot ni Irene. Kinuha ni Kean ang hawak niyang bulaklak at inilapag sa mesa.
"Baka mangangawit ka sa kakahawak," sabi ni Kean.
Lumabas si Jose mula sa kusina.
"Tatay Jose!" bati ni Angelo.
"O? Gelo? Ikaw na ba 'yan? Akala ko kung sino ang dumating!" natutuwang sabi ni Jose. Si Angelo lang naman ang mahilig tumawag sa kaniya ng tatay.
" Opo. Makisig pa rin kayo ah!" sabi ni Jose.
"Tsk! Nambobola lang 'yan!" bulong ni Kean at masamang tiningnan si Angelo na akala mo, parte na talaga ito ng pamilya nina Irene.
"Naku, ikaw nga ang guwapo mo na!" puri ni Jose.
"Ehem! Papa? Okay na po ba ang niluluto ninyo?" sabat ni Kean.
"Ay, oo. Halina kayo, kain na tayo," sagot ni Jose.
"Ano ang ulam!" masiglang tanong ni Angelo na hindi nanibago sa kanila. Madalas siyang kumain dito noong bata pa siya.
"Tamang-tama. Paborito mong afritada," nakangiting sagot ni Elizabeth.
"Daddy? Kain na tayo," yaya ni Irene at hinawakan ang kamay ni Kean.
"Sige!" sagot ni Kean na nawalan ng ganang kumain. Kung puwede lang sanang si Angelo na ang kakainin niya para mawala sa eksena, lalamunin talaga niya nang buo ang mokong.
Naunang pumasok sa kusina ang mag-asawa.
"Hoy, Demonyo!" tawag ni Kean kaya tiningala siya ni Irene na nakakunot ang noo.
"Ano nga ang pangalan niya, mommy?" tanong ni Kean sa kasintahan.
"Angelo," pagtatama ni Irene.
"Ay, mali pala ang pandinig ko," ani Kean at hinarap ang bisitang naka-poker face sa kaniya.
"Angelo! Hindi ka pa ba kumain pag-alis sa inyo?" tanong ni Kean. Ang pinakaayaw pa naman niya ay ang sinasalubong ang mga mata niya ng kakakilala lang na lalaki. Ang dating kasi nito sa kaniya, parang inaangasan siya.
"Hindi. Alam ko kaismh masarap magluto sina Nanay at Tatay," sagot ni Angelo at tinalikuran na sila.
"Daddy? Nagugutom na ako. Halika na," yaya ni Irene at hinila siya papunta sa maliit na dining room nila.
Hinila ni Kean ang upuan at pinaupo si Irene saka naupo sa tabi ng kasintahan kaharap ang tatlo. Natapat pa talaga siya kay Angelo kaya sa halip na magutom, nasusuka siya pero hindi siya nagpahalata. Sinikap niyang kumain nang marami para sabayan si Angelo na kung anong papuri ang pinagsasabi nito tungkol sa pagkain na kesyo masarap, kakaiba ang lasa at kung anu-ano pa.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon