CHAPTER 17
Unedited...
"Okay na po ba siya, doc?" nag-aalalang tanong ni Kean habang kalong- kalong ang natutulog na anak.
"Okay naman siya, huwag kang mag-alala. Lagnat lang naman kaya painumin ninyo ng gamot at huwag kalimutang i-tepid sponge bath para bumaba ang lagnat, okay? If hindi tumaas pa ang lagnat mamayang gabi, ibalik ninyo rito si Baby," nakangiting paliwanag ng doctor na nasa trenta 'y singko pa lang ang edad matapos tingnan ang lab result ng bata. Normal naman ang lahat. "Wait, alam na ninyo kung ano ang tepid sponge bath o TSB at kung paano gagawin, right?""Yes, doc. Na-explain na sa amin ng nurse kanina kung ano ang gagawin pero kapag nagshi-shiver si Baby ay stop na," sagot ni Kean. Alam niya ang medical term o word na TSB dahil na rin sa mga kakilalang pamilya na nasa medical field. "W-Wala po ba siyang dengue?" nag-aalalang tanong ni Kean. Nakikinig lang si Irene sa dalawa at hindi niya maiwasang mapatingin kay Kean. Kung asawa lang niya ito, baka sakaling magpasalamat pa siyang ganito ang lalaking nakatagpo niya pero hindi. Ang anak lang nila ang priority nito at siya ay balewala lang.
"Wala naman. Normal ang CBC at iba pang lab result kaya wala kang dapat na ikabahala. Mamaya, okay na 'yan. Baka nainitan lang kanina," sabi ng doctor.
"Salamat ho," ani Kean at ibinigay kay Irene ang recita ng doctor.
"Walang anuman," nakangiting sabi ng doctor na hindi inaalis ang mga mata sa makinis na mukha ni Kean. Para itong artista. Familiar sa kaniya pero hindi lang niya matandaan kung saan niya ito nakita pero isa lang ang nasisiguro niya, mayaman ito.
Nang lumabas sila, binili ni Irene ang gamot habang sina Kean ay nauna na sa sasakyan.
Napatitig ang binata sa anak, "Ang ganda mo, kamukha kita," nakangiting sabi niya at masuyong hinaplos ang mamula-mulang pisngi ng anak.
Nang makasakay si Irene sa backseat, ibinigay niya ang anak at pinatulog sa higaan. Pinagawa ng ama nila ang sasakyan para paghingaan lalo na kapag nasa biyahe para puwedeng matulugan at may mini closet din.
Pagdating sa bahay, nagising si Ariana kaya ikinulong nila sa magandang crib nito.
"Dadadadadadada..." wika ni Ariana kaya lumapit si Kean sa anak na pumapadyak-padyak pa ang mga paa.
"Daddy! Sabihin mo nga, princess. Daddy," nakangiting turo ni Kean.
"D-Dididididi!" wika ng anak habang nakatingala sa kaniya.
Nakikinig lang si Irene sa mag-amang nasa sala habang nagtitinpla ng gatas.
"Ang galing ng baby ko, mana sa akin," proud na sabi ng mokong.
"Daddy. Isa pa, princess. Say daddy," turo niya sa anak, "daaaaa--ddyyyy."
"D-Da-di!" ulit ni Ariana na para bang nakakaintindi sa anak.
"Shit! Nakakapagsalita ka na. Ako nga ang daddy mo," tuwang-tuwa na sabi ni Kean habang tinuturo ang sarili kaya hindi na napigilang tumawa ni Irene habang palapit sa mag-ama. Genuine kasi ang kaligayahang nakaukit sa mga mata ni Kean. Kahit paano, masasabi niyang ang suwerte rin ni Ariana rito. Kahit na hindi nito ipinapaalam sa lahat na may anak na, hindi pa rin nito pinapabayaan si Ariana. Sapat na sa kaniya ang sitwasyong ito.
"Marunong naman 'yan si Ariana kumanta," sabi ni Irene at humarap kay Ariana, "kanta tayo baby, ha."
Tumawa si Ariana na para bang hindi ito galing sa lagnat, "Baby shark doo doo doo doo doo doo, Baby Shark, doo dooo doo doo doo doo, baby shark!" pagkanta ni Irene na pinaliitan ang boses para magmukhang boses ng bata.
"Mommy shark doo doo doo doo doo doo, mommy shark, doo doo doo doo doo doo doo, Mommy Shark!" pagpatuloy niya na para bang mahinhin na ito tapos nilakihan niya ang boses para magboses astigin.
"Daddy shark, doo doo doo doo doo doo, Daddy Shark, doo doo doo doo doo doo, Daddy Shark!" pagkanta ni Irene.Natatawa si Kean dahil may action pa si Irene. Ang cute lang nilang pagmasdan habang si Kean ay palundag-lundag pa pero nakakapit sa crib para hindi matumba. Naririnig na niya ang kantang iyan dahil madalas na kantahin ni Keana sa bahay nila kaya familiar na sa kaniya ang tono.
"Mommy Shark, walang doo doo doo doo doo doo, Mommy Shark walang doo doo doo doo doo doo, Mommy Irene!" natatawang pagkanta ni Kean kaya sumimangot si Irene at humarap kay Kean.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Kean!"
"Kumakanta lang ako," inosenteng sagot ni Kean at dedma lang kay Irene, "sabayan mo 'ko sa pagkanta, princess. Mom--my Shark walang doo doo doo doo doo doo, Mommy shark, walang doo doo doo doo doo doo, Mommy Shark!"
"Tama na!" singhal ni Irene sa mag-ama na ang lakas kung makatawa.
"Fine!" nakangising wika ni Kean, "uuwi na ako, alagaan mo ang anak natin habang wala ako."
"Magtatrabaho ako mamayang gabi sa club kapag dumating sina Mama," paalam ni Irene.
"Kailangan ba talagang sa club?" tanong ni Kean na nakasalubong ang kilay. Hindi niya gusto ang ideang iyon, "ang dami namang puwedeng pasukan diyan!"
"Walang papasukan na pang-gabi maliban sa night club," sagot ni Irene.
"Bahala ka," sabi ni Kean, "pero huwag mo lang idamay ang anak ko sa panghuhusga ng iba."
"Pasensiya ka na, ha. Wala na kasi akong makitang matinong trabaho pero kailangan kong magtrabaho para ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko at pagiging nanay ko kay Arian!" naiinis na sagot ni Irene. Masakit man na husgahan ng iba, pero wala siyang magagawa. Iyon na ang tingin ng iba sa mga babaeng nagtatrabaho sa bar. Kung malaman ng iba na roon siya nagtatrabaho, iisipin nilang kaladkarin lang ang binuntis ni Kean.
"Hayaan mo na, alis na ako," sabi ni Kean at lumabas na. Nakalimutan na niyang magpaalam sa anak. Kahit siya, wala ring magagawa. 300 pesos lang ang baon niya araw-araw. Oo nga't may monthly allowance siyang 15,000 pero binibili naman niya iyon ng mga gamit ni Ariana at ang kalahati ay inuunti-unting bayad sa mga pinsan.
Pagdating sa bahay, boses kaagad ng ina ang bumungad sa kaniya.
"Kung uuwi ka lang din pala rito tapos aalis na kaagad, doon ka na sa babae mo!" sumbat ni Yna.
"Wala nga akong babae! Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Itali mo na ako sa leeg mo para pareho na tayong mamatay! Nakakainis na buhay!" sigaw ni Kyler. Hihingi na nga siya ng paumanhin tapos heto na naman ang asawa, "ano ba ang gusto mo, Yna? Bumalik ka na kasi sa dati!"
"Kung ganiyan na lang din kayo, lalayas na lang ako sa bahay na ito!" galit na sabat ni Kean kaya napatingin sa kaniya ang mga magulang, "umalis ka na, dad, 'di ba? Ba't bumalik ka pa?"
"Ano ang gusto mo? Hindi ko na kayo uuwi ng mommy ninyo?" galit din na sagot ni Kyler at hinahamon ang anak sa titigan.
"Yes!" matapang na sagot ni Kean na hindi papatalo sa ama saka sinalubong ang mga titig na ito, "kung ganiyan kayo parati, mas mainam pang huwag ka nang bumalik at maghiwalay na lang kayo! Araw-araw ganito na lang ba kayo? Ne hindi man lang ninyo naisip kami ni Keana? Alam ba ninyong kaya kami umalis parati dahil sa inyo? Hindi ko na kaya!"
"P-Pero anak... kasi--"
"Tama na, mommy! Hindi na kayo naawa sa amin! Sana hindi na lang ninyo kami ipinanganak kung ganito lang din ang malalasap namin sa mundong ito! Kami naiipit ni Keana sa inyo!"
Natahimik ang dalawa at napaisip sa sinabi niya.
"Doon na lang po ako kina Lolo Ian, mabuti pa sila ni Lola, hindi nag-aaway."
"At ano ang gagawin mo kina Daddy? Magpapasaway?" galit na tanong ni Kyler.
"Kasi hindi ko na kaya! Gusto ko ng katahimikan sa buhay! Gusto kong matulog, magpahinga at higit sa lahat, gusto kong mag-aral! Paano ko magagawa iyon kung ito parati ang nadadatnan ko? Sa tuwing natutulog ako, nagigising ako dahil da sigawan ninyo! Maawa naman po kayo sa amin ni Keana!" pagmamakaawa niya.
Naaawang napasulyap si Yna sa anak. Alam niyang kung gaano kahirap para sa anak dahil naranasan din niyang maging teenager.
"Kayo daddy, noong nag-aaral ka, palagi ka bang nasa bahay lang ninyo? Hindi ba't may condo ka?" tanong ni Kean. Tatlo sila nina Kevin at Skyler ay kinunan ng condo ni Ian noong nagbibinata pa sila para maging independent pero ayaw niyang hindi nasusubaybayan ang mga anak lalo na si Keana kaya tutol siya.
"Parang nagpapahiwatig ka na gusto mo ng condo!" matigas na sabi ni Kyler.
"Kung ganito kayo ni Mommy, gusto ko nga talaga ng condo. I want peace! Sana ibigay na ninyo," sagot ni Kean. Matagal na niyang gustong bumukod pero ayaw siyang payagan ng mga magulang. Isa rin ito sa pinakakinaiinisan niya.
"Ayaw mo na ba sa amin?" malungkot na tanong ni Diana.
"Mom? Mahal ko kayo pero matanda na ako, twenty one na. Ang hirap naman na nandito pa ako sa inyo. I really want to have a business."
"Ang bata mo pa para mag-business," sabat ni Kyler. Malulugi lang.
"Nakaka-frustrate naman na lahat na lang, hinihingi ko pa sa inyo! Ang laki naman ng kita ko sa resto bar, a! Ayaw lang ninyo akong pagbigyan!"
"Bakit ba atat na atat ka sa business? Mag-aasawa ka na ba?" seryosong tanong ni Kyler.
"Kailan pa ako magsisimula? Kapag uugod-ugod na ako? Daddy naman! Paano kung gusto kong mag-asawa? Ihihingi ko pa ba pati gatas sa inyo?" tanong din niya. Iyon na nga ang nangyayari ngayon. Paano, wala na siyang pang-allowance dahil napupunta lahat sa gatas ni Ariana. Kung maibabalik lang sana ang business niya.
"Pag-isipan ko!" ani Kyler at pinasadaan ng tingin ang anak na para bang sinusuri kung kaya na nitong panindigan ang pagsosolo.
--------------
Kakababa lang niya sa sasakyan nang makita sina Alwyn at Irene na naglalakad patawid sa soccer field.
Sinalubong niya ang mga ito.
"Ang aga naman yata ng date ninyo?"naka-poker face na tanong ni Kean na ang mga mata ay nasa kay Irene para malaman ng dalagang para sa kaniya ang tanong niya. Wala siya sa mood na kausapin si Alwyn.
"Pareho lang ang building na pupuntahan namin," mabilis na depensa ni Irene. Ang guwapo sana nito kung 'di lang nakakunot ang noo na para bang sinaniban ito ng ispiritu ng masasamang nilalang sa mundo. Panay ang tawag at text nito kagabi kung kumusta na ang anak nila kaya ibinigay na niya ang number ng mga magulang niya para doon na siya tumawag. Kulang pa siya sa tulog pero kailangan niyang pumasok. Hindi puwedeng pabayaan niya ang pag-aaral. Babawi na lang siya tuwing Sabado at Linggo sa pagtulog.
"Halika na, Irene. Baka ma-late pa ako," yaya ni Alwyn. Masyadong maaga para makipagbangayan kay Kean. Matindi talaga ang galit nito sa kaniya dahil akala nito, niloloko lang niya ang kakambal nitong si Keana.
"Bakit? Sa 'yo ba ang mga paa ni Irene at hindi mo kayang maglakad patungo sa classroom ninyo?" tanong ni Kean. Akala mo, hindi makarating sa paroroonan kung hindi nito kasama ang nanay ng anak niya.
"Ano ba ang problema mo?" napipikong tanong ni Alwyn.
"Pera!" mabilis na sagot ni Kean, "may maitutulong ka ba?"
"Psh! Mauna na nga ako!" wika ni Alwyn. Hindi niya ugaling makipagtalo sa mga ito. Alam na niya ang bituka ng magpinsan kapag ganito ang usapan maliban kay Black. Si Black lang talaga ang hindi palasagot at hindi isip bata sa kanila.
"Akala mo naman, ikinatuwa kong makita kayo? Kung gusto ninyong magsama, e di magsama kayo! Panira kayo ng araw ko!" napipikong sabi ni Kean at nauna pang tinalikuran ang dalawa. As if na gusto niyang makita ang mga ito lalo na si Alwyn. Namba-badtrip talaga ang lalaking 'yon!A/n:
Thank you sa lahat lalo na sa mga nagre-recommend nito sa mga Wattpaders na friends nila. Labyow. P.S. nababasa ko comments pero 'di lang nakapag-reply minsan dahil busy. Hehehe.❤💖💜💖💖💚💜💖💜💖💜💖💚💖
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...