Got A Baby With School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER
Unedited...
"Mom? Nakabuntis po ako," sabi ni Kean habang palakad-lakad sa sala. "Haist! Mali! Dad? Ahm... Alam kong magagalit kayo pero-- shit! Ang hirap!"
Kanina pa siya nagpa-practice ng sasabihin sa mga magulang pero hindi siya makahagilap ng tamang pangungusap.
"Haist! Bakit kasi nangyayari ito sa buhay ko?" Nanghihinang naupo siya sa sofa pero agad na napatayo nang pumasok ang mga magulang. Kanina pa niya hinihintay ang mga ito dahil dumalo raw ng meeting sa opisina.
"D-Dad? Bakit ninyo bitbit si Red?" tanong niya at napatingin sa anak ng pinsan.
"Walang magbabantay, dadaanan naman ni Blue mamaya," masayang sabi ni Yna at niyakap ang batang nakatitig lang sa kanila na para bang kinikilala ang mga nasa paligid.
"G-Gusto ho ninyo ng baby?" nauutal na tanong niya.
"Gusto ko pero huwag muna ngayon," sagot ni Yna at humarap sa anak, "masyado pa akong napagod noon sa inyo ni Keana kaya hindi pa ako handang magkaroon ng baby sa bahay." Hands on mom siya. May yaya pero mas siya ang gumagawa ng lahat. Mula sa pagpalit ng diaper, padede at pabihis sa kanila. Ang hirap kaya dahil kambal sila.
"I-Ikaw dad? Gusto mo ba ng baby?' usisa ni Kean.
"Hindi ako mahilig sa bata," walang ganang sagot ng ama at napakunot ang noong nakatitig kay Kean, "ano ba ang gusto mo? Mag-aasawa ka na ba?"
"H-Ha?"
"Sinasabi ko na sa 'yo, Kean, huwag kang mag-asawa nang maaga!" pagbabanta ng ama.
"H-Hindi naman ah. Parang nagtatanong lang e," depensa ni Kean at ilang beses na napamura sa isip. Wala rin naman siyang balak na mag-asawa pa.
"Makatanong ka, parang nagpapahiwatig ka e!" ani Kyler.
"Dad naman. Gusto ko lang magkaroon ng bunsong kapatid. Ayaw n'yo bang gumawa ulit? Puwede pa naman yatang mabuntis si--"
"Ayoko na!" mabilis na pagputol ni Kyler, "hindi ko na kayang dagdagan pa kayo! Masakit kayo sa bulsa!"
"Anak? Hawakan mo muna si Red, naiihi lang ako," pakiusap ng ina niya at agad na inabot sa kaniya ang bata at tumakbo sa CR.
Ang ama naman niya ay umakyat na sa kuwarto.
Napatingin siya kay Red na nakakunot ang noong nakatitig sa kaniya.
"Mas pogi ako kaysa sa daddy mo, ano?" tanong niya kaya ngumiti si Red na para bang naiintindihan siya nito.
"Naaalagaan kita pero ang anak ko, ne hindi ko man lang nahawakan," pabulong na sabi niya na para bang sila lang ang nagkakaintindihan.
Napabuntonghininga siya. Superstar ang ama ni Red at kasagsagan ng kasikatan pero ne hindi man lang nito ikinahiyang single dad ito.
"Ang sama ko na bang ama?" naguguluhang tanong niya sa batang nakatungo lang sa kaniya, "shit! Ang sama ko na nga talaga!"
Nang bumalik ang ina, inabot niya si Red at pumasok sa kuwarto. Kailangan niyang mag-isip. Napakalaking gulo ang sapitin niya kapag maunahan siya ng ibang tao na mag-amin sa mga magulang.
Pasado alas siyete na ng gabi nang bumaba siya. Kumakain na ang mga magulang pero tuloy-tuloy lang siya sa labas. Suwerte lang niya dahil hindi siya namalayan ng mga ito lalo na ng kakambal niyang matalas ang pandinig.
Tinulak pa niya ang ducati palabas ng gate para walang ingay. At nang makalayo na ay saka niya pinaandar para pumunta sa pinakamalapit na bar.
Pagdating sa bar, iginiya siya ng waitress sa pinakadulong table. Mamayang alas dose pa raw ang stage sho w nila. Nag-order siya ng limang bote ng alak. Magpapadagdag na lang siya mamaya kung kukulangin at dalawang sisig.Iginala niya ang bar, maayos naman tingnan. Mukhang may kaya rin ang mga parokyanong nasa nakaupo sa mesa. Medyo maliwanag pa ang paligid pero matapos ang ilang minutong panatili niya ay pinatay ang ilang ilaw.
"Ano na ang gagawin ko?" bulong niya at tinungga ang isang bote ng alak. Kung puwede lang takasan ang problema, wala na siguro siya sa mundo.
"Miss?" tawag niya sa babaeng naghatid ng in-order ng nasa kabilang table.
"Yes, sir? May kailangan pa po ba kayo?" nang-aakit na tanong nito at naupo sa harapan niya. Maganda naman ang babae, maputi at puwede nang pagtiyagaan.
"Gusto ko ng baso at extra ice," sagot niya.
"Ka-table, gusto mo?" tanong nito at nag-crossed legs para mas makita ni Kean ang mahahaba niyang binti.
"No, thanks. Gusto kong mapag-isa," walang ganang sagot niya. Kung nasa mood siyang makipaglandian dito, makukuha niya ito kahit na walang bayad. Kailan pa ba siya nagbayad para may maikama lang?
"Libre akong ka-table kapag ikaw ang costumer," malanding sabi ng babae at hinawakan ang hita niya saka pinisil.
"Missy? Tawag ka ni Boss!" sabi ng babaeng nasa likuran ni Kean at napasulyap sa kamay na nasa hita ng binata.
Familiar ang boses ng babae kaya lumingon si Kean. Muntik na siyang malaglag sa kinaupuan nang makita ang mukha ni Irene. Nagkagulatan pa silang dalawa.
"A-Ano ang ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ni Kean na para bang asawa na nahuli ng asawa niya kasama nag kerida.
"Ako ang dapat na magtanong sa 'yo, ano ang ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" galit na tanong niya saka napasulyap sa bote ng alak sa mesa na wala nang laman ang dalawa.
"Magkakilala kayo?" tanong ng babae at hinugot na ang kamay sa hita ni Kean.
"Tinatawag ka na ni Boss," pag-iiba ni Irene na kulang na lang ay sabunutan ang dalawa. Naiinis siya kay Missy dahil palagi siyang inaagawannng costumer na malaki ang tip at mas lalong nainis siya kay Kean. Ang kapal ng mukha! Wala ngang pambili ng panggatas ng anak nila tapos nagawa pang maglaklak ng alak.
"Maiwan muna kita, pogi, babalikan kita," malanding sabi ni Missy at kinindatan si Kean bago tumayo at humarap kay Irene, "may iniutos siya, ikaw muna ang magbigay sa kaniya ng hinihingi niya."
"B-Bakit ka nandito?" tanong ni Irene.
"Bakit ganiyan ang suot mo?" tanong din ni Kean at hinagod siya ng tingin. Nakaitim na mini skirt at puting sleeveless kagaya ng mga nagtatrabaho rito, "huwag mong sabihin, dito ka nagtatrabaho?"
"Oo, dito nga. May problema ka ba?" pagsisinuplada ni Irene at iniligpit ang boteng walang laman. Kilala ng ama niya ang may-ari nitong bar at okay lang sa parents niya na mag-extra siya rito para may pambili ng gatas. Wala namang masama dahil hindi siya nakikipag-table sa mga parokyano.
"Bakit dito sa bar? Wala ka na bang matinong mahanap?" naniningkit ang mga mata na tanong ni Kean. Malaking problema kapag malaman ng mga magulang na sa bar nagtatrabaho ang ina ng anak niya.
"Alangan naman sa mall ako magtatrabaho sa ganitong oras? Duh? Working student ako para may panggatas sa anak mo!" sagot niya. Kung masama lang siyang tao, kanina pa niya hinampas ito sa ulo ng bote ng alak.
"A-Anak ka riyan!" sabi ni Kean at tinungga ang isang alak.
"May kailangan ka pa?"
"Gusto ko ng isang baso at apat na bote ng alak tapos yelo," sagot ni Kean kaya padabog na tinalikuran siya ni Irene.
"Ang daming bar, dito pa talaga siya napadpad?" bulong ng dalaga habang kumukuha ng yelo.
"Missy? Ikaw nga ang maghatid nito sa costumer na nilalandi mo kanina!" sabi niya.
"Excuse me? Ako ang nilalandi niya!" pagtatama nito pero hindi na si Irene nakipagtalo.
Dinala nito ang baso at alak kay Kean habang siya ay nag-aayos ng order ng ibang parokyano.
"Ikaw ang gusto niyang maka-table!" naiinis na sabi ni Missy nang bumalik sa kaniya.
"Wala akong time kaya ikaw ang kumausap sa kaniya! Tutal, trip mo naman siya!"
"Ayaw niya! Kapag mainis daw siya, magwawala siya," naiinis na sagot ni Missy.
"E di hayaan mo siya at nang mabugbog!" sagot ni Irene. Wala naman siyang mapapala kay Kean, walang silbi.
"Ipapasara niya ang bar," anito.
"E di ipasara!"-Irene.
"Irene? Harapin mo ang costumer natin sa pinakadulong table," sabi ng baklang manager.
"Ayaw ko," tanggi niya.
"Kilala ko siya girl, may ipinasara na silang bar sa Makati. Kilala mo naman siguro ang mga Villafuerte?" natatakot na sabi ng bakla. Kapag nagkataon, patay siya sa may-ari.
"Oo na!" napipilitang sagot niya saka padabog na naglakad palapit kay Kean.
"Kailangan mo?" tanong niya nang maupo sa harapan nito.
"Magkano ang bayad nila kapag makipag-table sa 'yo?" seryosong tanong ni Kean.
"Hindi mo ma-afford."
"Villafuerte ako kaya kaya kong bilhin kahit ang buhay mo!" giit ni Kean.
"Bilhin mo muna ang gatas ng anak mo bago ka magyabang sa harapan ko!" matapang na pakipagsagutan ni Irene.
"Haist! Hindi ko nga--"
"Hindi mo siya anak? Fine! Akin na ang DNA result para maniwala ako!" sabi niya at inilahad ang kanang kamay.
"Fine! Anak ko nga siya! Ako ang ama niya, masaya ka na?" pag-amin ni Kean at tinungga ang laman ng bote.
"Ako?" tanong ni Irene at itinuro ang sarili, "masaya dahil ikaw ang ama ng anak ko?"
"Bakit? Ang suwerte mo nga dahil inanakan kita!"
"E di salamat!" sagot ni Irene.
Tumahimik si Kean at inubos ang laman ng isang bote. Naningkit ang mga mata ng dalaga habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya. Naiinsulto siya! Halos magkamatay-matay na siya sa pagtrabaho para may panggatas lang kay Ariana tapos ito, pinangalandakan pa ang alak sa harapan niya.
Napasulyap si Kean sa dalagang hindi na mailarawan ang mukha kaya tumigil siya sa pag-inom.
"Hayaan mo muna akong i-enjoy ang buhay ko ngayong gabi. Nabigla lang talaga ako sa nalaman ko. Hindi ko naman tatakasan ang bata, medyo magulo pa ang isip ko. Puwede bang bigyan mo muna ako ng one week?" seryosong saad niya.
"Bakit? Nang malaman ko bang buntis ako, hindi ako nabigla? Ano sa tingin mo? Nang manganak ako, sinabi ko bang puwedeng after one week lang ang gatas ni Ariana?" ganti niya kaya napahilot sa sintido si Kean.
"Hindi ko pa nga alam ang gagawin ko! Hindi ko alam kung paano maging ama sa anak mo! Hindi pa ako handa!"
"Hindi naman kita pinipilit! Kung ayaw mo kay Ariana, mas lalong ayaw ko rin sa 'yo!" napipikon na siya. Mas lalo lang yata siyang nahirapan dahil ipinaalam pa niya rito na may anak sila, "kayang buhayin ang anak ko na wala ka!"
"Tutulong ako! Bigyan mo lang ako ng time!" giit ni Kean, "nahihirapan pa akong mag-adjust!"
"Bahala ka! Hindi naman kita kailangan! Kung ayaw mo, e di huwag! Walang pilitan pero huwag mo rin akong sisihin kung lumaki si Ariana na hindi ka niya kilala!" sagot niya saka tumayo, "subukan mo lang ipasara ang bar na ito dahil malalaman ng buong Westbridge ang baho mo!" pagbabanta niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/244224278-288-k245881.jpg)
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
Roman d'amourMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...