CHAPTER 50Unedited...
"Bumangon ka na! Kung hindi, pepektusan kita!" sabi ni Kyler nang pumasok sa kuwarto ng anak. Kaninang tanghali, hindi rin ito kumain kaya siya na ang pumunta dahil hindi nito kinakausap si Yna.
"Wala akong gana, Dad."
Hinatak ni Kean ang kumot na nasa paanan na niya at nagtalukbong pero hinila naman ito ng ama.
"Ano ba ang problema mo at nagkakaganiyan ka?" tanong ni Kyler pero hindi umimik si Kean. Dumapa ito at isinubsob ang mukha sa unan.
"Kean, hindi naso-solve ang problema sa pananahimik lang. Sabihin mo, baka may maitulong ako."
"Wala po akong problema. Wala lang talaga akong ganang kumain at gusto kong matulog," sagot ni Kean.
Naupo si Kyler at pinagmasdan ang anak na nakadapa pa rin habang ang kanang kamay ay nakapatong sa hotdog pillow.
"Si Irene ba? Nagkatampuhan ba kayo?"
"Walang kasalanan si Irene rito," sagot ni Kean at bumangon saka naupo sa kama.
Napa-poker face si Kyler.
"Anak kita at lalaki rin ako kaya alam kong babae ang problema. Come on, tell me. Baka may maitulong ako," mahinahong saad ni Kyler.
"W-Wala namang kasalanan si Irene kaya huwag mo siyang pag-isipang masama," sabi ni Kean at iniwas ang mga mata. Ganito na ba siya ka visible sa mga mata nila? Na alam nilang lahat na si Irene ang problema niya?
"Stop protecting her if it hurts your ego," seryosong saad ni Kyler. Tahimik lang siya pero last week pa niyang napupuna ang anak. Dalawa lang naman sila ni Keana kaya impossibleng hindi niya matutukan ang emosyon ng kambal.
"Cool off na kami," pag-amin ni Kean at napayuko. Ayaw niya talagang mawalay kay Irene pero habang kasama niya ito, mas lumalala lang ang sakit na nararamdaman niya.
"For how long?"
"I don't know, Dad. Gusto ko lang makapag-isip siya kung sino ba talaga ang mahalaga sa kaniya."
"May iba siya?" nakakunot ang noong tanong ni Kyler.
"H-Ha? Ahm... W-Wala naman po," tanggi ni Kean. Wala naman yatang relasyon ang dalawa pero mukhang MU lang?
"Ano lang? May mahal siyang iba pero hindi sila?" paglilinaw ni Kyler kaya dinampot ni Kean ang hotdog pillow at inilagay sa lap.
"G-Ganoon na nga siguro," malungkot na sagot ng binata. Sa dinami-dami ng tao, sa ama pa talaga siya nagkuwento. E, galit pa ito sa kaniya.
"Ano ba ang sabi niya?"
Napapikit si Kean at hinilot ang sintido.
"Siyempre mahal niya ako. Pero paano niya nasabi 'yon kung kaunting kibot lang ni Angelo, takbo siya kaagad papunta roon? If she loves me, she won't allow him to kiss her lips! Damn! He kissed her. He fucking kissed my girl!" Itinapon niya ang unan sa dingding kaya napahilamos si Kyler sa mukha habang awang-awang nakatitig sa anak. Ramdam niya ang bigat ng dibdib nito.
Mahabang katahimikan ang namayani sa mag-ama. Pawang mahahabang buntonghininga lang ang bumabasag sa katahimikan nila.
"Shall I marry her?" desperadong tanong ni Kean at napatitig sa ama.
"You shouldn't," seryosong sagot ni Kyler.
"Ayaw mo ba talaga sa kaniya? K-Kailan mo siya matatanggap, Dad?" malungkot na tanong ni Kean. Isa pa 'tong pamilya niya. Nahihirapan na siya kung paano nila magustuhan si Irene."That's not the point, Kean. If pakasalan mo siya just because you're afraid to lose her, then, that's not the answer!" wika ni Kyler.
"But I might lose her," saad ng binata.
"If she loves you, bakit ka matatakot? May anak na kayo. Para lang 'yang namamangka kayo sa karagatan. In order to balance the boat, kailangan ninyong magtiwala sa isa't isa na walang bibitiw. Walang susuko."
"Paano kung susuko siya? Paano kung lilipat siya ng bangka? E di mahuhulog ako? Paano kami ni Ariana? Iiwan na lang ba niya kami nang gano'n-gano'n na lang?"
"E di pumunta ka sa gitna ng bangka at magpatuloy kang mag-isa. Ang mahalaga, kasama mo si Ariana. Hindi lahat ng pamilya, buo."
"Pero ayaw ko ng wasak!" giit ni Kean.
"Hayaan mo muna siyang makapag-isip. Pero huwag kang maging kampante. Kahit paano, bantayan mo rin siya. Baka isipin nu'n, hindi rin naman siya mahalaga sa 'yo," wika ni Kyler na hindi maintindihan ang sarili kung ba't ba siya nakikipag-usap ng ganito sa anak. Naalala niya tuloy ang asawa at si Dylan. Naghalikan din ang dalawa noon. Masakit talaga sa kaniya iyon. Paano na lang si Kean? E, nakita nito ang nangyari. Kung siya siguro, baka nagwala na siya.
Tumahimik si Kean at sunod-sunod na buntonghininga ang ginawa.
"Bumaba ka na at kumain para maliwanagan 'yang utak mo. Baka paggising na lang namin kinabukasan, namumulot ka na ng bato sa hardin ng mommy mo."
Tumayo si Kyler saka lumabas. Sumunod naman si Kean sa kaniya para kumain sa baba dahil kanina pa nga kumukulo ang sikmura niya.
"Mabuti at hindi mo nilunod ang sarili mo sa alak," wika ni Kyler habang pababa na sila ng hagdan.
"Malulugi ang negosyo ko. Isa pa, magbibigay pa ako ng gatas ni Ariana bukas," sagot ni Kean.
Napangiti si Kyler, "Three bottles, okay na 'yon."
"Treat mo 'ko."
"Okay," pagpayag ni Kyler. Tama lang at may pinabilis siya kanina sa katulong. At least dito sila sa bahay. Mahirap kalabanin ang armalite na bunganga nina Yna at Keana kapag umuwi silang lasing.
-------------------
"Mabuti at nagsalamin ka na," sabi ni Irene kay Sofia. Ngumiti ang dalaga sa kaniya.
"Hindi na rin masama. Masasanay rin ako. Try ko ang contact lens pero wala pa me sa mood," maarteng sagot ni Sofia.
"Kayo na pala ang friends ngayon?" tanong ni Charlyn kasama.
"Oo nga," maarteng sabat ni Isabela, "Isang malabo ang mga mata at isang mahilig mambulag ng mga lalaki!"
Noong isang araw, nag-away ang mga ito dahil sinumbatan nila si Sofia.
"Leave us alone! At least we're real!" naiinis na sabi ni Sofia at hinila si Irene palabas ng classroom bago pa niya makalbo ang mga ito. Swimming class na nila ngayon kaya sa pool area sila papunta.
"Okay lang ba sa 'yo mag-swimming kahit malabo ang mga mata mo?" tanong ni Irene.
"Hindi ako bulag. Isa pa, hindi ganoon ka grabe ang pagiging farsighted ko. Huwag mo nga akong gawing bulag!" maarteng sabi ni Sofia. Kahit kailan, hindi talaga ito nagbabago ng ugali. Maarte pa rin. At least prangka ito.
Papasok pa lang sila nang marinig na niya ang hiyawan sa pool kaya kinabahan siya. Sina Kean pala ang sinusundan nila.
"Okay ka lang?" tanong ni Sofia nang tumigil sa paglalakad si Irene.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
Roman d'amourMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...