Chapter 1

9K 211 13
                                    


Title: Got A Baby With School Heartthrobs
Author: Sha_sha0808
Chapter 1
Unedited...

"Ma? Pakibantayan po muna ang baby girl ko ha," pakiusap ni Irene sa ina.

"Oo, ako ang bahala. Paubos na ang diaper niya, pabili ka sa papa mo," bilin ng ina.

"Huwag na po, bibili na lang po ako mamaya pag-uwi ko," sabi niya, "nay apat pa naman diyan kaya aabot pa 'yan mamayang gabi."

"Kaya mo ba? Baka mahirapan ka," tanong ng ina.

"Hindi po, kaya ko 'to!" determinadong sagot niya.

"O siya, umalis ka na at baka ma-late ka, ako na ang bahala rito. Mag-aral ka nang maigi," bilin ni Elizabeth sa anak.

"Salamat po!" Humalik siya sa pisngi ng ina bago umalis.
Naglakad siya nang kaunti palaba sa subdivision at nag-abang ng dyip patungo sa Westbridge. First day of class, kaya excited na siya.

Nang makababa na siya sa tapat ng Westbridge, hindi niya mapigilan ang maging masaya. Twenty years old na siya pero tumigil siya sa pag-aaral dahil sa pagbubuntis noon. Ang tindi pa nga ng dinanas niya sa ama dahil sinaktan siya nito pero kahit kailan, hindi sumagi sa isip niyang ipa-abort ang bata.

"Welcome to Westbridge Univesity!" bulong niya sa sarili at nilanghap ang sariwang hangin. Ang lawak at tataas ng buildings nitong paaralan. Puno rin ng malalaking kahoy sa palibot na pinapahingaan ng ilang estudyante.

"Aray ko!" reklamo siya nang mauntog sa isang matigas na pader kaya natumba siya pero nang tumingala siya, katawan pala ang nabangga niya.

"Uso ba talaga ang tanga sa paaralang ito?" walang emosyon na wika ng binatang nakatitig lang kay Irene habang tumatayo.

"S-Sorry po," hinging paumanhin niya at napatulala sa kaguwapuhan nito kahit na medyo may pagkasuplado.

"Sa susunod, mag-ingat ka," walang kabuhay-buhay na wika nito kaya napakagat si Irene sa ibabang labi. Guwapo sana kaso may pagkasuplado.

"Oo, pasensiya na talaga," paumanhin ulit niya. Sa sobrang excitement, hindi niya ito namalayan. E, sa dream school niya ang Westbridge.

Hindi na kumibo ang guwapong binata.

"Black!"  tawag ng isa sa dalawang lalaking palapit dito, "kanina ka pa namin hinahanap ni Blue, nakita mo si Tai-Tai ko?"

"Ewan ko sa 'yo, Sky!" pagsisinuplado ng binata at nauna nang maglakad sa dalawang kapatid.

"Ang guwapo talaga ng triplets, ano?"

Narinig ni Irene ang usapan sa paligid niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Kyaaah! Ang Villafuerte triplets?" pabulong  na tili niya. Sikat ang tatlo lalo na si Blue dahil artista ito. Kaya pala familiar sa kaniya. Nawala sa isip niya na nandito rin nag-aaral ang anak ng may-ari.

Kaya pala ang guwapo nila dahil lahing Villafuerte.

Hinanap niya ang classroom nila, medyo nahirapan pa nga siyang makita dahil ang lawak ng paaralan. Mabuti na lang dahil medyo makapal ang mukha niya kaya nagtanong-tanong siya sa mga estudyanteng sa tingin niya ay mukhang mabait.

Ang ingay ng mga kaklase niya ang sumalubong sa kaniya. Sa pinakadulong upuan siya naupo. Kinuha niya ang cellphone at nagbasa ng Wattpad. Ito na lang talaga ang karamay niya sa panahong hindi siya nag-iexist sa mga taong nasa paligid.

"Basta may Wattpad, hindi ako ma-o-OP," bulong niya.

"Miss, kami ang uupo riyan!" sabi ng babaeng nakatayo sa harapan niya kasama ang dalawa nitong mga kaibigan.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon