25

547 16 0
                                    

CHAPTER  25

Unedited...
"Kaya kong tanggapin ang anak mo sa labas," sabi ni Hattie habang nakatingala sa binata. Nasa rooftop sila.
Naupo si Kean sa mahabang bench pero mas pinili ni Hattie na tumayo sa harapan nito.
"B-Babe, gusto ko lang malama mo na after ng ilang gabi, napag-isip-isip ko na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko."
Handa na siya. Tatanggapin niya ang anak ni Kean basta huwag lang itong mawala sa buhay niya dahil hindi niya kaya.
Si Kean ang lahat sa kaniya. Wala naman sigurong masama kung tanggapin niya ang anak nito dahil marami na rin ang ganiyan ngayon. Basta nagmamahalan sila at sigurado siyang sa kaniya uuwi si Kean.
"Hattie, hindi na talaga puwede," seryosong sagot ni Kean. Kapag makipagbalikan siya o bibigyan niya ito ng pag-asa, mahihirapan lang siya. Mas mainam nang habang maaga, iiwasan na niya si Hattie.
"P-Pero tanggap ko naman ah. Nabigla lang ako noong nakaraang araw," naiiyak na sabi ni Hattie. Kung ito ang tanging paraan para manatili si Kean sa buhay niya, tatanggapin niya.
"Hindi naman iyon. Hattie, sana naiintindihan mo ako. Ayoko na talaga dahil gusto kong bumawi kay Ariana," paliwanag ni Kean. Gustuhin man niya, hindi talaga kaya. At the end, masasaktan lang niya si Hattie.
"Puwede ka namang bumawi sa anak mo, tulungan kita," ani Hattie. Hindi siya tututol.
"Mas magiging kumplikado ang lahat kapag ipagpatuloy pa natin ito," giit ni Kean. Akala niya, okay na sila ni Hattie dahil ilang araw itong hindi nagpaparamdam.
"Ano? Ganoon na lang ba iyon, Kean? Basta-basta mo na lang ako iiwan sa ere kasi may anak ka na? E di sana hindi mo na lang ako ligawan!" singhal ni Hattie ang kaninang maamong mukha ay naging matapang na.
"Hindi ko alam na may anak ako, sinabi ko na iyon sa 'yo. Hattie, masakit sa una pero mas masakit kapag tumagal pa. Hindi ko naman binalak na lokohin at iiwan ka lang nang gano'n na lang pero wala akong choice," depensa ni Kean. Noong niligawan niya ito, hindi naman sumagi sa isip niya na darating ang araw ay iiwan niya ang dalaga. Basta gusto lang niyang i-enjoy ang buhay habang sila. Kung sila, e di sila.
"Tanggap ko nga ang anak mo!" giit ni Hattie, "o baka naman ayaw mo lang dahil may gusto ka talaga kay Irene?"
Umiwas ng mga mata si Kean sa kaharap. Hindi naman totoo ang sinabi nito. Si Ariana lang talaga ang gusto niya at hindi kasali ang ina.
"May gusto ka sa kaniya? Fuck you!" sigaw ni Hattie. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil walang pumupunta rito maliban sa mga barkada ni Kean.
"Wala akong gusto sa kaniya!" sagot ni Kean na salubong ang mga mata.
"Girlfriend na siya ni Alwyn. Ano? Aagawin mo pa rin?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Hattie na nakapamewang pa habang nakatingin sa binatang nakaupo sa harapan niya.
"Pakialam ko sa relasyon nila? Girlfriend man siya ni Alwyn o hindi, hindi na rin ako makipagbalikan pa sa 'yo. Please, mag-move on ka na. Darating talaga ang lalaking para sa 'yo at hindi ako iyon," giit ni Kean. Alam niyang mabilis lang siyang naka-move on pero wala na talaga siyang pagmamahal para kay Hattie. Ang dali lang sa kaniyang kalimutan ito, siguro dahil  sa gusto talaga niyang makabawi sa mga pagkukulang sa anak.
"Kasalanan 'to ni Irene! Sinadya niyang magpabuntis sa 'yo!" nanggigigil na sabi ni Hattie.
"Walang kinalaman si Irene rito kaya huwag mo siyang idamay," depensa ni Kean, "kung galit ka dahil sa pakipaghiwalay ko, sa akin ka magalit at huwag mong idamay ang mag-ina ko lalo na ang anak ko."

"Ang lakas mo namang makadepensa sa kaniya! Kaya pala tinutulungan mo siya noong nag-away kami kasi may pinagdaanan kayo. Bakit? Pinikot ka lang niya, 'di ba? Pobre kasi! Kaya para siyang linta na gustong kumapit sa mga mayayaman katulad mo!" Kapag nasa harapan lang niya si Irene, masasabunutan talaga niya ito. May Alwyn na nga, inaagaw pa nito si Kean sa kaniya.
"Umalis ka na," malumanay na sabi ni Kean. Naiintindihan naman niya si Hattie. Normal lang na magalit dahil kasalanan naman talaga niya. Mahirap pero sana ay maintindihan siya nito balang araw. Kapag kumapit pa siya sa relasyong walang patutunguhan, masasaktan lang ang dalaga.
"Hindi pa tayo tapos, Kean! Hindi ako titigil hanggat hindi ka bumalik sa akin. Alam kong naguguluhan ka lang sa ngayon but if you need me, I'm just a call away," makahulugang sabi nu Hattie at lumabas na sa pintuan saka bumaba sa rooftop.
Matapos ang kinse minutos, bumaba na rin si Kean para pumunta sa klase.
Sa pagkamalas, nakita niya sina Alwyn at Irene na nagtatawanan at mukhang walang pakialam sa mga taong masakit ang titig sa kanila.
"Irene," tawag niya nang malapit na sila.
"Bakit?" tanong ng dalaga kay Kean na masama ang titig kay Alwyn.
"Usap tayo, sandali lang," seryosong sagot ni Kean.
"Mauna na ako, Irene, may klase pa ako," paalam ni Alwyn at tinapik sa nalikat ang dalaga.
"Ano ang sasabihin mo?" tanong ni Irene.
"Huwag dito, sa tambayan tayo."
Alam kasi niyang wala na ang mga pinsan doon at umalis ang katulong kaya sila lang ang tao para makapag-usap naman sila nang masinsininan.
"Mahalaga ba?"-Irene
"Oo!"-Kean
"Gaano ka halaga, Kean?"
"Kasing halaga ng buhay mo!"
Nang mapatunayang seryoso nga si Kean, sumama si Irene sa tambayan nila.
Walang tao pagdating. Nang masarado na ng binata ang pinto, hinarap niya si Irene.
"Isang tanong, isang sagot. May relasyon ba kayo ni Alwyn?"
"Dinala mo ako rito para lang itanong 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Irene.
"Answer me!"
"Bakit mo natanong? Mahalaga pa ba sa iyo iyon?" tanong ni Irene.
"Oo! Dahil ako ang ama ng anak mo kaya mahalaga sa akin ang lahat," sagot ni Kean.
"Akala ko ba, walang pakialaman ng love life?"-Irene
"So? Kayo na nga talaga ni Alwyn?" tanong ni Kean.
"Kung oo, ano ang gagawin mo?" balik-tanong ng dalaga.
"E di kayo na! Huwag lang ninyong pakialaman si Ariana at huwag mong ipakilala na siya ang ama! Magsama kayo ng Alwyn mo!" singhal ni Kean, "ano na? Kayo ba?"
Hinihintay niya ang sagot ni Irene. Kung wala nga silang relasyon ni Alwyn, ikakatuwa niya. Para patas naman silang walang lovelife at si Ariana na lang ang atupagin muna nila. Saka na ang buhay pag-ibig.
"Oo, kami na!" matapang na sagot ni Irene. Nakakainis si Kean. Kakausapin siya tapos sisinghalan lang din. Hindi na siya nito puwedeng kausapin nang mahinahon lang? May Hattie naman ito kaya hayaan na niyang isipin nitong sila nga ni Alwyn. Tutal, iyon naman ang paniniwala ng lahat.
Natigilan si Kean. Alam naman niyang may relasyon na nga ang dalawa. Nakikita na nga niya, tapos itinanong pa niya. Peste lang. Ang sakit man pero umasa talaga siyang "wala" ang isasagot ni Irene.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon