Got A Baby With School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 35
Unedited...
"Ang tagal mong dumating," sabi ni Kean na kalong si Ariana nang dumating si Irene.
"Busy dahil naglinis pa ako ng sahig," sagot ni Irene, "sina Papa?"
"Umalis na," sagot ni Kean. Tuwing Sabado at Linggo, hindi nila pinapapunta ang nag-aalaga kay Ariana.
"Kakain muna ako," sagot ni Irene.
"Sige, kunin ko lang ang mga gamit ni Ariana sa kuwarto ninyo." Inilapag ni Kean ang anak sa crib at tumungo da kuwarto.
Nang matapos kumain ni Irene, sinarado nila ang buong bahay at lumabas na.
"Saan pupunta ang mag-ina?" tanong ni Aleng Minda na may bitbit na gulay na binili niya sa palengke.
"Hihiramin ko po muna ang mag-ina ko," si Kean na ang sumagot na karga na si Ariana.
"Wow, papasyal pala si Ariana sa bahay ng daddy niya," wika ni Aleng Minda at mahinang kinurot ang pisngi ng bata, "sige, magluluto pa ako."
Sumakay na silang tatlo sa sasakyan. Nasa backseat ang mag-ina kaya paminsan-minsan ay sinusulyapan ni Kean ang dalawa sa rearview mirror.
"Inaantok ka na ba? Matulog ka muna, gisingin lang kita kapag nandoon na tayo," sabi ni Kean.
"Okay lang, kaya ko pa naman," sagot ni Irene. Nakaupo sa tabi niya si Ariana na nginangatngat ang teething toy na may iba't ibang kulay.
Mabilis pero maingat na nagmaneho si Kean hanggang sa makarating na sila sa parking lot ng condo building. Dali-dali siyang bumaba para pagbuksan ang mag-ina niya.
"Ako na ang magdala kay Ariana," sabi ni Kean nang makuha ang travel bag ni Ariana.
"Huwag na, ako na," sabi ni Irene.
"Magaan lang ang bag na 'to kaya palit tayo," sabi ni Kean kaya walang nagawa si Irene kundi makipagpalitan dito. Nauna si Kean. Inihiga ni Ariana ang ulo sa balikat ng ama habang nakatitig sa inang nakasunod sa kanila.
Nginitian ni Irene ang anak kaya ngumiti rin ito pero hinihila na ng antok. Patulog na si Ariana kanina nang bumaba sila kaya sigurado siyang makakatulog ito pagdating sa unit ni Kean.
Pagdating sa elevator, pinauna siya ni Kean. Sila lang naman ang sakay kaya nakahinga nang maluwag si Irene. Sigurado siyang may taga Westbridge na nakatira din dito.
Pagpasok nila sa unit, agad na inilapag ni Kean ang anak sa crib.
"Matulog ka na, gisingin na lang kita kapag kakain na tayo ng tanghalian," sabi ni Kean kaya walang imik na pumasok si Irene sa loob ng silid nila ni Ariana. Nag-half bath at nagpalit ng damit bago mahiga sa malambot at malaking kama hanggang sa tuluyan nang nakatulog.
Pasado alas dose na nang magising siya kaya agad na naghilamos siya saka lumabas.
"Hi, gising ka na pala," bati ni Kean na nakaupo sa sahig kasama si Ariana habang nagbubuklat ng children's book.
"May pupuntahan ka?" tanong ni Irene dahil nakabihis ito. Kahit si Ariana ay nakasuot din ito ng panlakad. Ang cute ng puting headband at pink na damit. Para itong isang prinsesa.
"May pupuntahan tayo. Hindi ba, magde-date tayo?" sagot ni Kean na disappointed ang mukha.
"N-Nakalimutan ko," sagot ni Irene. Kaninang pauwi na siya galing sa trabaho, iyon ang iniisip niya pero dahil sa pagod at kakagising lang niya, nakalimutan niya.
"Okay lang, baka hindi lang talaga importante sa 'yo na mag-date tayo," sagot ni Kean. Siya lang pala ang excited at halos hindi makatulog habang si Irene, wala lang pala rito ang lahat.
"Naalala ko 'yon kanina pero dahil kakagising ko lang, medyo tulog pa ang diwa ko," sagot ni Irene.
"Kumain ka na tapos magbihis para makaalis na tayo," sabi ni Kean para hindi na humaba pa ang usapan na ipinagpasalamat naman ni Irene. Mahirap kaya makipagtalo rito. Madalas na siya ang talo.
Habang kumakain, naririnig niya ang boses ni Kean na binabasa ang nakasulat sa libro. Tumitingala naman si Ariana na para bang naiintindihan ang sinasabi ng ama.
Pagkatapos niyang hugasan ang plato at iligpit ang pinagkainan, naligo na siya at nagbihis ng damit. Last week, nagdala iwan siya ng mga damit dito para hindi na siya mahirapan sa tuwing pupunta sila ni Ariana. Si Kean naman ang nag-suggest kaya okay lang. Puting bestida na hanggang tuhod ang haba at puting sandal ang isinuot niya. Hinayaan niyang nakalugay ang mahaba at medyo maalong buhok dahil basa pa ito. Nagdala na lang siya ng pantali kung sakaling maisip niyang itali ang buhok.
Pagkalabas niya ay nakaupo na ang mag-ama sa sala.
"Let's go?" sabi ni Kean at tumayo.
-------------------
Sa pinakamalapit na mall sila pumunta. Si Kean ang bumuhat kay Ariana habang si Irene naman ay nakasunod lang sa dalawa. Nauna itong nakapasok kaya hinintay muna niya si Irene na nakapila pa sa Entrance ng mall dahil marami ang bitbit ng babaeng nasaunahan ni Irene.
Malaya niyang natitigan ito. Simple lang si Irene pero ang ganda ng bilugang mukha. Simple pero kung ayusan, alam niyang marami siyang makakalaban. Bagay rito ang suot na puting bestida. Nagmumukha itong malaking manika. At siyempre, si Ariana ang maliit na manika.
"Ang ganda ng mommy mo," bulong ni Kean sa anak na iginagala ang mga mata at nagpapadyak pa ng paa nang makita ang tren na sakay na mga bata na umiikot sa loob ng mall.
"Pasensiya na sa paghintay," pumanhin ni Irene nang lumapit. Hindi naman siya bulag para hindi mapansing marami ang nakatingin sa mag-ama niya kaya nahihiya pa siyang lapitan ang dalawa. Nagmumukha lang siyang maduming basahan sa labas ng napakagarang pinto.
"Okay lang, hindi naman kami napapagod ni Princess sa paghintay," sagot ni Kean at sinabayan si Irene na maglakad.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Irene.
"Palaruin muna natin si Ariana, mamaya na natin siya bilhan ng mga laruan," sagot ni Kean.
"Sa second floor iyon," sagot ni Irene at lumapit sila sa escalator.
Hinawakan ni Kean ang kaliwang kamay niya at inilock ang mga daliri nila kaya napatingala siya rito.
"Baka kasi magkahiwalay tayo, mas mabuti nang hawak ko ang kamay mo," wika ni Kean na nasa escalator ang mga mata.
Sumakay na sila sa escalator. Nasa iisang baitang lang sila ni Kean habang hawak pa rin ng kanang kamay nito ang kamay ni Irene at ang kaliwang kamay naman nito ay nakasuporta sa katawan ni Ariana kaya nagmumukha silang isang buong pamilya.
Napasulyap si Irene kay Kean, maaliwalas ang mukha nito at paminsan-minsan ay mariinig hinahalikan ang pisngi ni Ariana lalo na kapag magkasalubong ang mga mata nila.
Nang makaalis sa escalator, sa World of Fun sila dumiretso. Bumili si Kean ng token na ng hahalagang 100 pesos.
"Okay na ba 'to para kay Ariana?" tanong ni Kean na ibinigay kay Irene ang nabiling token.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...