37

504 18 0
                                    

CHAPTER  37

Unedited...
"Saan na sina Mommy?" tanong ni Kean sa kakambal. Alas kuwatro na ng hapon siya nakapunta sa mansion dahil dumaan muna siya sa resto bar niya. Mabuti na lang dahil mapagkatiwalaan ang manager niya at wala pa namang katiwaliang nagaganap. Kailangan din niyang ma-monitor iyon palagi.
"Nasa itaas," sagot ni Keana na busy sa paglalagay ng nail polish sa mga daliri.
"Nandito si Dad?" tanong ni Kean. Medyo kinakabahan siya pero kapag maisip niya ang mag-ina, nawawala ang takot sa puso niya. Kailangan lang niyang samantalain ang tapang ngayon dahil baka mamaya, maduduwag na naman siya.
"Yes, ano ba ang ginawa mo at mukhang badtrip siya?" tanong ni Keana at inihipan ang mga daliri, "maganda na ba?" tanong niya kay Kean at ipinakita ang bagong design niya na bulaklak.
"Wala, baka nag-away sila ni Mommy," deny ng binata, "kumusta kayo ni Alwyn?"
"Okay lang naman ako. Huwag mong ipaalala ang lalaking 'yon! Sana malaman mo na gagawin ko lang 'to kahit na ayaw ko pero kailangan ko ang limang milyon mo!" seryosong sagot ni Keana. Sasabog na talaga ang ulo niya sa pakikipagplastikan kay Alwyn.
"Wala na ang five million, iurong na lang natin ang deal," sagot ni Kean. Ang tanga niya talaga. Sayang ang 5 million na 'yon. Para sana iyon kay Ariana. Masyado siyang nakain ng selos at hindi na nakapag-isip ng tama.
"What?" bulalas ni Keana, "hell, no! May kasunduan tayo at nag-uumpisa na ako. Don't fool me, Kean!"
Napabuntonghininga si Kean. Legit ang kasunduan nila ng kakambal kaya wala siyang magawa.
"Fine." Pagsuko niya, "ipagpatuloy mo lang but make sure na hindi ka niya mabisto!"
"May girlfriend 'yong tao, tapos ipapaagaw mo sa akin tapos bigla mo na lang iurong? Baliw ka na talaga, Kean!"
"Wala silang relasyon ni Irene!" naiinis na sabi ni Kean. Pati ba naman si Keana, naniniwala rito?
"Mayroon! Hindi ka kasi tsismoso kaya hindi mo alam!" naiinis na sagot ni Keana.
"Wala nga sabi e!" singhal ni Kean.
"Ba't parang singhutin mo na ako sa laki ng butas ng ilong mo? Umalis ka na nga! Kanina ka pa hinihintay nina Daddy!" pagtataboy ni Keana.
"Basta ingat ka kay Alwyn, hindi mo pa siya lubusang kilala!" ani Kean.
"At ano na naman ang dapat kong ingatan sa hambog na 'yon?" nakataas ang kilay na tanong ni Keana habang naka-crossed arms.
Simple lang ang kakambal niya at hindi mahilig sa mag-makeup pero ewan ba niya kung bakit nagustuhan ito ni Alwyn. E, wala namang espesyal dito. Siguro dahil sawa na siya sa mukha ng kakambal. May pagkamagaspang pa ang ugali na nagmana sa Mommy Yna nila.

"Basta! Kapag tahimik ang tao, may tinatago iyon!" ani Kean na hindi rin niya alam. Basta gusto lang niyang warning-an ang kakambal. Kakaiba ang pananahimik ni Alwyn at wala siyang panahon para alamin pa iyon. Basta huwag lang niyang pakialaman ang mag-ina niya.
"Praning ka!" pahabol ni Keana nang nasa hagdan na si Kean.
Dumiretso siya sa library nila. Pagpasok, nakaupo ang mga magulang sa sofa.
"Mabuti at dumating ka na," sabi ni Yna at tumayo saka sinalubong ng halik ang anak.
"Good afternoon po," magalang na bati ni Kean at naupo sa harapan ng mga magulang.
"May dapat ka bang sabihin?" agad na tanong ni Kyler na nakatitig sa mukha ng anak.
"Oo nga, may inililihim ka ba sa amin?" nababahalang wika ni Yna. Kanina lang, nag-usap na sila ni Kyler at nabigla siya. May pagkashunga siya minsan kaya hindi niya napansin o masyado lang siyang nagtiwala sa anak?
"A-Anak ko po ang nakita ninyo sa condo ko kahapon," pag-amin ni Kean. Tahimik ang buong silid at tanging malalalim na buntonghininga lang ni Kyler ang naririnig nila. Si Yna ay kumunyapit sa braso ng asawa dahil baka ano ang gagawin nito kay Kean.
Napayuko si Kean. Alam niyang magagalit ang mga ito sa kaniya. May usapan sila noon pa na bawal siyang mag-asawa at magbuntis ng babae habang hindi pa siya tapos sa pag-aaral.
"May lima kang minuto para ipaliwanag sa amin ang lahat. Makikinig ako at sikapin kong intindihin ang lahat-lahat," sabi ni Kyler na hindi kumukurap habang nakatitig sa anak.
Napansin ni Kean na nakakuyom ang kamao ng ama. Kung wala ang mommy niya, sigurado siyang kanina pa ito lumipad patungo sa mukha niya.
"A-Anak, m-magpaliwanag ka na," natatakot na sabi ni Yna. Siya ang natatakot para kay Kean dahil baka ano pa ang magawa ni Kyler sa anak nila. Bata pa lang ang kambal, may pinag-usapan na sila tungkol sa bagay na ito. Kahit siya man, ay hindi makapaniwala sa natuklasan.
Lumunok muna ng laway si Kean bago magsalita, "N-Nagkakilala kami sa isang party ng common friend namin. Nalasing ako. Gusto ko siya, maganda at sexy nang gabing iyon kaya dinala ko siya sa isang silid at may nangyari na nga sa amin. Mula noon, hindi na kami nagkita pa. Wala na rin naman akong pakialam dahilm marami naman ang babaeng nagbibigay ng virginity sa akin and she's one of those girls p-pero nitong pasukan, nagkita kami at i-inamin niyang may anak na nga kami," mahabang salaysay ni Kean at napasulyap sa ama pero hindi pa rin ito nagsasalita. Baka hindi pa tapos ang five minutes niya kaya ipinagpatuloy niya ang pagkukuwento.
"Noong una, hindi ako naniniwala dahil baka pamikot lang iyon. Bulok na style 'ika nga, pero nang nagsagawa kami ng paternal DNA test--" Napalunok siya ng laway, "a-anak ko nga siya."
Napanganga si Yna sa narinig. Ibig sabihin, may apo na nga sila? Apo niya ang batang nahawakan niya kahapon?
"Ano ang balak mo?" mahina pero puno ng hinanakit na tanong ni Kyler.
"G-Gusto kong ibahay ang mag-ina ko," seryoso pero kinakabahang sagot ni Kean.
"Bata pa kayo. Ano ang alam mo sa pagiging ama?" tanong ni Kyler na hindi pa rin nawawala ang galit. Pinipigilan lang niya ang sarili dahil ramdam niya ang takot sa mga mata ni Yna.
"Wala akong alam pero hindi ko puwedeng pabayaan ang mag-ina ko. Mahal ko ang anak ko kaya gusto kong matuto alang-alang sa kanilang mag-ina," sagot ni Kean at sinalubong ang mga mata ng ama.
"Mahal mo ba siya?" tanong ni Kyler.
"M-Mahal ko silang mag-ina. Mahal ko ang nanay ng anak ko," sagot ni Kean.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon