CHAPTER 48Unedited...
"Kean?" tawag ni Yna sa anak na nakahiga sa kuwarto. Alas nuwebe na pero hindi pa rin ito bumaba para maghapunan.
"Kean!" sigaw ni Yna at pinaghahampas ang anak ng unan. Naglalaro na naman ito ng play dead.
Naupo si Kean pero ne hindi pinansin ang ina.
"May problema ka ba? Bakit ka nandito?" tanong ni Yna at naupo sa tabi ng anak.
"Kumain na po ba kayo, Mommy?" tanong ni Kean kaya napakunot ang noo ni Yna. May problema ang anak niya dahil wala ito sa sarili.
"Baby? M-May problema ka ba?" nag-aalalang tanong niya. Tumayo si Kean at inayos ang nagusot na damit.
"Si Irene ba? Nag-away ba kayo ni Irene?"
Humarap si Kean sa ina, "Wala po. May masama ba kung dalawin ko kayo? Na-miss kita," sagot ni Kean.
"Anak kita kaya alam kong may problema ka," mahinang sagot ni Yna. Matutuwa sana siya sa sagot nito dahil miss na miss na niya ito pero hindi. Alam niyang may ibang rason si Kean kung bakit umuwi.
"Wala po. Kakain lang ako," paalam ni Kean at lumabas ng kuwarto saka bumaba sa kusina para kumain. Matapos niyang ihatid si Irene sa bahay nila, dito na siya dumiretso.
Kinaumagahan, nagulat pa si Keana nang makita siya.
"Dito ka natulog?" hindi makapaniwalang tanong ng kakambal habang kumakain ng sandwich.
"Himala, hindi ka nagkanin," sagot ni Kean at hinila ang isang silya sa harapan nito.
"Diet ako," nakasimangot na sagot ng dalaga, "Seryoso, bakit ka rito natulog?"
"Na-miss ko kayo," sagot ng binata at nilagyan ng kanin ang plato.
"Si Irene ba? Nag-away kayo, noh?" prangkang tanong ni Keana pero ipinagpatuloy lang ni Kean ang pagkain.
"C'mon, Kean. Nagloko na siya? Sinasabi ko na sa 'yo, dapat kinikilatis mo na muna--"
"Shutup, Keana. Walang ginawa si Irene. We're okay kaya huwag kang gumawa ng kuwento laban sa kaniya!" napipikon na saway ng binata.
"O? But some stories are true!" mataray na sagot nito at kinagat ang tuna sandwich.
"Yours is a fiction!" ani Kean.
"Whatever! Kakambal kita kaya ayaw kong masaktan ka lang dahil sa katangahan mo sa pag-ibig!" pagtataray ni Keana.
"Huwag mo ngang sirain ang araw ko!" saway ni Kean.
"Kanina pa sira 'yang araw mo!" Pinandilatan ni Keana ang kaharap at hindi na umimik pero pinakiramdaman niya si Kean.
"Sabay ako sa 'yo," sabi ni Keana kaya napataas ang kilay ni Kean.
"Hindi ka susunduin ng boyfriend mo?"
"Gosh! Kean naman! Huwag mong ipaalala sa akin ang taong sumira sa tahimik na mundo ko!" Pinandilatan siya ni Keana.
"Pero ikaw ang nagpapasok sa kaniya sa mundo mo," ani Kean.
"Dahil sa 'yo! I need my five million at magbe-break kami!"
"Marami ka pang kulang sa pamangkin mo. Patas na tayo," walang ganang sagot ni Kean at ipinagpatuloy ang pagkain.
"What the hell did you mean by that?"
"Wala kang makukuha sa akin," ani Kean.
"Shit ka! May usapan tayo! Legal na usapan!" singhal ni Keana."E di ipakulong mo ako at ikaw ang bumuhay sa mag-ina ko," wika ni Kean at hinarap ang nagbabagang mga mata ng kapatid.
"Wala kang isang salita! Tinulungan kita kasi kakambal kita! Isusumbong kita kay Daddy!" galit na sabi ni Keana.
"Babayaran kita pero hindi ngayon. Siguro, half lang kasi marami pa akong plano sa business ko. Huwag kang mag-alala," sagot ni Kean.
"Fuck your business!" singhal ni Keana saka tumayo at iniwan ang kakambal. Mali talaga ang pagpayag niya sa kalokohan nito. Maling-mali.
-----------------
"Daddy," nakangiting sabi ni Irene nang paglabas niya sa classroom ay nasa tapat ng pintuan si Kean.
"Hi," nakangiting bati ni Kean at kinuha ang shoulder bag ni Irene, "Kain na tayo."
"Kanina ka pa?" tanong ng dalaga habang nakatingala sa kasintahan.
"Hindi naman," sagot ni Kean at inakbayan ito. Medyo sanay na ang mga estudyante sa kanila. May iilan pa ring nanunuya kay Irene pero hindi na ganoon katindi dahil paunti-unti ay natanggap na rin nila ang katotohanan.
Nang dumating sila sa tambayan, nadatnan nilang nakaupo sa sala si Angelo na mukhang malalim ang iniisip.
"Ano ang ginagawa mo rito?" galit na tanong ni Kean habang nakatitig kay Angelo.
Agad namang tumayo si Angelo nang makita sila.
"G-Gusto ko lang sanang makausap si Irene," sagot ni Angelo habang inaayos ang nagusot na pantalon.
"K-Kuya..." naiilang na saad ni Irene habang nakatitig sa kababata. Mula nang may halikan siya nito, hindi na sila muling nakapag-usap pa kahit sa text.
"Please, Irene? Saglit lang," seryosong sabi ni Angelo kaya napatingal si Irene kay Kean para hilingin ang pahintulot nito.
"Pupunta lang ako sa kuwarto," wika ni Kean at tinalikuran ang dalawa. Bakit ganito? May tiwala naman siya kay Irene pero hindi pa ring maiwasang masaktan siya.
"Ren? Tungkol pala sa nangyari--"
"Kalimutan na po natin ang nangyari, Kuya Gelo," mabilis na pagputol ng dalaga sa sasabihin nito. Baka madatnan pa sila ng mga pinsan at kaibigan ni Kean.
"Totoong gusto kita noong bata pa tayo," panimula ni Angelo at ngumiti, "Lasing lang ako ng gabing iyon kaya nahalikan kita. Si Kean, mahal ka niya."
"Mahal ko rin po s-siya," naluluhang sabi ni Irene. Oo nga't gusto niya ito noon pero matagal na iyon. Nagulat lang talaga siya. Isa pa, mahal na mahal niya si Kean.
"M-Mabuti. Sana mapatawad mo ako sa nangyari. Hindi ko iyon sinasadya," paumanhin ni Angelo, "Actually, may dine-date ako ngayon."
"T-Talaga ho?"
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...