CHAPTER 7Unedited...
"Malapit na ang binyag ni Ariana, may naipon ka na ba?" tanong ng ina niya nang lumabas siya sa kuwarto.
"Isang libo pa lang po," sagot niya.
"Isang libo? Irene naman, ano ang mabibili sa isang libo?"
"Tatlong kilong pancit. Dadagdagan ko 'yan next day, busy pa kasi sa school," sagot niya. Mamaya, ibili na niya ng pang pancit ang pera para hindi na niya magasto.
"Sa inyo na po kasi ang lechon," sabi niya.
"Oo nga! Sa amin ang lechong baboy at manok pero ang cake, salad at giveaways, ikaw ang bahala," sabat ng ama na kanina pa nakikinig sa kanila. Kahit na nagtatampo siya kay Irene, hindi rin niya kayang talikurang ang apo.
"Hahanap ako ng paraan," aniya saka lumabas na para pumasok; baka ma-late pa siya.
Punuan ang dyip dahil Lunes pero nakipagsiksikan siya. Nang makababa, saktong lakad lang siya dahil hindi pa naman siya late.
Nakasabay pa niya si Sofia pero dedma lang niya. Kumukulo talaga ang dugo niya sa babaeng ito, nakapa-spoiled brat.
"Daddy? I need to buy my shoes!" sabi nito na may kinakausap sa cellphone.
"C'mon, dad! Wala nang laman ang wallet ko. Of course, marami ang bilihin dito sa Maynila. Alangan naman mag-Jollibee lang ako for my lunch! How about my breakfast and dinner? My ghad!" mahabang sabi ni Sofia. Ayaw na sanang makinig ni Irene sa kaartehan nito pero iisa lang ang classroom na pupuntahan nila. Wala pang gaanong estudyante kaya ang bunganga ni Sofia ang naririnig niya.
"I hate you!" naiiyak na sabi nito.
" Ang arte! Pasalamat pa nga siya, ang laki na ng baon niya!" bulong ni Irene. Ang dami namang nagugutom sa lansangan tapos ang mga kagaya nito, ang lakas makareklamo. Kung sabagay, pera naman nila ang ginagastos at pinaghirapan naman ng mga ito kaya ano ba ang pakialam niya?
"Oops!" sabi ng lalaking nakabunggo ni Irene dahil sa lalim ng iniisip.
"S-Sorry," paumanhin ng dalaga at pinulot ang mga aklat na bitbit.
"Okay ka lang ba, Miss?" tanong ng binata at tinulungan siya sa pagpulot.
"I'm fine," sagot niya.
"Hindi ko sinasadya," wika nito.
"Ako ang nakatunganga kaya pasensiya ka na," ani Irene. Ngumiti ang binata, kaya lumitaw ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Napatulala pa talaga siya dahil sa kaguwapuhan nito.
"No, may kasalanan din ako," sabi nito at sumeryoso ang mukha, "may iniisip lang kasi ako."
"Okay," sabi ni Irene at inayos ang sarili. Ngayon lang yata siya naging conscious dahil sa guwapong kaharap.
"Are you sure?" nag-aalinlangang tanong ng binata.
"Yes," sagot niya at napasulyap dito. Mapanga ito, medyo singkit ang mga mata at malapit nang magsalubong ang makapal na kilay. Maangas tingnan pero guwapo kung titigan.
"By the way, I'm Alwyn," pagpakilala nito at inilahad ang kamay sa kaniya, "and you are?"
"I-Irene..." naiilang na inabot niya ang nakalahad na kamay rito para makipag-shake hands. E? Ang init ng malapad na palad nito. Siguro kapag pigain ang maliit na palad niya, madudurog ni Alwyn.
"Natatakot ka ba sa akin?" nakangiting tanong nito at binitiwan na ang kamay niya, "nanginginig kasi ang kamay mo."
"H-Hindi a, kinakabahan lang," sagot niya at iniwas ang mga mata.
"Okay, Irene? Dahil may kasalanan ako sa 'yo, anytime ay nandito lang ako, magkaibigan na tayo."
"W-Wala bang magagalit?" tanong niya, "I mean, ang fans mo?" Sa guwapo nito, impossibleng walang magkakagusto sa binatang kaharap.
"Wala naman," nakangiting sagot nito na nakatitig sa kaniya.Ngayon lang niya napansin ang iilang estudyante sa palibot nila. Oo nga pala, mukhang heartthrob din ang isang ito.
" Shit! Magkakilala yata sila ni Kean," bulong niya. Parang natandaan niyang nagkasama na ang mga ito.
"Mauna na ako, Irene, may klase pa ako," paalam nito at tinapik siya sa balikat.
Lutang na ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Sana lang ay walang mangutya sa kaniya. Ganiyan naman ang ibang babae, makadikit ka lang sa hearthrob, kung laitin ka nila, parang ikaw na ang pinakapangit na babae sa buong mundo.
Pagpasok niya sa classroom, nakaupo na si Maura sa upuan nito.
"Hi," bati ni Irene at tumabi sa kaibigan, "ang aga mo naman yata, Mau?"
"Oo e," sagot nito habang kinakalikot ang cellphone, "maaga pa akong nagising kaya maaga rin ako rito."
"Irene? Alam mo bang ang arte ni Sofia? Akala mo kung sino!" sumbong nito.
"Ano na naman ang ginawa ng bruhang 'yan sa 'yo?" tanong niya at napasulyap kina Sofia na nakikipag-usap kay Isabela habang nagtatawanan. Ang aarte ng mga ito. Kapag may mahawakan lang, nagha-hand sanitizer kaagad.
"Tinaasan ako ng kilay nang dumaan ako!" sumbong niya.
"Hayaan mo na sila! Sana tinaasan mo rin ng dalawang kilay! Porket malakas ang kapit, ganiyan na sila kung umasta?" naiinis na sabi niya. Huwag lang talagang banggain siya muli nito at makikita ni Sofia ang katapat nito dahil ilalampaso talaga niya. Ang baba rin naman ng quizzes nito. Hindi ito matalino, sakto lang din ang ganda pero mayaman lang dahil isang Montemayor. Family friend daw ng mga Villafuerte at Lacson sabi ni Maura.
Nang dumating ang guro, bumalik na sila sa kanilang upuan. Mabuti na lang dahil magaling ang mga guro dahil tutok na tutok talaga sa kanila. Bawal din ang cheating.
Matapos ang first first subject, nag-CR muna sina Irene at Maura.
"Friend, si Kean, makakasalubong natin!" bulong ni Maura at napahigpit ang pagkahawak sa braso ni Irene.
"So?" pagsisinuplada ng dalaga. Naiinis talaga siya rito. Dalawang araw na magmula nang huli silang magkita sa bar. Matapos nilang mag-usap, umuwi na ang binata kaya nakahinga siya nang maluwag.
"Hindi ka ba kinikilig sa kaniya?" bulong ni Maura.
"Hindi," tinatamad na sagot ni Irene. Kung alam lang talaga ng mga ito ang tunay na sitwasyon ni Kean.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...