Got A Baby With School Heartthrob
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 21
Unedited...
"Miss? Isang order nga ng kiss!" nakangising sabi ng lasing na lalaking nadaanan niya sa isang table. Tatlo silang nag-iinuman at ka-table nila ang isang kasamahan ni Irene.
"Oo nga! Ikaw na lang ang makipag-table sa amin. Ang pangit naman nitong babae sa tabi ko!" natatawang sabi ng may mahabang balbas na nakaakbay sa babae.
"Ang anghit pa!" panunuya ng mas mataba sa kanilang tatlo na parang kamukha ni Doraemon.
"Ang lakas naman ninyong manuya, mga kuya!" reklamo ng babae saka tumayo at inayos ang palda.
"Hindi ba? Amoy putok ka!" panunuya ng may balbas. As if naman na ang bango nito. Mas maanghit pa yata sa calderedang kambing ang amoy nito pero tinitiis lang niya para sa pera.
"Pasensiya na po, may trabaho pa ako," paumanhin ni Irene. Mga lasing na ang mga ito kaya mahirap kapag patulan pa niya.
"Sandali!" agad na tumayo ang lalaking mataba at hinawakan siya sa kaliwang braso, "ikaw ang gusto namin, Miss Ganda, hindi ang hipon na ito!"
"K-Kuya, may gagawin pa ho ako. Hindi ako nakikipag-table, waitress lang talaga ako rito sa bar," mahinahong paliwanag ni Irene kahit na medyo kinakabahan. Baka mag-wild ang tatlo at maging simula pa ng gulo.
"Magka'no ang presyo mo at bayaran namin!" seryosong tanong ng may balbas habang nakatingala sa kanila. Ang kasama ni Irene ay lumapit sa guard para humingi ng tulong.
"Hindi ho ako nagpapabay--"
"Magkano ka? Sabihin mo at tatambakan kita ng pera!" singhal ng mataba at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso kaya namimilipit sa sakit ang dalaga.
"Bitiwan mo siya!" ma awtoridad na sabi ng lalaki sa likuran nina Irene at tinanggal ang kamay ng mataba sa braso ng dalaga.
"Sino ka? Huwag kang makialam dito!" saway ng may balbas.
"Boyfriend niya!" seryosong sagot ng binata at nakipagtitigan sa mga kaharap.
"A-Alwyn..." sambit ni Irene at hinila ang braso ng binata palayo sa tabe nila.
"Ano ang nangyayari rito?" tanong ng guwardiya saka namewang at sinadyang isiksik ang kamay sa loob ng uniporme para lumitaw ang dulo ng baril bilang panakot sa tatlo.
"Wala, bossing! Gusto lang sana naming makipag-table kaso mukhang ayaw e," mahinahong sagot ng mataba nang mapansin ang baril ng sekyu.
"Halika na, Alwyn," bulong ni Irene at lumapit sa counter. Napapatingin sa kanila ang mga kasamahan niyang waitress lalo na sa binata.
"Okay ka lang? Sinaktan ka ba nila?" nag-aalalang tanong ni Alwyn.
"Okay lang ako, bakit ka pala nandito?"
"Kasama ko mga kaibigan ko. Dito ka pala nagtatrabaho?" sagot ng binata at pinagmasdan ang suot nitong pang-waitress.
"Partime job lang, sayang din ang income," nahihiyang sagot ni Irene. Baka mag-iba ang tingin ng binata sa kaniya pero ayos lang.
"Hanga ako sa 'yo," nakangiting sabi ni Alwyn at tinapik si Irene sa braso.
"Salamat pala sa pagtulong sa akin," pasalamat niya. Natakot na siya kanina pero nang makita niya si Alwyn, nabawasan nang kaunti ang kaba niya sa dibdib.
"Wala iyon, ikaw pa. Wait, tinatawag na ako ng kasamahan ko, maiwan muna kita, Irene."
"Salamat ulit, Alwyn," pasalamat niya saka bumalik sa counter at kinuha ang ibang order para dalhin sa table ng mga ito."Sino ang guwapong 'yon?" tanong ng baklang manager na inginuso si Alwyn na nakipag-inuman sa barkada nito.
"Kaibigan ko," tipid na sagot ni Irene. Pagod na siya. Ang daming parokyano dahil Biyernes ngayon.
"Ang dami mo namang guwapong kaibigan. Noong isang linggo lang, ang pogi rin no'n. Ipakilala mo naman kami," kinikilig na sabi ng baklang si Mars, short for Mario.
"Hindi naman kami masyadong close, magkakilala lang," sabi ni Irene. Siya kaya ang nahihiya kapag sabihin nilang ipakilala niya ang mga ito. Baka isipin ni Alwyn, feeling close talaga siya.
--------------
"Magandang umaga ho," bati ni Kean sa mga magulang na nag-aayos para pumasok sa trabaho.
"Wala pa," sagot ni Jose.
"Mag-aalas siyete na pero wala pa siya?" tanong ni Kean na nakatingin sa kanang wristwatch.
"Oo nga, ngayon lang na-late sa pag-uwi ang batang iyon," sagot ni Elizabeth.
"Tawagan mo nga, Ma, delikado pa naman ngayon, ang daming ginagahasa." Utos ni Jose.
"Ako na lang po ang tatawag," sabi ni Kean at dinukot ang cellphone sa bulsa pero ring lang nang ring ang number ni Irene.
"Hindi sinasagot," sabi niya. Gusto na niyang magwala dahil sa inis pero ang pinapakalma niya ang sarili dahil nasa harapan nimya ang mga magulang ni Irene.
"Nag-text na siya," sabi ngi Elizabeth habang binabasa ang text ng anak, "pauwi na raw."
"Mabuti naman," sagot ni Jose.
Inayos na nila ang mesa para mag-breakfast. Busog pa si Kean pero napilit ng mag-asawa na kumain. Sinangag at tocino ang ulap nila kaya naparami ang kain ng binata.
"Ako na po ang magbabantay kay Ariana, hihintayin ko si Irene na dumating," sabi ni Kean. Alas siyete 'y media na pero wala pa ito.
"Sige, ikaw na muna ang bahala sa anak ninyo," sabi ni Elizabeth. Sanay na sila kay Kean na palaging bumibisita at kahit paano, masaya sila dahil hindi nito tinatalikuran ang responsibilidad. Sana lang ay maayos pa ng dalawa ang kanilang relasyon para magkaroon naman ng buong pamilya ang anak nila. Sino ba ang magulang na gustong magkaroon ng wasak na tahanan ang anak nila?
Paglabas ng mag-asawa, pinuntahan ni Kean si Ariana sa kuwarto, natutulog pa ito. Iginala niya ang mga mata sa silid ng mag-ina niya. Maayos ang lahat ng gamit maliban sa mga laruan ng anak nilang nakakalat sa sahig.
" Pang babae talaga!" bulong niya. Mas lamang ang kulay pink kaysa sa ibang kulay ng gamit.
Agad na lumabas siya nang marinig ang pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay. Sinilip niya sa bintana kung sino kaya biglang nanlaki ang mga nata niya.
"Shit kayo!" galit na pagmumura niya nang makitang pinagbuksan ni Alwyn ng pinto sa frontseat si Irene. Ang lapad pa ng mga ngiti ng dalawa na animo'y sila na ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa.
"Kapal ng mukha mo, Alwyn! Traidor kang hayop ka!" pagmumura niya at sinamaan ng tingin ang kaibigan mula sa kinatatayuan. Sana ay nakakamatay ang mga titig niya para agad na matumba si Alwyn. Alam kaya ng mokong na nanay ng anak niya ang girlfriend nito?
Isinarado niya ang kurtina at ini-lock ang pinto para hindi makapasok si Irene. Sa labas ito matulog!
"Ma?" tawag ni Irene kaya mabilis na naupo si Kean sa sofa.
Narinig niya ang pag-click ng pinto kaya umayos siya ng pagkakaupo. Pumasok si Irene na may hawak na susi.
"K-Kean!" sambit ni Irene na napahawak sa dibdib. Akala niya kung sino na ang tao. Pasulpot-sulpot na lang kasi ito sa bahay nila, "bakit nandito ka?"
![](https://img.wattpad.com/cover/244224278-288-k245881.jpg)
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomansaMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...