CHAPTER 52Unedited...
"Kean? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" tanong ni Irene nang magkita sila sa tree park. Actually, ilang araw na niya itong tinutugis mula nang pumunta siya sa condo nito. Hindi talaga siya pinansin ni Kean kaya iniwan na lang niya ang anak doon. Tutal, marunong naman ito mag-alaga.
"Busy ako," walang ganang sagot ng binata at inubos ang laman ng softdrinks tapos tumayo at itinapon sa basurahan, "Bakit? Ano ba ang sasabihin mo?" Naupo ito muli sa harapan niya.
"Kailan matatapos ang cool off na 'to?" tanong ni Irene. Dalawang linggo na silang ganito at hindi na niya kaya ang cold treatment ni Kean.
"Pagod ka na ba?" tanong ng binata.
"Oo, pagod na ako. Pagod na ako sa kakapaliwanag sa 'yo na nagsisi na ako at higit sa lahat, gusto ko nang magbati tayo. Hindi ko nga alam kung mahal mo pa ba ako o gumagawa ka lang ng excuse para maghiwalay tayo," prangkang sagot ni Irene kaya naniningkit ang mga matang humarap si Kean sa kaniya.
"Huwag mong ituro sa akin ang gawain mo, Irene!" mahina pero may diing sagot ni Kean.
"Kean naman! Kung hindi mo ako mapatawad, bahala ka. Basta ang sa akin, humingi na ako ng sorry, nagsisi na ako at ginawa ko na ang lahat para maipakita sa 'yong nagbago na ako. Kung hindi mo pa rin ako mapatawad, bahala ka na sa buhay mo!"
"Kung suko ka na, wala na rin akong pakialam pa!" sagot ni Kean.
"Talaga! Maghanap ka na lang ng iba pero huwag mong tanggalin ang pagiging ina ko kay Ariana!" giit ni Irene.
"Huwag mo akong ipagtulakan sa iba dahil alam ko ang dapat na gawin kung ano ang makapagpasaya sa akin!" galit na sabi ni Kean, "Itutulak mo ako sa iba para maging malaya na kayo ni Angelo? Fine! Malaya na kayo!"
"Ano ba talaga ang ikinagagalit mo?" naiinis na tanong ni Irene.
"Alam mo kung ano."
"So? Ano ang gusto mong gawin mo para mapatawad mo ako? Gusto mong magpatiwakal ako dahil sa 'yo? Gusto mong mamalimos ako para lang mapatawad mo? Ano?" Pikon na siya. Hindi na niya alam ang gagawin kay Kean. Oo nga't may mali siya pero ano pa ba ang dapat niyang gawin?
"Hayaan mong maghupa ang galit ko," seryosong sagot ni Kean at napasulyap kay Irene. Kahit na nagtatampo siya sa dalaga, ang ganda pa rin nito sa paningin niya.
"Kean?" tawag ni Irene saka lumapit sa kaniya. Mabuti na lang dahil dito sa pinakadulo niya napiling pumuwesto kaya wala pang estudyante.
"Ano?" salubong ang kilay na tanong ni Kean.
"H-Hindi ko sinasadyang makita kang ginagawa iyon," nauutal na wika ni Irene. Isa pa 'to sa ikinainit ng ulo niya, "N-Natakot kasi ako nang m-marinig ko ang ungol mo."
Napakagat siya sa ibabang labi. Naalala na naman niya ang eksenang iyon. Hubo't hubad si Kean sa ilalim ng shower, nakapikit ang mga mata habang pinapaligaya ng kanang palad ang alaga nito. Ang awkward pero ang cute nito tingnan.
"Huwag kang ngumiti! Para kang baliw riyan!" galit na saway ni Kean. Nakangiti pa talaga ito matapos ipaalala nang mahuli siya nito?"Hindi naman ako nakangiti," depensa ni Irene at napatitig sa binatang ang pula na ng mukha pati tainga.
"Pinagtatawanan mo ako dahil nakita mo ako sa ganoong sitwasyon?" mahina pero may diing tanong ni Kean. Oo, napahiya talaga siya. Sobrang napahiya. Of all people, si Irene pa ang nakakita at nakarinig sa kaniya? Ang babaeng ini-imagine niya habang ginagawa iyon? The fuck!
"H-Hindi a. O-Okay lang naman sa akin. Naintindihan naman talaga kita," ani Irene at napaatras dahil nagta-transform na ang mukha ni Kean. Baka mamaya, bigla na lang lumabas ang buntot nito at bugahan siya ng apoy.
33e na rin ako?" tanong ni Kean pero ramdam niya ang pagkulo ng dugo, "Pero Irene, bakit ka pumasok sa shower room ko?"
"Kean kasi ang lakas nga ng ungol mo. Curious--" Napalunok siya ng laway nang pakiramdam niya ay natuyo ang lalamunan sa mainit na pagtitig ni Kean, "C-Curious ako. Sarap na sarap ka e."
"Malamang! Ikaw ang ini-imagine ko kaya malakas talaga ang ungol ko!" sagot ng binata. Hindi naman talaga siya umuungol pero siyempre, ang alam niya, mag-isa lang siya sa condo niya kaya tinodo na niya ang pag-masturbate.
"Nakipag-cool off ka sa akin para lang mag-masturbate?" biro ni Irene kaya mas lalong namula sa inis ang mukha ni Kean.
"Masaya ka na?" seryosong tanong ni Kean.
"Oo naman," nakangiting sagot ni Irene kaya naging blangko ang mukha ni Kean.
"Daddy?" malambing na tawag ni Irene habang nakatingala kay Kean.
"Haist! Shit ka talaga! Huwag mo nga akong tawagin sa ganiyang boses!" Nananayo ang balahibo niya kay Irene e. Para kasing boses nito kapag nag boboom boom paw sila.
"Gusto mo, tulungan kita kapag gumagawa ka nu'n sa sarili mo? Alam mo na, baka mangawit ang kamay mo."
"Wala ka na ba talagang ibang sasabihin kundi ang ikagalit ko?" tanong ni Kean saka hinawakan ito sa kanang braso. "Ibabalik na kita sa classroom ninyo!"
"Kean, mamaya pa 'yon!" ani Irene pero hindi na pumalag nang makitang makakasalubong nila si Keana na may kasamang babae.
"Insan!" tili ni Jairah saka mahigpit na niyakap si Kean kaya napabitiw si Kean sa braso ni Irene.
"Ano ang ginagawa mo rito sa Westbridge?" tanong ni Kean sa kakambal ni Taira.
"Bakit? Bawal ba?" tanong ni Jairah at nag-flip ng buhok.
"Hindi naman," sagot ni Kean.
"Oh? Siya ba ang mommy ng baby mo?" tanong ni Jairah at hinagod ng tingin si Irene mula ulo hanggang paa.
Napadikit si Irene kay Kean at napahawak sa braso ng binata. Mukhang mga tigre ang dalawang kaharap.
"Oo, si Irene. Nagkita na kayo sa birthday ni Mommy. Nakalimutan mo lang," paalala ni Kean.
"Baka. Hindi kasi ako interesado sa buhay ng iba," maarteng sagot ni Jairah.
"Bakit nandito ka sa Westbridge?" tanong ni Kean na napasulyap kay Irene. Tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya at inakbayan para mawala ang pangamba. Kahit galit siya, ayaw pa rin niyang mapahiya o mailang ito kapag nasa harapan ang pamilya. Siya lang ang dapat na katakutan ni Irene. Hindi niya hahayaang may ibang mang-away o mang-api sa mahal niya. Oo, mahal pa rin niya ito. Kaya nga mas pinili na lang niyang magsariling sikap para mapaligaya ang sarili kaysa humanap ng iba. Hindi na niyang magagawa iyon sa iba. Kay Irene lang siya.
"Wala lang. May pinag-uusapan lang kami ni Keana, girls talk," nakangiting sagot ni Jairah.
"Siguraduhin n'yo lang na hindi sa ikapahamak namin 'yan!" pagbabanta ni Kean. Noong bata pa sila, kapag mag-usap 'tong dalawa, may masama talagang balak sa kanilang boys.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomansaMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...