11

551 18 0
                                    

CHAPTER  11

Unedited...
"Alwyn? Magkakilala pala kayo ng babaeng nakalaban ni Hattie kahapon?" tanong ni Sky habang nasa tambayan sila.
"Ah, si Irene," sabi ni Alwyn at naupo sa tabi ni Kean.
"Irene pala ang pangalan niya? Ang ganda rin niya. Ligawan mo kaya?" suhestiyon ni Sky.
"Hindi ko pa siya gaanong kilala," sagot ni Alwyn.
"Kung okay naman ang ugali, patulan mo na," ani Sky.
"Puwede na rin," walang ganang sagot ni Alwyn dahil napagod siya sa pqglalakad. Nakailang beses siyang magpa-photocopy dahil mali-mali ang napa-copy niya.
"Ayos!" nakangising sabi ni Sky, "sa atin, ikaw na lang ang walang ipinapakilala sa amin."
"Oo nga," pagsang-ayon ni Black, "para naman tuluyan mo nang makalimutan si Keana."
"Walang kinalaman si Keana rito," sabi ni Alwyn. Minsan lang naman siyang nanligaw kay Keana. Hindi na niya nalaman kung saan nanggaling ang balitang iyon pero sigurado siyang hindi nanggaling kay Keana ang lahat. Alam niyang hindi makayang ipagkalat ni Keana. May nakakita lang talaga na inabot niya ang bulaklak sa dalaga.
"Bakit ganiyan ang mga mukha ninyo?" tanong ni Erika nang pumasok kasama si Keana.
"Wala. Usapang lalaki lang," sabat ni Sky. Napasulyap siya kay Kean na kanina pa tahimik.
"Ano ang nangyari sa 'yo? Bakit parang naputulan ka ng dila?" tanong ni Keana sa kakambal at naupo sa tabi nito.
"Huwag nga ninyo akong kausapin!" pagsisinuplado ni Kean. Kagabi pa siya nag-iisip kung paano makahanap ng pera para may pambili ng gatas kay Ariana dahil paubos na raw ang gatas nito. Hindi naman puwedeng humingi siya kay Blue dahil baka magduda ang pinsan. May monthly supply si Red ng gatas dahil endorser ito.
"Suplado mo ngayon, Kean. Wala kang pambayad sa akin, noh?" sabi ni Sky.
"Mabuti at alam mo. Huwag ka kasing maningil!" sagot ni Kean. Isa pa 'tong si Sky. Kung makasingil akala mo ang laki ng utang niya. Pero wala talaga siyang pambayad.
"'Yan lang ba ang pinoproblema mo? Sige, next month ka na lang magbayad. Para kang mamamatay na riyan!" natatawang sabi ni Sky. Problemadong problemado kasi ang mukha ni Kean na para bang mamayang gabi na ang kamatayan nito.
"Salamat. Nagkautang na loob pa tuloy ako sa 'yo," pasalamat ni Kean. If only he could open his savings account, wala na sana siyang problema. Sa Friday pa ang monthly allowance nila at hindi na aabot ang gatas ni Ariana. Paubos na ito. Ang sabi ni Irene, hanggang mamayang gabi na lang daw. Nahiya naman siyang ipaako sa parents nito ang pambili pa ng gatas at diaper.
"Shit!" mahinang sambit niya at napabuntonghininga.
"Ang lalim nu'n a," puna ni Alwyn kaya hinarap niya ito.
"Isa ka pa!" sabi ni Kean saka tumayo nang bumukas ang pinto ang iniluwa si Hattie.
"Babe? Samahan mo ako," malambing na sabi ng dalaga at humalik sa pisngi niya.
"Saan?"
"Shopping," nakangiting sagot ni Hattie.
"Wala akong pera," pag-amin ni Kean. Never pa naman siyang nanlibre ng babae at sumama sa mga ito sa shopping. Masyadong magastos.
"Hmm? Ililibre naman kita basta gamitin natin ang sasakyan mo," malambing na sabi ni Hattie.
"Pag-isipan ko. Baka busy ang schedule ko," sabi ni Kean. Ito na lang ang meron siya, mamahaling sasakyan at mga sinusuot kaya nagmumukhang mayaman pa rin siya tingnan.

Lumabas sila ni Hattie para pumunta sa tree park.
"Bakit ka ba nakipag-away kahapon?" tanong ni Kean. Hindi na niya sinabi ang pangalan ni Irene dahil baka magduda pa ito kung bakit alam niya ang pangalan ng nakaaway nito.
"Binuhusan nga niya ako ng juice na wala naman akong kasalanan!" naiinis na sabi ni Hattie.
"E kasi, pinatid mo raw siya," sabi ni Kean at inakbayan ito. May mga lalaki kasing napapatingin kay Hattie. Sexy ito, maganda at agaw-pansin sa mga kalalakihan.
"At naniwala ka naman sa kaniya? Babe naman! Mukha ba akong nagsisinungaling?" bulalas ni Hattie kaya itinaas ni Kean ang isang kamay bilang pagsuko.
"Sorry, hindi naman sa gano'n. Kaya nga tinatanong kita para malaman ko ang totoo," malumanay na sabi Kean.
Napatigil siya nang makasalubong si Irene na kakalabas lang sa classroom nila.
"Dukha!" wika ni Hattie nang malapit na ang kaaway sa kanila kaya tumigil si Irene sa tapat nila at binigyan ng malamig na tingin ang dalawa.
Oo nga't mahirap lang siya pero hindi naman yata tamang sampalin pa siya nito ng katotohanan?
"Babe, halika na," yaya ni Kean dahil umuusok na ang ilong ni Irene. Baka mamaya, magwalanpa ito at sumbatan siya tungkol kay Ariana kaya mas mainam na siya na mismo ang iiwas. Bakit ba kasi nagkasagutan ang dalawa.
"Makadukha, akala mo ang yaman tingnan!" bulong ni Irene nang malayo na ang dalawa. Isa pa 'tong si Kean! Makakampi kay Hattie, wagas.
"Mau? May gagawin ka ba? Pasama ako sa Library mamaya," sabi ni Irene.
"Sige, gagawa rin ako ng assignment," sagot ni Maura. Required sa kanila na books ang gagamiting source kaysa sa internet kukunin.
"Mau? Sama ka sa amin sa Sunday, magpapa foot spa kami nina Sofia," yaya ni Charlyn.
"Sure. Matagal ko nang balak magpa-footspa kaso wala lang time," sagot ni Maura.
Matapos ang klase, pumunta sila ni Maura sa Library at sa pinakadulo naupo para walang istorbo at nang makauwi na sila kaagad.
"Irene? Sama ka sa amin magpa-footspa," yaya ni Maura.
"Kayo na lang, wala akong pera," tanggi ni Irene. Sigurado naman siyang mahal ang spa na pupuntahan ng mga ito.
"Ay, mura lang naman 'yon," ani Maura.
"Sa isang single mom kagaya ko, mahal na 'yon!" sagot ni Irene kaya natigilan ang kaibigan at nanlaki ang mga mata.
"M-May baby ka na?"
"Yes," proud na sagot ni Irene. Wala namang rason para i-deny niya pero mas prefer niyang huwag na lang malaman ng iba. Wala namang interesado sa buhay niya.
"Talaga? Nasaan na ang ama?" usisa ni Maura.
"Diyan lang sa tabi-tabi. Hayaan mo na nga 'yon!" sabi ni Irene.
"Okay kayo? O may iba na?" bulong ni Maura.
"Okay kami, hindi man gaanong close pero okay naman kami," sagot ni Irene. Basta't may suporta si Kean sa anak nila, wala siyang problema sa binata.
"Mayaman ba siya?" usisa ni Maura kaya hindi siya kaagad nakasagot. Hindi naman puwedeng aminin niya na si Kean ang ama. May usapan sila at isa pa, walang maniniwala sa kaniya. Kapag ipahiya niya si Kean, sa mokong ang simpatya ng lahat at hindi sa kaniya. Baka isipin pa nila, sinisiraan lang niya ang binata o 'di kaya'y ambisyosa siya.
"Pero bilib ako sa 'yo, si Hattie pa talaga na girlfriend ni Kean ang kinalaban mo," bulong ni Maura.
"Bahala siya! Kung hindi ba naman niya ako pinatid, e di sana wala kaming problema!" sagot ni Irene.

Pagkatapos nilang magawa ang assignment, lumabas na sila at naghiwalay dahil kanina pa raw hinihintay si Maura ng driver nila.
Habang naglalakad, hindi niya mapigilang mapaisip. Paano na lang kaya kung hindi nabuo si Ariana, matatandaan pa kaya siya ni Kean? Magiging ganito pa kaya ang buhay niya? Malamang hindi. Ang daming katanungan sa isip niya pero wala rin naman siyang magagawa kundi yakapin ang realidad.
"Malalim yata ang iniisip mo?"
Napalingon siya sa nagsalita sa likuran niya.
"Alwyn!" wika niya.
"Hi!" bati ng binatang nakangiti, "mukhang may iniisip ka at hindi mo narinig ang pagtawag ko."
"Wala. Tungkol sa lesson lang namin kanina. Saan ka pupunta?" tanong ni Irene.
"Diyan lang, kakain ng isaw kay Manong," sagot ni Alwyn, "pauwi ka na ba? Halika, libre kita."

"Kasi--"

"Iniiwasan mo ba ako, Irene?"
"Hindi a," tanggi ng dalaga.
"E di halika na," yaya ni Alwyn. Tatanggi pa sana siya kaso hinila na siya ng binata patungo sa kariton ni Manong na nagtitinda ng isaw at iba pang street foods.
"Ang sarap!" bulalas ni Irene. Mas naging masarap pa ito dahil sa sauce na medyo maanghang.
"Sabi ko na, masarap e! Si Manong pa!" nakangiting sabi ni Alwyn.
Habang kumakain, nag-uusap sila kaya hindi namalayan ni Irene ang oras. Magtatakip-silim na.
"Uuwi na ako, aalis pa pala ang parents ko," natarantang paalam niya.
"Ihatid na kita. Kukunin ko lang ang sasakyan ko sa parking lot," pagpresenta ni Alwyn.
"Huwag na, magji-jeep na ako," pagtutol ni Irene, "salamat sa libre."
Tumakbo na siya para mag-abang ng sasakyan. Mabuti na lang dahil nakapara siya kaagad at nakasakay.
Patay na naman siya sa parents niya. Kung puwede lang liparin papunta sa bahay nila, kanina pa siya lumipad. Alas singko ang usapan nila, kailangan nasa bahay na siya dahil walang magbabantay kay Ariana pero quarter to six na, malayo pa siya.
Patakbong pumasok siya sa bahay nila.

"Ma? Pa!" tawag niya nang makapasok pero napaatras siya nang makita si Kean na nakasandal sa sofa na malapit sa bintana na nakatitig lang sa kaniya, blangko ang mukha. Ang hot sana nito tingnan dahil nakabukas ang dalawang butones ng dimgray long sleeve polo kaya nasisilip niya ang malapad at makinis nitong dibdib kaso ang suplado ng mukha.
"S-Si Ariana?" mahinang tanong niya saka inilapag ang bag sa center table. Napasulyap siya sa anak nila na mahimbing na natutulog sa malaking crib na pinadala ni Kean.
"Umalis na ba sina Mama?" tanong ulit niya pero hindi sumasagot ang binata. Pinagmamasdan lang siya sa ginagawa niya. Magtitimpla sana siya ng gatas pero mayroon na sa ibabaw ng mesa. Nang hawakan niya ito, maligamgam pa.
"K-Kanina ka pa ba?" naiilang na tanong niya kay Kean at napaharap ulit sa binata dahil baka manniquin lang ang nakita niya kanina pero si Kean talaga.
"Bakit ngayon ka lang?" walang emosyong tanong nito at lumapit kay Ariana.
"M-May ginawa kasi kami ni Maura sa Library kanina," sagot niya. Totoo naman pero may ibang dahilan pa.
"Huwag ka ngang magsinungaling!" tumaas na ang boses ni Kean at kinuha ang supot sa ibabaw ng mesa, "kitang-kita kita kaninang kasama si Alwyn, magsisinungaling ka pa!"
Napalunok ng laway si Irene at humanap ng buwelo.
"Ano ba ang pakialam mo? Totoong dumaan pa kami sa Library tapos nakita ko si Alwyn kaya niyaya niya akong kumain!" depensa niya. Hinarap siya ni Kean at tinaasan ng kilay.
"Wala akong pakialam sa inyo pero hindi naman yata tama na unahin mo pa ang kalandian mo kaysa sa anak mo na naghihintay sa 'yo rito! Paano na lang kung hindi ako dumating?"
Patulak sa dibdib ni Irene na ibinigay ni Kean sa kaniya ang supot.
"Gatas 'yan ni Ariana! Sana sa susunod, matuto kang unahin ang anak mo kaysa sa iba!" sumbat nummi Kean, "akala mo kung sino ka makapagsalita sa akin na irresponsable akong ama kasi nasa iyo ang anak ko!"
"Ngayon lang ako na-late ng uwi! Nandito ka naman kaya salamat!" naiinis na sabi ni Irene. Makapagsalita nito parang ang sama-sama na niyang ina.
"Tss! Bantayan mo si Ariana! Hindi ko na nga tinuloy ang date namin ni Hattie tapos ikaw, nagpapakasarap lang sa buhay!"
Lumabas na si Kean kaya naiwang nangngingitngit sa inis si Irene.

Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon