CHAPTER 30
Unedited...
"Good morning, Mama!" nakangiting bati ni Kean nang pumasok sa bahay nina Irene.
"Morning, kain ka muna bago kayo umuwi, may niluto akong pancake," sagot ni Elizabeth.
"Sige po, kakain muna kami," pagsang-ayon ni Kean kaya napataas ang kanang kilay ni Irene. Nasa kusina siya at naghuhugas kaya rinig na rinig niya ang boses ng mokong. Ilang araw rin itong hindi nagpakita sa kaniya. Kahit sa school campus, wala rin. Ne walang isang kumausap sa kaniya sa loob ng classroom maliban kay Maura. Takot na siguro sila na baka ma-guidance.
"Ma? Si Papa po?" tanong ni Kean.
"Pumunta sa talyer, may inasikaso," sagot ni Elizabeth na nakangiting nakaupo habang pinagmasdan si Kean na maganang kumain.
"Hi," bati ng binata kay Irene nang pumasok ito sa maliit nag dining room nila.
"Late ka yata?" tanong ni Irene. Kanina pa niya ito hinihintay. Akala nga niya, hindi na ito darating para kunin sila ni Ariana.
"May dinaanan lang," sagot ni Kean. Hindi yata maganda ang modo ni Irene dahil pagpasok pa lang nito, kitang-kita na niya kung paano naging hugis sibat ang mga mata na para bang tutusukin siya nito.
Pumunta si Irene sa kuwarto para kunin si Ariana. Paglabas niya, tapos na si Kean. Agad na kinuha nito ang anak nila saka binitbit ang bag at lumabas. Palabas na sila ng gate nang dumaan sina Niño at Lanie.
"Morning," bati ni Niño.
"Good morning," nakangiting bati ni Irene pero napalis ang ngiti nang hatakin ni Kean para pumasok sa kotse nito.
"Sandali!" naiinis na sabi ni Irene at binalikan ang kanang pares ng tsinelas.
"May asawa na 'yong tao, kung makangiti ka sa kaniya parang nakipaglandian lang a!" sabi ni Kean nang makapasok na si Irene sa likod ng sasakyan katabi ni Ariana.
"Pakialam mo?" galit na sabi ni Irene.
"May pakialam ako dahil ako ang kasama mo!" depensa ni Kean at pinaandar na ang sasakyan.
"Bawal na ba akong ngumiti sa kapitbahay?" tanong ni Irene na kontrolado ang boses dahil baka umiyak ang bata.
"Kapitbahay na may gusto sa 'yo? May asawa na ang tao!"
"Wala naman--"
"Alam kong may gusto siya sa 'yo o naging kayo o nanligaw siya dahil lalaki rin ako. Kung ayaw mo ng gulo, umiwas ka na lang. Makakasira ka ng pamilya!" sabat ni Kean. Hindi naman siya tanga kahit paano. Alam niya kung ano ang kahulugan ng mga titig ng kapitbahay nila kay Irene.
"Wala akong ginagawang masama!" giit ni Irene. Nagiging friendly lang naman siya. Alangan irapan lang niya si Niño. Isa pa, alam niya sa sariling wala siyang masamang binabalak sa pamilya nito.
"Akala mo lang wala!" giit ni Kean.
"Ano ba kasi ang problema mo, Kean?"
"Wala akong problema! Kung manhid ka, hindi ko na iyon problema!" sagot ni Kean kaya tumahimik si Irene. Siya? Manhid? Alam naman niyang naiinis na si Lanie sa kaniya pero ano ang magagawa niya kung sa tingin nito, may pagtingin pa rin si Niño sa kaniya? Kaya nga siya na minsan ang umiiwas e.
Tumigil sila sa Puregold.
"May bibilhin ka?" tanong ni Irene nang tinanggal ni Kean ang seatbelt nito.
"Pagkain natin. Halika, samahan ninyo ako ni Ariana," yaya ni Kean.
"Baka may makakita sa atin," nag-aalalang tanong ni Irene."Hindi naman bulag ang lahat ng tao sa Puregold kaya makikita talaga nila tayo!" napipikon na sabi ni Kean at bumaba na. Umikot ito at pinagbuksan sila sa likuran.
"Are you sure about this?" tanong ni Irene.
"Dito ka lang, dadalhin ko ang anak ko. Nakakahiya naman sa 'yo na baka makarating kay Alwyn mo na magkasama tayo. E di sira ang going strong na relationship ninyo!' sabi ni Kean at pabagsak na isinara ang pinto nang makuha na si Ariana.
Lalabas na sana siya nang makita si Charlyn kasama ang babaeng kamukha nito. Malamang ina niya kaya hindi na siya natuloy. Friends pa naman sila ni Sofia kaya baka siya na naman ang pagpiyestahan sa classroom nila.
Matapos ang kalahating oras, bumalik na si Kean na tinutulungan ng bagger. Binuksan nito ang boot at inilagay ang mga pinamili saka ibinigay sa kaniya si Ariana.
Habang nasa biyahe, hindi nagsasalita si Kean kaya tahimik na rin si Irene pero panaka-naka niyang sinusulyapan ang binatang salubong ang mga kilay. Alam niyang galit ito sa kaniya sa hindi niya pagsama pero umiiwas lang siya sa gulo. Isa pa, mainit pa sila sa campus at ayaw na niyang gatungan ng gasolina ang sumisiklab na apoy.
Siya na ang may bitbiy kay Arianma habang ito ay sa mga pinamili hanggang sa makarating sila sa unit nito.
Dumiretso si Kean sa kusina. Si Irene naman ay inilapag si Ariana sa crib at tinulungan si Kean. Ang dami nitong pinamiling gulay.
"Matulog ka na, ako na ang bahala rito," sabi ni Kean habang isa-isang inilalagay ang mga pinamili sa ibabaw ng mesa.
"Hindi pa ako inaantok," sagot ni Irene at inayos ang mga de-lata sa lagayan nito.
"Alam kong pagod ka sa bar kagabi kaya matulog ka na," giit ni Kean.
"Ako ang nagmamay-ari ng katawan ko kaya ako ang mas nakakaalam," depensa ni Irene. Nawala na talaga ang antok niya dahil sa pagka-badtrip kay Kean.
Tumigil si Kean at hinarap si Irene na kasingtigas ng pader ang ulo.
"Paano ba ariin ang katawan mo at nang ako na ang masunod?"
"Ano ba ang problema mo, Kean? Bat ba parati na lang mainit ang ulo mo? Hindi ba puwedeng magkasundo naman tayo kapag nasa paligid lang natin ang anak natin?" pakiusap ni Irene at padabog na pumunta sa sala. Bahala ito sa buhay niya.
Binuksan niya ang TV at nanood sila ni Ariana ng palabas. Tawang-tawa naman ang anak niya habang nakaupo sa lap niya.
Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone niya kaya ibinalik muna niya sa crib ang anak at sinagot ang tawag.
"Alwyn? Ba't napatawag ka?" nakangiting tanong niya. Ang bait kasi ni Alwyn sa kaniya. Ito parati ang kasama niyang kumakain kay mas lalong naiinggit ang schoolmates sa kaniya.
[Nakauwi ka na ba?]
"Kanina pa," sagot niya.
Nagulat siya nang may umagaw sa cellphone niya na para bang isang snatcher.
"Ba't mo kinuha ang cellphone ko? Hindi pa nga kami tapos na mag-usap!" galit na sabi niya nang patayin ni Kean ang cellphone.
"Ibinigay ko sa 'yo ang iPhone na 'to para makakuha ka ng pictures at video ni Ariana. Hindi para makipagtelebabad sa kahit kanino lalo na sa lalaki mo! Hindi ba't sabi ko sa 'yo, wala kang bibigyan ng number na ito? Bakit may Alwyn ka nang kausap!" pagtatalak ni Kean. Nakaya pa niyang huwag itapon ang cellphone dahil nagtitipid pa sila ngayon.
"Ano ba ang masama kung kausapin ko si Alwyn? Hindi ko naman pinapakialaman ang cellphone mo a!" galit na tanong ni Irene. Si Ariana ay nakanganga habang nakatingin sa kanila at palipat-lipat ang mga mata na parang nagtataka kung ano ang pinag-uusapan ng mga magulang."May masama dahil ako ang kasama mo pero busy ka sa pakikipag-usap sa kaniya! Ang bastos mo rin, ano?" sagot ni Kean na nanginginig na ang kalamnan sa sobrang inis.
Napabuntonghininga si Irene at buong tapang na tumingala si Kean, "Tapatin mo nga ako, Kean. Ayokong maging assuming dahil may girlfriend ka pero--nagseselos ka ba?"
Nakatitig lang si Kean sa kaniya. Blangko ang mukha kaya mas lalong nainis si Irene. Napahiya siya. Ang hirap naman kasing maging assuming minsan lalo na't may kasintahan na ito. Kung sabagay, para ano na magselos ang mokong? As if mahalaga siya sa buhay nito.
"Sorry sa itinanong ko. Alam ko namang impossible pero iyon lang ang nararamdaman ko. Pasensiya na..." paumanhin niya at tumalikod para matulog na lang pero maagap na nahawakan ni Kean ang kanang braso niya kaya napaharap siya rito.
"What if aaminin kong oo, nagseselos ako kay Alwyn, layuan mo na ba siya?"
Biglang kinakabahan si Irene sa narinig. Totoo ba? Nagseselos ito? Ilang segundong pinapakalma niya ang sarili para makapag-isip nang mabuti.
"W-What if lang naman, 'di ba?" nauutal na tanong niya sa binata.
"What if hindi?" baliktanong ni Kean kaya napalunok siya ng laway.
"G-Gusto ko sana ng seryosong sagot, Kean," kinakabahang sagot ni Irene. Paano kung ito na ang seryosong sagot ni Kean.
"Seryosong sagot ba, Irene?" tanong ni Kean na hinawakan siya sa baba para iangat ang mukha at magkasalubong ang mga mata nila.
Hindi kayang tumitig ni Irene. Nalulusaw siya sa kaguwapuhan ni Kean at mga titig nito. Mata pa lang, kuhang-kuha na ng anak nila.
"Listen carefully dahil minsan lang ako umamin, Irene," mahinanahong saad ni Kean na nagpapalambot ng tuhod ng dalaga. Mas mainam pang sumigaw ito kaysa sa ganito ang boses. Hindi siya sanay. "Fine, nagseselos ako sa mga lalaking naka paligid at lumalandi sa 'yo lalo na kay Alwyn. Ayaw kong may ibang lalaki dahil kagaya ng sinabi ko noong isang araw, ayaw kong may kahati sa 'yo. Ayaw ko, ayaw ko at ayaw ko. Kung sa tingin mo, selos iyon, sige, ako na ang nagseselos. I'm serious, selos na selos na ako. Okay ka na ba? "
Agad na iniwas ni Irene ang mga mata. Shit lang na Kean! Bakit parang gusto niyang ngumiti? But no, pipigilan niya ang sarili.
"B-Bakit ka nagseselos?" tanong ni Irene. Baka likas na talaga ang pagiging selfish ni Kean na ayaw niyang lumigaya siya. Baka gusto nito, siya lang. Ang unfair e.
"Hayaan mo at pag-isipan ko kung bakit ako nagseselos. Malay mo, baka gusto na kita," sagot ni Kean kaya napaatras na si Irene. Hindi na niya kaya. Nahihirapan na siyang huminga sa mga pinagsasabi ni Kean. Pero bakit parang gusto niyang sana ay totoo nga ang lahat ng sinasabi nito. Pero baka mamaya, panaginip lang pala.
"Matutulog na ako," sagot ni Irene tumalima sa kuwarto.
Nang maisara na ang pinto, napahawak siya sa dibdib at wala sa sariling mapangiti. E? Bakit nagseselos si Kean? Mahal ba siya nito? Iyon kasi ang interpretasyon niya kaso baka isipin nito, assumera lang siya.
Bumihis muna siya at nang mahiga sa kama, ilang minuto lang ay nakatulog na siya.
Naramdaman niyang parang may nakatingin sa kaniya kaya dumilat siya ng mga mata. Nakita niya si Kean, nakaupo sa sofa na nasa tabi ng kama niya habang nakatitig sa kaniya at maaliwalas ang mukha. Hindi na ito galit.
"B-Bakit ka nandito?" naiilang na tanong niya at naupo. Kanina pa ba ito? Baka tumutulo pa ang laway niya. Nakakahiya naman.
"Luto na ang ulam, kakain na tayo," sagot ni Kean. Napansin niyang namumula ang pisngi ni Irene. Gusto sana niyang matawa pero sinubukan niyang maging seryoso ang mga mata. Ang cute pala nito lalo na kapag natutulog.
"Sana ginising mo na lang ako," wika ni Irene na naiilang na sa titig ni Kean.
"Paano kita gigisingin kung ako ang laman ng panaginip mo?" tanong ni Kean kaya napanganga si Irene. Mabilis na gumana ang utak niya at inalala ang panaginip. May nasabi ba siya habang natutulog?
"I-Ikaw kasi ang huling nakausap ko," depensa niya. Kapag sino raw ang huling nasa isip, malaki ang chance na ito nga ang mapanaginipan niya. Geez? Bakit ba kasi ito pumasok?
"Sana nga ako na lang parati ang huling nakakausap mo," nakangiting sabi ni Kean at tumayo na saka naglakad palapit sa pinto. Nagbibiro lang naman siya pero ayon sa pagpula ng magkabilang pisngi ni Irene, siya nga ang napanaginipan nito at hindi si Awlyn. Nang maisara niya ang pinto, patakbong lumapit siya kay Ariana na natutulog.
"Princess, napanaginipan ako ng mommy mo," todo ngiting sumbong niya sa natutulog na anak.
BINABASA MO ANG
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
RomanceMahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hin...