Night shift na naman ako ngayong linggong ito. Late na naman akong makakauwi at pahirapan na naman sa pagsakay ng bus. Punuan na naman kasi o wala na namang dadaan na bus. Laging gano’n ang naaabutan ko kapag night shift ako.
Alas diyes ang out ko. Nag-aabang nga ako ngayon ng bus. Kanina pa ako naghihintay, siguro ay may trenta minuto na akong nakatayo rito at nag-aabang.
Mama:
Anak, anong oras na wala ka pa. May ibang lakad ka ba ngayon?
Kabubukas ko lang ng phone at nakita ko nga ang message ni Mama. Agad naman akong nagtipa ng irereply sa kaniya. Baka mag-alala na naman siya dahil late na naman akong makakauwi.
Ako:
Naghihintay pa ako ng bus, Ma. Mamayang 11 baka makauwi na ako. Matulog ka na kung inaantok ka na ha.
Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa ring dumarating na bus. Malapit nang mag 11pm nang may dumaan. Kahit na punuan ay sumakay pa rin ako. No choice ako, kailangan ko na ring makauwi agad dahil naghihintay si Mama sa akin.
“Sa may Sta. Mesa lang ho ako, sa kanto,” sabi ko sa konduktor nang ako na ang hingian niya ng bayad.
Nakasandal ako ngayon sa may upuan para hindi ako tumumba kapag nagpreno ang driver. Nakapagbayad na ako at ngayon ay nakatayo na nang maayos habang nakatingin sa labas ng bintana.
Punuan talaga ngayong gabi. Ayaw na ayaw kong magnight shift sa totoo lang. Wala lang akong choice dahil mismong Manager na ang nagdedesisyon kung sino ang pang umaga at panggabi na shift. Next week naman ay pang umaga na ata ako. Sana nga. Hassle kasi magbiyahe kapag ganitong oras na.
Nang makababa ako sa bus ay ilang tricycle driver agad ang nag-alok ng sakay. Hindi ko naman sila kilala pero alam kong hindi naman nila ako dadayain sa pamasahe. Alam ko rin naman kung magkano ang singilan kapag hanggang sa amin.
“Ginabi ka na, ineng. Delikado pa naman kapag ganitong oras,” sabi ni Kuyang Driver.
“Pang gabi po kasi ang trabaho ko. Kahirap nga pong sumakay ngayon sa mga bus at punuan kasi,” sagot ko naman.
Hindi naman siya sumagot na matapos no’n. Malapit lang din naman ang sa amin. Siguro ay may ilang minuto lang at nasa bahay na ako.
Malapit na sa amin nang magsalita ulit si Kuyang Driver.
“Mag-ingat ka sa pagsakay sa mga bus. Baka matapatan mo na abandonadong bus ang masakyan mo. Kasabihan pa naman dito na hindi matahimik ang mga kaluluwang sakay ng bus na naaksidente noon,” saad niya.
Umangat ang mga balahibo ko sa narinig. Alam ko ang tungkol doon. Isa ang kapatid ko sa sakay ng bus noon. Isa siya sa bente otso na taong namatay noon dahil sa aksidente. Ang bus na sinasabi ng tricycle driver na ’to ay nasa bakanteng lote na.
Marami ang natatakot na gumawi sa loteng iyon. Matataas na ang mga damo dahil walang naglilinis. Takot silang lapitan ang bus na iyon dahil sinasabi nila na marami raw kaluluwang hindi matahimik doon.
“Dito lang po ako. Ito po ang bayad. Salamat po at ingat kayo.”
Hindi ko pinansin ang sinabi niyang tungkol sa bus. Nagmamadali akong pumasok sa bahay namin. Habol ko ang hininga ko at naninikip ang dibdib ko. Nakita ko si Mama na naghihintay sa sala.
Hindi ko naman na siya nagawang pansinin pa dahil sa pagmamadali kong pumasok sa kwarto ko. Basta ko na lang binagsak ang bag ko at sumalpak ako sa kama. Walang tigil ang luha ko at hagulgol.
“Meika, anak. May problema ba?” tanong ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.
Hindi ako makasagot dahil sa pag-iyak ko. Hindi ko pa rin matanggap na wala na ang kapatid ko. Tuwing naririnig ko ang tungkol sa aksidente noon ay ganito lagi ang nangyayari sa akin. Inaatake ako ng anxiety ko. Lagi akong nagbe-breakdown sa tuwing na-aalala ko ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Nouvelles©All Rights Reserved COLLECTION Collection of my one shot stories. Read the Disclaimer. Romance ✓ Tragic ✓ Horror ✓ Open ending story ✓ Teen Fiction ✓ Mystery Thriller ✓ Poem ✓
