Truth or Dare

14 2 0
                                        

“TRUTH OR DARE!”

sigaw ng isa kong kaklase. Napangisi ako. Kahit ano namang laro ang piliin nila, isa-isa pa rin silang mawawala.

“Payag ba kayo ro’n?” tanong ni Sir. Tiningan pa kami isa-isa.

“Yes,” sagot ko.

Napatingin sa akin si Sir. Ngumisi ako at nilabanan ang tingin n’ya.

“Unahin natin si Zea, tutal ikaw naman ang naunang sumagot,” sabi ni Sir sa akin.

Tumango lang ako. Gusto ko ang larong ito.

“I-lock muna ninyo ang mga pinto at bintana,” utos ko sa kanila.

Taka nila akong tiningnan.

“Para mas nakaka-enjoy maglaro, hindi ba?” dagdag kong sambit.

Nakacross arms ako at prenteng nakasandal sa upuan ko. Tumayo sila para sundin ang sinabi ko. Isinara nila ang pinto at mga bintana.

“Truth or dare?” tanong ni Sir.

“Dare,” mabilis na sagot ko.

Naghiyawan ang mga kaklase ko dahil iyon daw agad ang pinili ko. Akala nila ay thrilling kapag ganito.

“Ilabas mo lahat ng laman ng bag mo,” utos nito sa akin.

Napangisi ako. Sinasabi ko na nga ba. Alam ko na nasa isip n’ya. Alam niyang may kung ano sa mga gamit ko.

Kalmado akong kumilos at nilapag ang bag ko sa lamesa. Nilabas ko muna ang kutsilyo. Rinig ko ang singhapan at bulungan ng mga kaklase ko.

“Bakit ka may gan’yan?” tanong ni Sir. Bored ko naman s’yang tiningnan.

“Dare lang ang pinili ko, huwag kang magtanong pa,” sagot ko at pairap kong iniwas ang paningin ko sa kan’ya.

Pinagpatuloy ang paglalabas ng gamit ko. Martilyo at pako, plais, maliliit at malalaking kutsilyo. Iyon ang laman ng bag ko. Maayos kong hinilera iyon sa table ko.

“Para saan ang mga ‘yan?” tanong ng isa kong kaklase.

Ang pinakamaldita at nambubully sa akin.  Bumaling ako sa kaniya at ngumisi.

“Para may thrill ang laro natin,” sagot ko habang nakangisi.

Hiinaplos ko ang mga gamit na nasa lamesa ko ngayon

“Next,” sambit ko nang bumaling ako kay Sir.

Bakas ang takot sa mukha niya ngayon. Mas lalo lang akong napangisi. Ganito ang gusto kong makita sa kanilang lahat. Takot. Kaba. Panginginig.

“Daniel, Truth or Dare?” tanong ni Sir. Nanginginig ang boses.

“Truth,” sagot nito. Maging si Daniel ay nanginginig din.

Nasaan ang mga angas nila?

“Have you already---” hindi ko pinatapos si Sir.

Hinagis ko sa kanila ang isang maliit na kutsilyo. Nadaplisan si Daniel sa braso. Nagsigawan ang mga kaklase ko dahil sa takot.

“Boring. Ganito gawin ninyo. Kung sinong pipili ng truth, magsasabi kayo ng isa sa sikreto ninyo.” Tiningnan ako ng mga kaklase ko. “Ang hindi susunod, may parusa syempre,” dagdag ko.

Ngumiti pa ako sa kanilang lahat. Mga takot na takot at walang nagtatangkang umalis o tumakas. Tumayo ako sa harapan para mas makita silang lahat.

“Start,” malakas kong sabi.

“I’m gay,” mabilis na sabi ni Daniel.

Napangisi ako. Alam ko na kasi. Nagulat ang mga kaklase namin at nagbulungan. Pero hindi pa rin maalis ang takot sa mga mukha.

One Shot StoriesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon