Limang taon na kaming magkarelasyon ni Kobe. Sa loob ng limang taon na iyon ay masasabi ko namang maayos at masaya kami. May mga tampuhan-hindi naman iyon maiiwasan. Pero kahit na gano'n ay agad naman din naming naaayos.
Hindi namin hinahayaang matulog ang isa't isa na hindi naaayos ang tampuhan o away. Lagi naming pinag-uusapan kung ano ang problema. Lagi rin naman naming naaayos iyon. Maswerte kaming dalawa sa isa't isa.
Live in na kami mag-iisang taon na rin. Nagpropose na siya sa akin last year. At nagplano ngang magsama na kaming dalawa. Konti lang ang nakakaalam ng relasyon namin. Mas mainam na iyon para walang nakikielam. Masaya ang mga kaibigan namin nang malamang engaged na nga kami.
"Kailan ang kasal?" tanong ni Princess.
Ngumiti naman ako bago siya sagutin.
"Next year na. Magbibigay naman kami ng invitation. Wala pang exact date kung kailan, pag-uusapan pa namin ni Kobe," sagot ko na.
Magkakasama kaming magkakaibigan at nagkakape. Minsan lang kaming gumala dahil pare-parehong busy sa buhay. Ang iba sa mga kaibigan ko nga ay may mga anak na kaya mas mahirap ayain na lumabas.
Apat kaming magkakasama ngayon. Si Princess, Sheyra, Danice at ako. Si Sheyra ay may anak na. Si Danice naman ay buntis pa lang at si Princess ay hindi pa engaged. Siya na siguro ang susunod sa akin na ma-e-engage.
"Excited na ako. Noon ay ikaw ang laging walang boyfriend sa barkada. Akala nga namin ay babae ang gusto mo," sabi ni Sheyra.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Kahit naman ang mga kaibigan namin ay natawa rin. High school days nga naman. Akala ko rin ay sa babae ako mapupunta.
"Kung hindi ko siguro nakilala si Kobe ay baka nga sa babae ako napunta. Alam naman ninyo kung gaano ako kapihikan sa lalaki," tugon ko.
Ako ang naging topic namin habang nagkakape. Tungkol sa kasal at kung paano kami nagkatuluyan ni Kobe. Dahil nga sa may kani-kaniyang pinagkakaabalahan kami sa buhay ay hindi na kami masyadong nakakapag-usap tungkol sa mga buhay namin.
Kaya nga ngayong nagkasama-sama kami ay sinulit na ang pagkukwentuhan. Malugod kong kinwento sa kanila kung paano kami nagkatuluyan ni Kobe. Para kaming mga teenager na kinikilig habang nag-uusap.
Bandang ala singko nga nang magpasya kaming magsi-uwi na. Hindi kami pwedeng gabihin dahil may mga aasikasuhin pa sila. Kahit ako ay kailangan na ring umuwi. Magluluto pa ako ng dinner namin ni Kobe.
"Visit kayo next time sa bahay. Alam naman ninyo kung saan ang bahay namin ni Kobe," sabi ko sa kanila.
Humalik sila sa pisngi ko isa-isa. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa matapos no'n. Malapit lang naman ang bahay namin ni Kobe kaya naman nagcommute na lang ako.
Pagkarating sa bahay ay naabutan ko si Kobe na nakahiga sa kama namin. Lumapit ako at humalik sa kaniya. Pagod siguro dahil galing siyang trabaho. Hindi ko na inabala pa at nagpunta na lang akong kusina para magluto na ng hapunan namin. Gusto niya ng may sabaw kaya sinigang na baboy ang lulutuin ko ngayon.
Naging abala pa ako sa mga sumunod na araw dahil sa trabaho ko. Kapag weekend naman ay pinaplano namin ni Kobe ang para sa kasal namin. Ngayon nga ay pinag-uusapan namin kung ano ang kulay na gagamitin para sa kasal namin. Gusto ko sana ay pastel green ang gamitin.
"Maganda ang pastel green, love. Okay lang ba sa 'yo 'yon?" tanong ko.
Pinakita ko pa sa kaniya ang sample ng gown ng bride na kulay pastel green. Wala naman siyang sinabi kaya tingin ko ay payag naman siya sa gusto ko.
Sa invitation ay napagkasunduan namin na ako na lang ang magdedesign para makatipid kami kahit papaano. Marunong naman akong magdesign ng gano'n. Kami na rin ang magpi-print para makatipid. Pastel green din ang gagamitin ko para sa invitation. White and pastel green na combination para magandang tingnan.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Kurzgeschichten©All Rights Reserved COLLECTION Collection of my one shot stories. Read the Disclaimer. Romance ✓ Tragic ✓ Horror ✓ Open ending story ✓ Teen Fiction ✓ Mystery Thriller ✓ Poem ✓
