I know the feeling of being alone—being left out. ’Yung pakiramdam na parang nakiki-belong ka sa isang grupo o pamilya. Ayaw ko ng gano’ng pakiramdam. Hindi ko gusto ang gano’n kaya hindi ko ipinararanas sa iba.
Kung kailangan ng ibang tao ng makakausap, palagi akong nakikinig at dumadamay. Kapag kailangan nila ng kasama, palagi akong nandiyan para sa kanila. Pero kapag hindi na ako kailangan, wala nang papansin sa akin. Parang hangin na lang ako na hindi nakikita ng mga tao. Paano naman ako? Paano ang nararamdaman ko?
Until I met him. Sa kaniya ko naramdaman na tanggap ako—na belong ako kahit saan. Sa tuwing kasama ko siya ay hindi niya hinahayaang napag-iiwanan ako. He’s my love of my life. My first and last love.
“I’m planning to go with them this weekend, baby. Isasama kita syempre.”
Napag-u-usapan namin ngayon ang tungkol sa pag-aaya sa kaniya ng mga kaibigan niya para sa isang outing.
Alam ng mga kaibigan niya na akong ang girlfriend niya. Lahat sila ay kilala ko na dahil pinakilala sila ni Ysmael sa akin. Okay naman sila. May mga babae rin sa grupo nila pero sa ilang beses kong nakasama, wala naman akong nafeel na kakaiba or something na dapat kong pagselosan.
“Sorry, Yael. May plano kami ng kapatid ko that day. Ikaw na lang ang sumama sa kanila. Next time na lang ako sasama,” nakangusong saad ko naman.
Napanguso rin siya dahil sa sagot ko. Gusto niya rin talagang sumama ako. Two days din kasi iyon, sayang naman nga rin kung hindi ako makakasama. Pero kasi ay nakapangako na ako sa kapatid ko.
Tumango na lang siya at niyakap ako. Ang clingy naman ng boyfriend ko. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ngayon dito sa bahay nila. Nailalabas niya ang sweet side niya.
“Next time bawal na tumanggi. Isasama na kita kahit may ibang lakad ka,” pabirong sabi niya.
Natawa naman ako. Alam ko namang nirerespeto niya ang mga desisyon ko sa buhay. Kapag sinabi kong hindi pwede, hindi niya naman na pinipilit pa.
Isa iyon sa pinaka nagustuhan ko sa kaniya. NO is NO. No explanation sometimes. Kapag sinabi ko, irerespeto niya. And I do the same naman. Nirerespeto ko rin siya.
Dumating ang weekend. Busy siya dahil sa rami ng kailangan nilang gawin. Naiintindihan ko iyon. Nagagawa niya pa rin akong i-update kaya alam ko ang mga ginagawa nila ngayon. Abala rin naman ako sa lakad namin ng kapatid ko. Nag u-update rin ako kay Yael para alam niya rin kung ano ang ginagawa ko.
“Ganda nito, ate. Iregalo mo kay Kuya Ysmael sa birthday niya,” sabi ng kapatid ko.
Tiningnan ko ang hawak niyang necklace. Silver iyon at may kamahalan nga rin. Pero maganda ang design. May pambili naman din ako. Pwede nga itong iregalo sa birthday ni Yael. Malapit na rin ang birthday niya.
Agad naman akong sumang-ayon sa sinabi ng kapatid ko. Binili ko ang necklace na iyon para iregalo kay Yael sa darating na birthday niya next week.
Ginugol namin ang buong maghapon para magbonding ng kapatid ko. Dito na rin nga kami nagpasyang magdinner sa labas para kapag umuwi mamaya ay pahinga na lang ang gagawin.
“Kauuwi lang namin, baby. Anong ginagawa ninyo ngayon?” tanong ko kay Yael.
Kausap ko siya ngayon sa call. Maingay sa background niya at puro barkada niya ang naririnig ko. Mukhang nagkakasiyahan sila roon.
[“Nag-iinuman kami ngayon, baby. Nagkayayaan kasi at sinusulit din ang gala,”] sagot niya naman.
“Okay. Enjoy ka diyan. I’ll call you tomorrow na lang? Magpapahinga na rin kasi ako ngayon, baby. Just enjoy there. I love you!”]
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Cerita Pendek©All Rights Reserved COLLECTION Collection of my one shot stories. Read the Disclaimer. Romance ✓ Tragic ✓ Horror ✓ Open ending story ✓ Teen Fiction ✓ Mystery Thriller ✓ Poem ✓
