Saksi ang Langit (tula)

26 3 0
                                        

Saksi ang langit
sa lahat ng pait,
sa mga salitang paulit-ulit
Saksi ito kung paano ko ipilit,
Na maging maayos kahit masakit

Saksi ito sa gabing madilim,
na umiiyak lang lagi nang palihim
Hindi masabi kaya ito’y kinimkim
Kaya bigat sa dibdib lang ang naaatim

Saksi ang langit kung gaano kabigat
Mga damdaming hindi maisiwalat
Hinahayaan na lang at hindi na inuulat
Kaya palalim nang palalim ang mga sugat

Saksi ito sa bawat pagod na nadarama
Mga pagod na hindi na madala sa pahinga
Na kahit sa tulog ay hindi na makuha
Mga pagod at sakripisyong hindi nagbubunga sa paningin ng iba

Saksi ang langit kung paano ako magmakaawa
Na sana kahit konti ako’y inunawa
Dahil hindi biro ang pagod at ginagawa
Lumuha na lang ang aking magagawa.

One Shot StoriesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon