NILAGA

24 2 0
                                        

Patok ang nilagang baka ni Manang Kuring sa baryong ito. Palaging pinipilahan at talaga namang laging ubos sa tuwing sasapit ang hapon. Ilang kalderong malaki na ang laman ay nilagang baka—palaging ubos ang paninda niyang iyon.

Sa sobrang curious ko ay inaya ko ang kaibigan kong si Mariella. Hindi pa kami kailanman nakakain sa karinderya ni Manang Kuring. Palagi kasing puno o madalas ay nauubusan nga kami ng pagkain.

“Buti na lang at maaga ang vacant natin, makakatikim na tayo ng nilagang baka ni Manang Kuring!” excited na sabi ni Mariella.

Nakipag-unahan kami sa pila. Ilang kaldero na namang malalaki ang nakalagay at lahat ng iyon ay nilaga ang laman. May dalawang katulong si Manang Kuring na tingin ko ay mga anak niya rin.

Patok na patok ang ulam na ito. May ibang ulam naman pero mas gusto nila ang nila nilagang baka.

“Tatlong order po ng nilaga. Saka tig dalawa kaming cup ng rice. Salamat po!” Si Mariella na ang nag-order.

“Dami naman. Baka hindi natin maubos ’yon!” sabi ko naman.

Nakaupo na kami sa pang dalawahan na tao lang. Marami pa namang table at lahat iyon ay napupuno. Pati ang mahabang lamesa ay nakakayang mapuno araw-araw.

Ano ba ang meron sa nilagang ito at laging pinagkakaguluhan? Kung titingnan naman ay parang normal na nilaga lang.

“Mauubos natin ’yon. Mabibitin pa tayo sigurado ako,” sagot ni Mariella.

Hindi na ako kumibo. Nilapag na sa lamesa namin ang order namin. Amoy pa lang nito ay nakakatakam na. Nakaramdam ako ng gutom nang makita ko na iyon sa harapan ko.

Nang mailapag na lahat ay agad naming inumpisahan na kumain na. Unang higop pa lang ay talagang napakasarap at malinamnam ang lasa. Hindi tulad sa normal na lasa ng nilagang baka.

Ano kaya ang secret ingredients nila? Parang hindi nagsasawa ang mga taong bumibili nito. Halos araw-araw nakikilala ko na ang mga nagpupunta rito. Ang iba rito ay mga taga-school lang din namin.

“Grabe! Busog na busog ako. Sobrang sarap pala talaga!” sabi ni Mariella.

Naka-ulit pa nga siya ng isang cup pa ng kanin at isang order ng nilaga. Ako ay inubos ko lang ang na-order niya para sa akin.

Pauwi na kami at mas pinili na lang naming maglakad para bumaba ang kinain namin. Kahit ako ay hindi makahinga nang maayos dahil sa sobrang busog.

“Grabe ’yung nangyari ’no? Parang hindi tao ang gumawa.”

“Basta na lang iniwan ang bangkay sa gilid ng kalsada. Buti na lang at may ID, kung wala ay baka hindi na nakilala ang bangkay.”

Nagkatinginan kami ni Mariella dahil sa narinig namin sa mga nakakasalubong namin. Anong pinag-uusapan nila? May bangkay?

Sa hindi kalayuan ay may nakita kaming nagkukumpulan. May mga pulis at ambulansya na rin doon. Sa sobrang curious namin ay agad kaming tumakbo ni Mariella para tingnan kung ano iyon. Agad kong nakita ang kaparehas na uniform ko. Babae ang namatay.

“Kadiri! Parang nag-experiment gamit ang totoong tao!” sambit pa ng isa.

Halos mailabas ko ang kinain ko nang makita ko ang itsura ng bangkay. Totoo nga. Parang ginawang hayop. Hindi na makilala ang mukha dahil sa raming hiwa nito. Ang katawan ay marami ring hiwa maging sa tiyan.

Ayon sa narinig ko sa mga pulis ay wala naman daw nawala sa katawan o sa lamang loob nito. Sadyang karumal dumal lang ang naging pagpatay sa kaniya. Sino naman kaya ang gagawa nito sa kaniya?

Hinatak ko na si Mariella paalis sa lugar na iyon. Parami nang parami ang mga nakikitingin kaya marami na ring pulis ang nagpapaalis sa mga iyon. Hindi mawala sa isip ko ang itsura nung bangkay. Nakakasuka!

One Shot StoriesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon