PAHINA

12 2 0
                                        

"Malapit na ang pasko, Whine! Anong regalo mo sa akin?" tanong ng kaibigan kong si Ley-anne.

Tipid akong ngumiti lang. Nakahanda naman na ang mga regalo nila sa akin. Lahat sila ay may matatanggap.

Apat silang mga kaibigan ko. At alam ko kung ano ang mga gusto nila. Hindi na ako mahihirapan pa na mag-isip sa kung ano ang gusto nilang matanggap.

"Girls, I'm so excited na sa darating na Christmas. We have vacation kasi with my boyfriend," sabi naman ni Ivy.

Agad namang tumili ang tatlo pa naming kaibigan dahil sa kilig at tuwa. Ako ay tipid lang na ngumiti sa kanila.

Sa aming lima ay ako lang ata ang hindi masyadong napapansin. Siguro ay dahil tahimik lang talaga ako. Introvert kasi ako. Mas gusto ko pang magbasa ng mga libro sa isang tabi.

Itong apat naman ay mahilig sa party. Girly silang apat samantalang ako ay napagkakamalang yaya na lang nila. Iba kasi ang porma ko kumpara sa porma nila. Sosyal silang apat at ako ay simple lang.

"Ikaw, Whine? Saan ka sa Christmas?” tanong naman ni Ivy.

Sa akin natuon ang tingin nilang apat. Hinihintay kung ano ang isasagot ko.

“Sa bahay lang namin. Wala naman akong ibang pupuntahan,” sagot ko.

“Hindi kayo magta-travel? Or at least eat outside with your family?” tanong naman ni Ley-anne.

Umiling na lang ako. Pwede namang sa bahay lang magcelebrate. Parehas lang din iyon. Masaya naman din kahit nasa bahay lang, hindi pa gagastos ng sobrang laki.

Kuntento na ako sa simpleng handaan lang. Hindi ko kailangan magtravel kahit kaya ko naman. Hindi naman kailangan ay makipagsabayan sa iba. Kung ano lang ang kaya o gusto ko, okay na iyon.

“Whine, pakisuyo naman ng tumbler ko. Nasa bag ko lang. Thank you!” pakisuyo ni Fey.

Agad naman akong sumunod. Nandito kami ngayon sa paborito naming tambayan—sa gym. Nanonood kami ng mga nagpapractice ng sayaw para sa darating na Christmas party.

Malapit na ang Christmas party namin. Next week na iyon kaya naghahanda na ang lahat. May sayaw rin ang section namin pero hindi kami kasali.

“Gusto kong gift ay Channel bag, Whine. You know my favorite color naman ’di ba?” sabi ni Yanz.

Tumango ako sa kaniya. Siya ang katabi ko ngayon dito sa bench. Tinuon ko ang tingin sa mga nagpapractice ng sayaw. Ang ibang studyante ay sa amin nakatingin.

Sikat ang grupo namin sa buong school. Angat nga lang ang apat na kaibigan ko dahil friendly sila at sosyal kumilos. Marami akong naririnig tungkol sa akin pero hindi ko na iyon pinapansin. Ang iba ay sinasabing nakakasira daw ako sa apat kong kaibigan. Mukha raw akong alalay.

“Gusto kong gift ay libro,” sambit ko habang nakatingin pa rin sa mga sumasayaw.

Nagtawanan sila. Hindi ko alam kung ako ba ang pinagtawanan nila o may nakakatawang nangyari sa mga sumasayaw. Nagtinginan din kasi sa gawi namin ang mga studyante.

Bumaling ako sa mga kaibigan ko na natatawa at naiiling na lang habang nakatingin sa akin. Nangunot ang noo ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“You’re so nerdy talaga, Whine. Sabi namin sa ’yo ay gumaya ka na lang sa amin. Tingnan mo ikaw lang naiiba ng mga gusto,” sabi ni Fey.

“Ayaw mong magtry magmake up. You’re so boring, girl!” maarteng sabi naman ni Yanz.

Malalim akong humugot ng hininga at pinakawalan iyon. Ito na naman kami. Ako na naman ang napansin nilang apat. Gustung-gusto talaga nila na igaya ako sa kanila.

One Shot StoriesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon