SOMEWHERE on the other side of town. "What the hell is this, Fred?" Madilim ang anyong tanong ni Ethan habang tinitingnan ang candid picture ng isang dalagita. Teka, hindi na iyon dalagita. Base sa impormasyong nakasulat sa papel na kasama ng litrato ay twenty-three years old na ang babaeng iyon. Ang pangalan nito ay Raelyn Marasigan.
"Settle down, Ryder," wika ni Fred. Ito ang kasalukuyang boss ni Ethan.
"This better be good," may pagkadisgustong wika ni Ethan.
"Oh it is," confident na sagot ni Fred. "Just take my word for it."
Ngumiti si Ethan. But it wasn't a pretty smile. It was a smile meant to taunt and send a message. "Sana ay hindi mo mamasamain kung sasabihin kong hindi ako tumatanggap ng basta salita lang."
Sa halip na mainsulto ay tumawa pa si Fred. "I'm glad to know that."
Hindi sumagot si Ethan. Nagpatuloy lang siya sa pagmamasid kay Fred. Hindi alam ni Ethan kung ilang taon na ito. Pero kung manghuhula siya, sa tingin niya ay nasa mahigit forty years old na ang lalaki. Parte ng trabaho ni Ethan ang makipaglapit kay Fred. At hindi niya ikakaila na ginagamit niya sa kanyang advantage ang pagpapakita nito ng favoritism sa kanya. Ethan worked damned hard to build up Ryder's reputation as a mercenary. At araw-araw ay itinataya niya ang buhay niya para lang i-maintain ang reputasyong iyon.
Pagkalipas ng ilang sandali ay muling ibinaling ni Ethan ang tingin sa litrato ng babae. She was pretty in a boyish and childlike kind of way. Maiksi ang buhok nito na nakapalibot sa maliit nitong mukha. Kinuha ang picture na iyon habang nagja-jogging ang babae sa isang park. Nakasuot ito ng itim na leggings at simpleng T-shirt. She really looked like a teenager, especially with the headband that didn't seem to be doing a good job at holding her hair away from her face.
"Siya si Raelyn Marasigan."
"Alam ko. Marunong akong magbasa," papilosopong sagot ni Ethan saka binigyan ng nakakalokong ngiti ang lalaki.
Pero hindi nanaman tinablan si Fred. "I want you to gather intel about her."
"Hindi pa ba intel ang tawag mo dito?" itinuro ni Ethan ang piraso ng papel na naglalaman ng mga personal na impormasyon tungkol sa babae.
"Hindi ang mga ganyang klase ng impormasyon ang kailangan ko."
If Ethan was a lesser man, he would immediately cower under Fred's intense gaze. Pero kahit kailan ay hindi nagpa-intimidate si Ethan kahit na kanino. He had been in this kind of business long enough to understand the play of power. At kaya buhay pa rin siya hanggang ngayon ay dahil hindi siya pumapayag na mapaglaruan at malamangan siya ng kahit sino. He would not start now.
"What exactly do you need me to do?"
Sa halip na sumagot agad ay tinapunan muna ni Fred ng malisyosong tingin ang litrato ng babae.
For some reason, Ethan felt a tiny prickle in his stomach. Pero agad na binalewala niya iyon. Hinablot niya ang litrato para ilayo iyon sa mg mata ni Fred. Pagkatapos ay muli niyang binasa ang kalakip na papel. Whoever put together that list was thorough. Ang hula niya ay nagbayad si Fred ng isang private investigator para doon. Ultimo kasi ang klase ng kape na iniinom ng babae ay nakasulat doon. Pati na ang madalas nitong kainin, lugar na madalas nitong puntahan, size ng paa, kulay ng mata, at pati cup size ng bra.
Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Ethan. "Don't you think she's a bit too young for you?"
"She is," pagsang-ayon ni Fred. "But she's the right age for you."
Sandaling natigilan si Ethan sa narinig pero hindi niya iyon ipinahalata. Dahan-dahan niyang pinakawalan ang hininga. Natutunan niya ang technique na iyon sa panonood ng mga yoga videos sa YouTube. Oo, YouTube. So what? May mga pagkakataon na parang napakabagal ng oras para sa kanya. Kaya ginagamit niya ang mga oras na iyon para matuto ng iba't ibang bagay. Hindi moa lam kung kailan magiging useful ang mga bagay na natututunan niya. And for Ethan, those fucking weird things he learned were mighty useful today.
"For me?" relaxed na ang boses ni Ethan nang muli siyang magsalita. Pero ang totoo ay hindi niya kayang sikmurain ang ideya na magte-take advantage siya sa isang inosenteng babae.
Simula nang pasukin ni Ethan ang ganitong klase ng buhay at trabaho ay ibinaon na niya sa sa limot ang kanyang konsiyensiya. Kailangan niyang gawin iyon kung gusto niyang mabuhay pa ng matagal. Pero paminsan-minsan ay tinatablan pa rin siya ng konsiyensya. Alam niyang madami na siyang masamang bagay na ginawa. Pero kahit kailan ay hindi siya basta-basta nagtetake advantage sa mga inosenteng tao.
Nanatiling tahimik si Fred. Hindi mahulaan ni Ethan kung ano ang iniisip nito. Talagang magaling ito. Dapat lang dahil si Fred ay dating miyembro ng special forces unit ng Philippine Army bago naging isa sa mga pioneer operatives ng isang sikretong organisasyon ng gobyerno na tinatawag na STAID, o Special Tactics and Intelligence Division.
STAID was top secret alright. Hindi ito nirerecognize ng gobyerno. At sa totoo lang ay tanging ang mga taong may kinalaman lang sa STAID ang siyang nakakaalam kung ano talaga ito at ang ginagawa nito. But Ethan knew enough. Dapat lang dahil lahat ng ginagawa niya ngayon ay para sa STAID.
"May kinalaman ba ito sa STAID?" kalmadong tanong ni Ethan.
Ngumiti si Fred. "You know it does."
Nitong nakaraang buwan ay puro may kinalaman sa STAID ang mga trabahong ipinapagawa sa kanya ni Fred kaya sigurado si Ethan na may binubuo itong isang malaking plano laban sa STAID. "So why the fuck are you asking me to babysit?"
"Because Raelyn Marasigan is indirectly connected to STAID. And I want you to find out everything she knows."
Pagkatapos ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Fred. Inilapit pa nito ang mukha sa kanya kaya kitang-kita ni Ethan nang biglang nagkaroon ng kakaibang kislap ang mga mata nito. Nakakatakot ang tinging iyon ni Fred. It was dirty and full of malice. Halos tumayo pa nga ang balahibo ni Ethan sa batok dahil doon.
And then Fred spoke in a chilly voice. "I want you to get inside her head using any means necessary. I need to know everything." At tuluyan na ngang kinilabutan si Ethan. Lalo na nang umangat ang isang sulok ng mga labi ni Fred, like he was a demon personified.
Kahit na dalawampu't pitong taong gulang pa lang si Ethan ay madami na siyang nasaksihang hindi dapat nasasaksihan ng kahit na sinong tao. He could say that he was already hardened by his years of experience as a mercenary. Pero kaya parin pala niyang makaramdam ng pangingilabot. At dahil lang iyon sa isang ngiti mula kay Fred.
Damn! The man was a real psychopath! Sandaling nagflash sa isip ni Ethan ang litrato ni Raelyn Marasigan. Parang bigla siyang nakaramdaman ng protectiveness para dito. Pero agad din niya iyon binalewala. Instead, Ethan gave Fred one of his own I-mean-business looks and let out a confident smile. "I'll start working on her immediately," pabulong din na wika niya bago umalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/44595063-288-k474397.jpg)
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...