20.1

3.4K 107 5
                                    

TUTOK na tutok ang mga mata ni Raen sa malaking screen. Naroon din ang mga magulang niya, ang Kuya Luke niya, at si Myka. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang ie-expect sa interrogation na iyon. Pero siguradong hindi ganito. Masyadong tahimik kasi doon. Kahit si Stone at si Ethan ay parehong tahimik. They were just looking at each other like they were both trying to read each other's mind. Wala ding gumagalaw kahit isa sa kanila.

Kung si Raen ang tatanungin ay parang magkamatch na magkamatch lang ang mga ito.

Pakiramdam niya ay ilang oras ang lumipas bago gumalaw si Stone para ipatong ang dalawang siko sa tuhod nito.

"You know, I could easily kill you with my bare hands." Stones's voice was too cold and taunting.

"You could, but you won't." Ethan's voice was equally cold. Parang gusto na ni Raen na tawagin itong Ryder.

"Paano ka nakakasiguro?"

Ngumiti ng nakakaloko si Ethan na nagpakilabot kay Raen. Ngayon lang niya nakita si Ethan na umakto ng ganyan. Nakakatakot pala ito pero hindi naman niya maiiwas ang mata.

"Dahil hindi ko siya sinaktan... o pinatay."

Biglang kinurot ang puso ni Raen.

"Am I supposed to spare your life just because you didn't kill her?"

"Of course not. Pero sigurado akong 'yung dahilan ko kung bakit hindi ko siya pinatay ay kapareho lang ng dahilan mo kung bakit hindi mo ako papatayin."

Ouch! Hayun nanaman ang isa pang kurot.

"At ano naman ang dahilan na iyon?"

"Because she's more valuable to me alive."

Napapikit na si Raen para pigilan ang sariling mapaluha. Parang hindi na niya alam kung ano ang dapat paniwalaan ngayon. Just hours ago she was so sure that Ethan cared about her even a litte. Pero iba naman ang ipinapahiwatig ng mga sinasabi nito ngayon.

"And you think you're more valuable alive?" sarkastikong tanong ni Stone.

Muli ay ngumiti ng nakakaloko si Ethan. "I don't just think it." At sa pagkagulat nilang lahat ay bigla na lang iginalaw ni Ethan ang ulo. Pagkatapos ay dire-diretsong humarap ito sa camera na dapat ay nakatago ng husto. "I know it." Pagkatapos ay ibinalik nito ang tingin kay Stone. "Stone."

Sa tabi ni Raen ay narinig niya ang mahinang pagsinghap ni Myka. "Oh hell!"

"Bakit?" agad na tanong ni Raen.

"He wasn't supposed to know anything about Stone. Hell, he wasn't supposed to know that name at all."

Noon napatunayan ni Raen kung gaano talaga kagaling si Ethan. At sa halip na magbago ang nararamdaman niyang paghanga para dito, lalo pa yatang lumala iyon. As a matter of fact, Raen was beginning to think that she's half-way in love with him already.

Sa screen ay ilang minuto pang nagtitigan sina Ethan at Stone bago dahan-dahang tumayo si Stone at lumabas. A few seconds later, the door to the control room burst open.

"Damn, he's good." Hindi alam ni Raen kung galit ba o paghanga ang nahimigan niya sa boses ni Stone.

Nanatiling tahimik at nag-o-obserba lang si Raen. Mula sa kanyang tabi ay tutok na tutok pa rin ang mga mata ni Myka sa screen. Maya-maya pa ay tila hindi mapakaling lumipat ito sa tapat ng isang computer. Nakita niyang nirereplay nito ang interrogation ni Stone kay Ethan. Kung interrogation bang matatawag iyon. Para kasing nagtitigan lang naman ang dalawa.

"Magrelax ka muna sandali, Myka?" mahinang wika ng Kuya Luke niya kay Myka.

"Hindi pwede," sagot ni Myka na tutok na tutok pa rin sa tapat ng computer screen.

"Do you want to give it a go?" narinig niyang tanong ni Stone sa kanyang mga magulang.

Pigil niya ang hininga habang hinihintay ang isasagot ng mga ito. Pero maya-maya lang ay nagtinginan ang mga ito at saka sabay na tumango.

"Pa, Ma," hindi alam ni Raen kung bakit bigla niyang tinawag ang mga ito. "I just..." muling nagbalik ang tingin niya sa screen. Ethan was just sitting there and staring straight ahead. Hindi ito gumagalaw. At kung hindi lang dahil sa panaka-nakang pagkurap nito ng mata at paghugot ng hininga ay iisipin na niyang naka-pause ang video feed na iyon.

"Raen?" tawag ng papa niyang si Abel.

"May sasabihin ka ba, anak?" ang mama naman niya si Rose ang nagtanong niyon.

Ibinuka ni Raen ang bibig. Gusto niyang sabihin na 'wag masyadong pahirapan si Ethan. Pero ano na lang ang magiging dating niyon sa kanila? Raen's mind was seriously fucked up. Pero hindi talaga niya maalis ang pag-aalala para kay Ethan.

Siguro ay nainip na ang mga ito sa paghihintay na magsalita si Raen kaya sila na ang naunang magsalita. "Don't worry, we've done this before," Raen's father said in a cool voice.

"We can handle him just fine," dugtong pa ng mama niya.

Lalo lang nag-alala si Raen dahil doon. Idagdag pa na walang makitang kahit na anong reaksiyon sa mukha ng mga ito.

"Kakausapin lang namin siya," muling wika ng mama niya bago lumabas ng control room kasama ang papa niya.

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon