"SIGURADO ba kayong dapat nating ipinapakita ang mga picture na yan?" agad na protesta ni Stone. Pagkatapos ay itinuro nito si Raen. Agad na tumutok sa kanya ang ilang pares ng mga mata.
"It's okay," matatag ang boses na sagot ni Raen. Pero hindi parin niya napigilan ang mapalunok nang muling tumingin sa screen. Parang kulang ang salitang brutal para ilarawan ang mga litratong nilalaman ng collage na iyon.
"My sister shouldn't be seeing this," sang-ayon ng Kuya Luke ni Raen. Agad na napangiti siya sa ipinapakitang protectiveness ng kuya niya.
"Ilan lang ang mga ito sa naging targets ni Agent Rookie," pahayag ni Robbie.
Wait, what? Parang nagkamali si Raen ng pagkakarinig. Hindi ba kanina lang ay ikinukwento ng mga magulang niya na dating team mate ng mga ito ang Agent Rookie na iyon?
"That's him," biglang wika ni Myka na nakaturo pa sa screen.
Noon lang napansin ni Raen na napalitan na pala ang litratong nakaflash doon. The screen was now showing an image of a dignified-looking young man.
"Yes, he was the one who," sandaling tumigil ang Kuya Luke niya. "Took us."
"Teka lang." Hindi namalayan ni Raen na napatayo na pala siya. Naramdaman na lang niyang hinawakan ng mama niya ang kanyang kamay. Sandaling tumingin siya dito bago bumaling kay Papa Abel. "Hindi ko maintindihan. Akala ko ba kaibigan niyo siya?"
"Yan din ang akala namin noon, Raen," ang mama niya ang sumagot.
"Lingid sa aming kaalaman ay tumatanggap na pala siya ng mga trabaho sa labas ng STAID," panimula ni Papa Abel. "He became an assassin for hire. We called him the White King. Dahil palagi siyang nag-iiwan ng chess piece na white king sa bawat trabahong ginagawa niya."
"Okay, but I still don't get it. Ano'ng kinalaman niya sa pamilya natin? Bakit niya ginagawa ang mga 'to?"
Sa halip na sagutin ang tanong niya ay nagpatuloy lang sa kwento ang mama niya. "Ako ang unang nakatuklas sa alter ego niya. He asked me to keep it a secret but I couldn't. Sinabi ko agad iyon sa papa mo."
"We confronted him of course," pagpapatuloy ng papa niya. "Pero ang isinagot lang niya sa amin ay hindi na daw niya nakukuha ang thrill na dati niyang nae-experience sa STAID. I was shocked. Hindi ako makapaniwalang naririnig ko ang mga bagay na iyon sa kanya."
"It's as if we didn't know him anymore," komento ng mama niya.
"Hindi namin pwedeng hayaan na lang ang ginagawa niya. Kahit pa masasamang tao ang ilan sa mga naging targets niya, mayroon parin doong mga mabubuting tao. So we were forced to stop him," dugtong ng papa niya.
"Stop him?" halos pabulong na tanong ni Raen.
Matigas ang anyong tumango ang papa niya. "The plan was to capture him. Pero nabigo kami. And again, we were forced to terminate him."
Napalunok si Raen. "T-terminate?" Hindi siya makapaniwalang dating kaibigan ng mga magulang niya ang pinag-uusapan nila. Ganoon ba talaga ang klase ng buhay na mayroon ang mga ito dati? Iyon ba ang dahilan kung bakit wala silang ibang pinagkakatiwalaang tao? And dear God, was that also the reason why they taught their children never to trust anyone?
"They tried to kill him," si Myka ang sumagot. "But he didn't really die."
"No, he didn't. It was hard to take down someone who is as good as any of us or maybe even better," sagot ni Papa Abel. "Hindi nasunod ang plano namin. Halos kalahati ng agents na kasama sa misyong iyon ang naging casualty."
"Casualty?" nanginig pa ang boses ni Raen.
Tumango si Myka. "They died. Pero si Rookie ay nabuhay. Ang tanging natamo niyang injury ay nagresulta sa pagkaputol ng kamay niya. He lost his shooting hand."
Hindi sigurado si Raen pero parang narinig pa niya ang papa niya na bumulong ng, "Damn!"
"Iyon ang dahilan kung bakit siya naghihiganti ngayon," pagpapatuloy ni Myka.
"Sinabi ba niya iyan sa'yo?" tanong ng Papa Abel ni Raen.
Umiling si Myka. "Not directly. But he implied it."
"Knowing Rookie, I can understand why. He's one of the best snipers I know," komento ng mama ni Raen. "He lived for the thrill. Not being able to shoot would have been like being dead for him."
"Pero bakit ngayon lang siya naghihiganti?" nagtatakang tanong ni Raen.
"There's no knowing the exact reason with Rookie," may bahid ng lungkot na sagot ng papa ni Raen.
Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na sila sa pagdidiscuss tungkol sa mga nangyari kina Luke at Myka. Nanatiling tahimik lang at nakikinig si Raen. Ilang beses na parang gusto niya mapaiyak dahil sa mga narinig niyang pinagdaanan ng mga ito. But every one in her family thrived on being strong. Bago ang sandaling iyon ay hindi alam ni Raen na ganoon din pala siya. Dati ay iniisip niya na siya ang pinakamahina at pinaka-emosyonal sa kanilang pamilya. Kaya nga palagi siyang nag-e-exert ng extra effort para pigilan ang sarili na magpakita ng kahit anong kahinaan. But at that moment, she realized that she was so much like them without even trying. And it made her somewhat happy but also sad and very afraid. Kung bakit ay hindi pa niya alam.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AcciónHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
