4.1

4.5K 120 0
                                    

MALAPIT na si Raen sa townhouse niya nang magkaroon ng problema ang kotse niya. Sigurado siyang hindi iyon normal. Ang papa niya mismo ang personal na nagche-check doon at eksperto ito sa mga sasakyan.

"Damn, konti pa," bulong ni Raen habang lalo pang bumabagal ang takbo ng kotse. Wala siyang kasunod na sasakyan kaya hindi niya kailangang mag-alala na baka may makabunggo sa kanya. Pero ang kawalan mismo ng ibang sasakyan sa kalsada ang siyang inaalala niya. Naroon na kasi si Raen sa parte ng subdivision nila kung saan wala pang masyadong mga naitatayong bahay. Karamihan ay under construction pa. At kahit pa hindi madilim doon ay sigurado namang walang ibang tao sa paligid.

"Shit!" napamura nanaman siya nang tuluyan nang tumigil ang kotse. Mabilis na kinuha ni Raen ang cell phone mula sa kanyang bag at saka inilabas ang kanyang handgun. Nagdadial na siya nang makarinig siya ng tunog ng papalapit na sasakyan. Hinanap agad niya kung saan nanggagaling iyon. Iisa lang ang ilaw na nakita ni Raen kaya sigurado siyang isa iyong motorsiklo. At base sa bilis ng paglaki ng ilaw ay mukhang mabilis ang takbo niyon. And for the life of her, she couldn't explain why she felt the need to watch the motorcycle approach. Kaya siguro hindi nagregister sa isip ni Raen na may ilan pang pares ng mga motorsiklong papalapit sa kanyang kotse mula sa kabilang direksiyon. Ang tanging nakikita lang ni Raen ay ang nag-iisang motorsiklo na mabilis na lumalapit sa likod ng kotse niya. Kitang-kita niya nang iangat ng driver ang kamay at iumang iyon sa harap nito.

Agad na natauhan si Raen. Ang driver ng motorsiklo ay may hawak na baril at nakatutok iyon sa kanyang direksiyon. Mabilis siyang yumuko at inihanda ang sariling marinig ang malakas ng putok ng baril. But all she heard were a couple of popping sounds. Dahil doon ay dahan-dahang sumilip si Raen sa labas.

Napalundag siya sa kinauupuan nang may humampas sa bintanang katapat ng mukha niya. Itututok na sana ni Raen ang baril niya sa taong nasa labas ng kotse nang bigla itong sumenyas. And damn it, she understood those hand signals. Sinasabi nitong lumayo siya sa tabi ng bintana at yumuko.

Na-train nga si Raen ng mga magulang niya. Pero hindi pa talaga siya napapasok sa ganitong sitwasyon. Kaya naman hindi siya agad nakagalaw. Then as if the man in the motorcycle was tired of waiting for her to respond, he suddenly jerked open his helmet.

Napasinghap si Raen. "Ethan!"

"Get down!" Sobrang lakas siguro ng sigaw nito kaya narinig iyon ng malinaw ni Raen. Kasunod niyon ay ang nababasag na salamin na ang narinig niya.

"Stay down, Raen!" Iyon ang paulit-ulit na sigaw ni Ethan.

Kahit na gusto niyang sumilip ay hindi niya ginawa. Alam niyang ilalagay lang niya sa panganib ang buhay nila ni Ethan kapag ginawa niya iyon. Pero hindi ibig sabihin na hindi na niya susubukang tumulong.

Base sa naririnig ni Raen ay nagmumula sa bandang harap ng kotse niya ang mga putok. Kaya naman maingat na inirecline niya ang driver's seat bago siya gumapang patungo sa backseat. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinukas ang pinto sa likod ng passenger side at lumabas.



S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon