ILANG sandali pa ay narinig ni Ethan na tumikhim si Stone. "Listen, Raen, may dahilan ako kung bakit hiniling kong agahan natin ang pagpunta dito ngayon."
"Alam ko, Stone," sagot ni Raen na may kaunting hesitasyon. "I kind of sensed it."
"You really have good instincts," puri ni Stone kay Raen.
Pero tumawa lang ng sarkastiko ang dalaga. "Kung totoo 'yan, sana ay naramdaman ko agad na..."
"Stop thinking about it. Ryder is a professional. Wala kang laban sa kanya. Anyway, I assigned my best man to investigate Ryder's background," puno ng determinasyong pahayag ni Stone.
Pero ni hindi nakaramdam ng kaba si Ethan. His cover was solid.
"Bago pa siya naging miyembro ng crew ni Rookie, Ryder was like a Jack of all trades."
"Ano'ng ibig sabihin non?" Hindi alam ni Ethan kung imahinasyon lang ba niya ang nahimigang interes sa boses ni Raen.
"Ibig sabihin ay tumatanggap siya ng kahit anong klase ng trabaho basta tama ang presyo."
"Kahit ano?"
Nakita ni Ethan na tumango si Stone. "He trades government secrets. He sells private information about organizations and people. And he could investigate anything that his client wants him to investigate." Sandaling tumigil si Stone na para bang pinag-iisipan nito kung paano magpapatuloy. "Actually, medyo nakakagulat ang mga bagay na natuklasan namin tungkol sa kanya. He's not like your regular criminal. Ryder was cunning but he was also a respected... Let's just say businessman."
Ethan wasn't sure how to react about hearing his resume being recited like that. Wait, did he just say resume?
"Businessman?" tumawa si Raen. "Really? Wala ka nang maisip na ibang term?"
Parang gusto ding matawa ni Ethan. Nakakatawa naman kasi talaga iyon. Pero mukhang sila lang ni Raen ang nag-iisip na nakakatawa iyon dahil si Stone ay bigla na lang tumikhim at sumimangot.
"This isn't a laughing matter, Raen. He doesn't do those things anymore. Exclusive na siyang nagtratrabaho para kay Rookie ngayon. And Ryder and Rookie is a dangerous partnership," seryosong pahayag pa nito. Pero nagpatuloy lang sa pagtawa si Raen. Parang naluluha pa nga ito sa pagtawa dahil nakita ni Ethan na pinunasan nito ang gilid ng mga mata nito. "Raen," pananaway pa ni Stone.
"Businessman," may pagkamanghang ulit ni Raen.
Tama nga si Ethan ng naisip. Naluha si Raen sa pagtawa. Parang napasinghot pa nga ito eh. Pero pagkalipas ng ilan pang pagsinghot ay narealize ni Ethan na parang hindi na normal iyon.
"Teka, Raen," biglang wika ni Stone. "What the hell is happening to you?"
Parang hindi na sapat kay Ethan na panoorin lang ang video feeds sa kanyang laptop. Kaya iniangat niya ang paningin at hinanap ang kinapupuwestuhan nina Raen at Stone.
Pumasok sa isip niya na anumang oras ay iiyak na si Raen. Base sa reaksiyon ni Stone ay mukhang ganoon din ang naisip nito. Pero nagulat siya nang bigla na lang umayos ng upo si Raen at umiling. At sa isang iglap ay bumalik ang normal na ekspresyon nito. Ethan was both alarmed and amazed at how fast Raen recovered herself. He was alarmed because he was actually proud. And he didn't even know why.
Naputol ang pagmamasid niya nang makarinig siya ng beep. Actually, double purpose ang ginagawa niyang pagmamanman kina Raen at Stone doon sa coffee shop. Ginagamit din niya ang oras na iyon para ituloy ang mga plano niya. Habang nagkakagulo na sa hideout ni Fred habang hostage nito sina Myka at Luke ay pumuslit siya patungo sa opisina ni Fred at sinubukang i-access ang nakita niyang computer doon. Muntik na siyang nagtagumpay. Muntik lang dahil naubusan siya ng oras. Hindi kasi nakalkula ng tama ni Ethan ang oras ng pagtakas ng dalawa. Either that or Myka and Luke were really just fast.
And now Ethan could admit that he had selfish reasons for helping the two. Ginamit niya ang dalawa bilang distraction habang isinasagawa ang kanyang plano. And for almost a week now, he's been trying to find an online trail for Fred. Naniniwala kasi si Ethan na bawat isang tao ay mayroong online trail, lalo pa at nabubuhay na tayo sa digital era. It's just a matter of knowing where to look.
"Gotcha," bulong ni Ethan habang binabasa ang nakasulat sa kanyang computer screen. Natagpuan na kasi niya ang isa sa mga bank accounts ni Fred. Kasabay niyon ay tumayo na sina Stone at Raen sa kinauupuan. Sigurado si Ethan na ihahatid na ni Stone si Raen sa clinic. Kaya naman ini-off na ni Ethan ang video feed sa coffee shop at binuksan naman ang video feeds sa clinis. Ilang sandali pa ay pinapanood at pinapakinggan na niya ang pagpapaalam ni Stone kay Raen sa reception ng clinic. Alam ni Ethan na magiging busy na si Raen sa trabaho kaya nagfocus na din siya sa kanyang ginagawa.
"Bingo," hindi napigilang wika ni Ethan nang matagpuan niya ang isa pang account ni Fred. Pagkatapos niyon ay para bang lalo pa siyang ginanahang hanapin ang iba pa. Kaya bago pa natapos ang dalawang oras ay natagpuan na ni Ethan ang lahat ng accounts ni Fred.
Matagal nang alam ni Ethan na walang kinatatakutan si Fred. Kaya nga hindi siya basta-basta nakakagalaw nang hindi niya kinokonsidera ang lahat ng options. But now, Ethan finally had something to hold against Fred.
Brace yourself, Fred, I could finally hit you where it would definitely hurt, Ethan murmured to himself with a satisfied smile before closing his laptop.
![](https://img.wattpad.com/cover/44595063-288-k474397.jpg)
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AcciónHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...