HALOS himatayin si Raen nang matanggap ang tawag mula sa papa niya. Nasa ospital daw ang Kuya Luke niya at si Myka. Mabuti na lang at wala siyang pasok sa trabaho nang araw na iyon. Halos paliparin niya ang kanyang kotse para lang makarating agad sa ospital.
"Kuya!" agad na sigaw niya pagpasok sa kuwarto ng kapatid. Wala siyang pakialam kung sino pa ang naroon. Ang tanging concern lang niya ay ang kalagayan ng kuya niya. Huli na nang mapansin niyang basta na lang siyang sumingit sa pagitan nito at ni Myka. "Sorry," awtomatikong hingi niya ng paumanhin.
"Don't worry about it," nakangiting sagot ni Myka.
Pagkatapos tanguan si Myka ay hindi na napigil ni Raen ang kanyang bibig. Sunod-sunod na ang pagtatanong niya. At some point, she had to wave her hand in front of her brother just to make him pay attention. Sa huli ay sumuko din siya at hinarap ang kanyang mga magulang.
"Ma, Pa, okay na ba talaga si Kuya Luke?"
Sabay na tumango ang kanyang mga magulang. Ang mama niyang si Rose ay lumapit sa kanya at niyakap siya. "Sinabi naman ng papa mo na hindi namin siya pababayaan, di ba?"
"He will be okay," dagdag pa ng papa niyang si Abel.
"I just feel so guilty," hindi napigilang bulalas ni Raen.
"Bakit, anak?" malumanay na tanong ng mama niya pero hindi nakaligtas sa kanya ang biglang pag-alerto nito.
"Noon kasing pumunta sila sa clinic ay inaway ko pa siya." Nagpakawala pa ng malalim na hininga si Raen bago muling yumakap sa mama niya. "And now I feel so bad. Ni hindi ko pinansin ang mga sinabi niya sa akin. I swear, Ma, hindi ko naman alam na mangyayari pala ito. Pagkatapos mawala ni Kuya Adam, I don't know if I could take losing another brother."
Naramdaman ni Raen ang paghaplos ng papa niya sa kanyang ulo. "You don't have to worry about that anymore, baby."
ILANG oras nang sinusubukan ni Ethan na pumuslit sa loob ng ospital. Pero masyadong mahigpit ang security. Walang dudang dahil iyon sa STAID. Pero nakagawa pa rin siya ng paraan para makapasok at malaman ang kundisyon nina Luke at Myka.
Or maybe you just want to catch a glimpse of Raen?
Hindi na lang pinansin ni Ethan ang mahinang tinig na iyon at nagpatuloy sa pagmamasid sa pinto ng kuwarto ni Luke. Maya-maya pa ay bumukas iyon at lumabas mula roon si Raen. Pero may kasama ito.
"Saan mo gustong bumili ng ice cream?" narinig niyang tanong ng lalaking kasama ni Raen.
Pinagbuti pa ni Ethan ang pagtatago nang magvisual sweep ang lalaki sa paligid. Nakilala naman agad niya ang mga galaw nito. Isa din itong STAID agent. At kung hindi nagkakamali si Ethan ay ito ang pinuno ng mga STAID agents na sumaklolo kina Luke at Myka mula kay Fred.
Wala na si Ethan doon nang dumating ang STAID. Pero pinanood pa rin niya ang lahat ng kaganapan mula sa mga security cameras. At hindi nakaligtas sa kanyang obserbasyon ang ginawang pagtakas ni Fred. Iyon lang ang tanging dahilan kung bakit naroon pa rin siya at ipinagpapatuloy ang pagiging si Ryder.
"Kahit saan." Nakarating sa pandinig ni Ethan ang isinagot ni Raen.
Gustong-gusto nang lumabas ni Ethan sa pinagtataguan at lumapit kay Raen. Pero hindi pwede. Nakilala siya nina Luke at Myka. Siguradong alam na ng buong STAID ang involvement ni Ethan sa nangyari. Pruweba na doon ang pagkakaroon ng bantay ni Raen.
Nang sigurado na si Ethan na nakalayo na ang mga ito ay saka lang siya umalis sa pinagtataguan. Pagkatapos ay maingat na hinanap niya kung saang direksyon nagtungo si Raen kasama ang lalaki. Nang mamataan niya ang mga ito ay napakunot ang kanyang noo. Somehow it felt like Ethan suddenly wanted to punch something or someone. Preferably the man that had his hand on Raen's back right now.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
