12.2

3.6K 99 1
                                    

RAEN had been operating on autopilot for the past—ilang linggo na nga ba? Teka, linggo lang ba o buwan na? Lagpas dalawang buwan na yata ang nakalipas mula nang magkagulo ang lahat sa buhay niya. Ganoon katagal na din mula nang huli niyang makita si Ethan.

Ah, shit! Ethan nanaman! Kailangan ko na talaga siyang—

Biglang napaalerto si Raen nang makarinig siya ng ingay. Parang nagmumula iyon sa labas ng clinic. Awtomatikong kinapa niya ang maliit na handgun na nakasuksok sa suot niyang body strap. Speaking of body strap, naalala nanaman tuloy niya si Ethan.

Tigilan mo na nga 'yan, Raen. Wala kang mapapala sa ginagawa mong pag-iisip sa kanya.

Natigil ang pakikipag-usap ni Raen sa sarili nang makarinig naman siya ng nababasag na salamin. Kinabahan na siya.

"Sino 'yan?" malakas na tanong ni Raen habang kinakalas ang lock sa gun holster ng body strap. Bigla na lang ay umandap-andap ang ilaw pero hindi naman namatay. Tila iyon lang ang kailangang mangyari bago mabilis na tumakbo si Raen palabas ng opisina at nagtungo sa locker room.

Bago pa tuluyang makapasok si Raen sa locker room ay nakarinig nanaman siya ng nababasag na salamin. Shit! Napapamurang ini-on ni Raen ang electronic lock sa pinto saka  agad na hinubad ang suot niyang scrub suit. Matapos buksan ang sariling locker ay kinuha doon ni Raen ang kanyang jeans at isinuot. Kasabay niyon ay nakarinig siya ng mga yabag.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Raen sa T-shirt niyang maayos na nakatupi at sa mga ekstrang magazines para sa baril niya. It was a no brainer really. Between the shirt and the gun magazines, mas importante ang magazine siyempre. So Raen immediately stuffed them on her jeans pockets. Kinuha din niya ang kanyang Army knife at isinuksok sa kanyang ankle strap. Kasunod niyon ay ang combat boots naman ang isinuot niya. Kukunin na sana niya ang T-shirt niya nang biglang namatay ang ilaw.

Natigilan si Raen. Imposibleng nawalan sila ng kuryente. Kahit pa magbrownout ay mayroon namang emergency power supply ang clinic. Nakakabit iyon sa mga medical equipment nila na hindi pwedeng basta na lang mag-off. Nakakonekta din ang emergency power supply na iyon sa security system. Kaya sigurado siya na hindi pa rin basta-basta makakapasok doon sa locker room ang kung sinumang nasa labas. Kaya naman hindi siya nakapaghanda nang bigla na lang bumukas ang pinto. Ang tanging nagawa ni Raen ay gumulong sa sahig patungo sa likod ng locker saka patakbong tinungo ang pinto.

Pero biglang may mga bisig na pumalibot sa bewang ni Raen at hinila siya paatras. Then she saw a booted leg kick the door shut. Napakabilis ng mga pangyayari. Ni hindi nagkaroon ng pagkakataon si Raen na makaramdaman ng ibang bagay maliban sa pagtataka. Para kasing pamilyar sa kanya ang mga bisig na iyon.

But that can't be! Unless... Naramdaman ni Raen na lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ng kung sinumang nasa likod niya. Dahan-dahan niyang iniikot ang ulo para silipin kung sino ito. And she was greeted by a set of familiar dark eyes.

"E-Ethan? Ano'ng—" hindi na natapos ni Raen ang sasabihin dahil bigla na lang siyang itinulak nito pasandal sa pinto. And that's when she saw it. There was a gun right beside her face.

"'WAG KANG gagalaw," that was the muffled order of the man.

Noon lang narealize ni Raen na tanging ang mga mata lang nito ang makikita. Natatakpan na ang iba pang parte ng mukha nito. Pero sigurado siyang si Ethan iyon. He could cover up his face but Raen will never forget his eyes.

Then suddenly, Raen heard a beep. Tunog iyon ng electronic door sa locker room. Sapat na iyon para matauhan siya. Hindi niya kakampi si Ethan.

Nang itulak ni Ethan pabukas ang pinto habang nakasandal parin si Raen doon ay gumalaw na siya. Mabilis niyang hinugot ang sarili niyang baril. Then she aimed it straight at Ethan's heart. At para hindi ito magkamaling isipin na hindi niya magagawang barilin ito ay kinalas na agad niya ang safety.

"Good," komento ni Ethan. Kasabay niyon ay naglakbay pababa ang tingin nito. Raen was suddenly very, very aware of her state of undress. She even felt her body gave an involuntary shudder as Ethan's eyes traveled down the length of her body.

"I learned from the best." Pinilit niyang patatagin ang tinig.

Ngunit sa pagkagulat ni Raen ay bigla na lang bumulong si Ethan. "Hindi ako nagpunta dito para saktan ka."

Raen immediately scoffed. "Wala ka na bang ibang dialogue? Narinig ko na 'yan dati eh."

Hindi nito pinansin ang kanyang panunuya. "Sumama ka sa akin, Raen." Tumaas ang kilay ni Raen. "Gusto lang kitang makausap," dugtong ni Ethan.

"Tungkol saan?"

"Marami tayong kailangan pag-usapan," pagkatapos ay nagpalinga-linga sa paligid.

"Sa tingin ko ay nakalagpas na tayo sa stage na kailangan pa nating mag-usap, Ethan."

"I'll beg if I need to, Raen," puno ng determinasyong wika ni Ethan. Muntik nang bumigay si Raen doon. But she was a lot stronger now. Hindi na siya basta-basta madadala na lang ng mga salita nito.

"I don't think so."

Tila naman nauubusan na ng pasensiyang nagpakawala ng hininga si Ethan. "Just come closer. Hindi kita sasaktan." But right after he said that, Raen watched him aim his gun at her head. Napasinghap si Raen nang mapagtanto niyang intensyon ni Ethan na magpaputok.

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon