29.2

3.9K 157 2
                                    

"BAKIT dinaanan mo pa ako? Kaya ko namang magpunta ng mag-isa sa kung saan mang restaurant magpapakain sina Kuya Luke at Myka. Tagaytay lang naman yun," inis na wika ni Raen nang nasa biyahe na sila ni Jared.

"Invited din ako sa dinner kaya isinuggest nila Tito Abel at Tita Rose na isabay na lang kita."

Napapabuntong-hiningang hinarap ni Raen ang nagmamanehong si Jared. "Magkalinawan nga tayong dalawa, Jared? I'm sure some girls like the nerdy type that you're going for. Pero hindi ako kasama sa mga 'yun. Hindi kita type."

"Wow naman," natatawang wika ni Jared na tinapunan pa siya ng tingin. "Para nagmamagandang loob lang 'yung tao napagkamalan pang—" hindi na nito itinuloy ang sinasabi at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho habang umiiling-iling.

"Gusto ko lang na linawin—"

"It's okay, Raen. You don't have to explain."

"Good."

"But if it makes you feel any better, gusto ko lang ipaalam sa'yo na mali talaga ang iniisip mo. I work for your parents."

"Ha?" napatingin nanaman si Raen kay Jared.

"I'm not gonna explain anything else. Basta kilala mo naman ang mga magulang mo. Use your imagination," nakangising sagot ni Jared.

Ngumiti na lang din si Raen saka nag-iwas ng tingin. Wala naman talaga siyang pakialam kung ano ang ibig sabihin ni Jared. Napagtanto niya na lately ay parang hindi na ganoon kalaking bagay sa kanya na may mga questionable na bagay na ginagawa ang mga magulang niya. Tanggap na niya ngayon kung ano sila at anong klase ng pamilya ang mayroon siya.

"Nandito na tayo," maya-maya ay anunsiyo ni Jared.

Napalalim yata ang pag-iisip ni Raen. Hindi niya namalayan na mahigit isang oras na din pala silang nasa byahe.

Tahimik na bumaba na lang sa kotse si Raen. Nang ilibot niya ang paningin sa paligid ay saka lang niya napansin na hindi pala isang restaurant ang pinuntahan nila. Sa hula niya ay isa iyong private villa na pinapaupahan. Simple lang ang landscape sa harap ng villa. Para iyong Greek-inspired dahil puting-puti ang kabuuan ng villa.

"Raen, dito tayo dumaan."

Wala sa sariling sumunod lang si Raen kay Jared. Dumaan sila sa isang mahabang walkway na napapalibutan ng makukulay na bulaklak. Para bang iyon na ang nagsisilbing kulay sa napakaputing bahay na iyon. Sa dulo ng walkway ay may maliit na garden na naiilawan ng maliliit na lanterns.

"Raen, nandito ka na pala," salubong ni Mama Rose na hindi alam ni Raen kung saan nanggaling.

Nang lingunin ni Raen si Jared ay wala na ito sa tabi niya. Pagbaling niya sa mama niya ay katabi na nito si Myka.

"You're just in time," atubiling wika ni Myka saka hinawakan ang kamay ni Raen. "Tara na para matapos na ito."

"Ang alin?"

Pero hindi nila sinagot ang tanong ni Raen. Basta na lang siyang hinila ni Myka patungo sa gitna ng garden.

"Dito ka lang," utos ni Myka saka naglakad palayo.

Nang muling ilibot ni Raen ang mata sa paligid ay wala na doon ang mama niya. Sa katunayan ay nag-iisa na lang siya doon. Natigil siya sa pagmamasid sa paligid nang maramdaman niya ang presensiya ng isang tao sa likuran niya. Pagkatapos ay nagsalita ito.

"Hello, Raen."

Nanigas sa kinatatayuan si Raen. Kilalang-kilala kasi niya ang boses na iyon. Pero ayaw niyang umasa kaya ipinikit niya ang mga mata at umiling-iling. "If this is a dream, I want to wake up right now."

~~~

Yes, tama ang hula nyo. hehe!

Don't forget to vote and share this to your friends!

- Kensi

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon