BATA PA lang si Raen ay alam na niyang hindi isang ordinaryong pamilya ang pamilya niya. Maraming pagkakataon noon na naisip niyang parang hindi naman nagpapalaki ng anak ang mga magulang niya. It was like they were raising a warrior and not a daughter. At mas lumala pa iyon nang mawala ang Kuya Adam niya. Pero para kay Raen ay hindi pa patay ang Kuya Adam niya.
"May kayamanan ba diyan?"
Awtomatikong hinawakan ni Raen ang baril na nasa bulsa. Paglingon niya ay nakita niya si Ethan na nakatayo sa bukana ng employee's locker room. He looked really imposing and dangerous when he stood like that
"Ethan." Mabuti naman at narito pa pala ito. She really wanted to talk to him.
"Good evening, Raen," nakangiting bati ng binata saka tinungo ang sarili nitong locker.
Hindi sumagot si Raen. Pinanood lang niya ang pagbubukas ni Ethan sa sariling locker.
"Hindi mo na sinagot ang tanong ko," maya-maya ay wika ni Ethan saka tinapunan siya ng tingin. Huling-huli nito ang ginagawa niyang pagmamasid.
Napapahiyang umiwas si Raen at tumikhim. "Anong tanong?"
"May kayamanan ba diyan?"
Alam ni Raen na ang locker niya ang tinutukoy ni Ethan. Tatlong lock kasi ang inilagay niya doon dahil may mga itinatago siyang importanteng bagay doon tulad na lang ng kanyang baril at emergency cash.
"It's none of your business," pagtataray ni Raen na ipinagkibit lang ni Ethan ng mga balikat. Sa totoo lang ay hindi pa siya nakakapagdesisyon kung saang kategorya ilalagay si Ethan. Was he a friend or a foe?
That's the million peso question, wasn't it, Raen? wika niya sa isip habang pinapanood si Ethan sa ginagawa nitong pag-aayos ng gamit sa loob ng locker nito.
"Sino ka ba talaga, Ethan?"
Nang lumingon sa kanya si Ethan ay saka niya napagtantong naisatinig pala niya ang tanong na iyon.
Dahan-dahang isinara ni Ethan ang locker nito saka pasimpleng sumandal doon. "I'm just a guy who is trying to do his job," kaswal na sagot ng binata.
Bigla ay nainis si Raen na mukha itong relaxed na relaxed habang siya ay puno ng tensiyon. "Iyan ba ang ginagawa mo dito? Nagtratrabaho?"
Balewalang nagkibit ng mga balikat ni Ethan. "Oo naman."
"Hindi ang pagpasok mo bilang vet technician dito sa clinic ang tinutukoy ko. I was talking about you pretending to be an ordinary vet technician." Parang ang gulo yata ng sinabi niya. "I mean—"
"Alam ko kung ano ang ibig mong sabihin, Raen. At oo parin ang sagot ko. Trabaho lang ito."
"Sinasabi mo bang trabaho mo ang magpanggap—"
"Wala akong sinasabi o inaaming nagpapanggap nga ako."
"Pero hindi ka rin naman tumatanggi."
Tila bored na nagkibit-balikat lang si Ethan. Lalo tuloy nainis si Raen. Siguro ay dapat na siyang umiba ng taktika.
"You know, you asked for this," wika niya saka inilabas ang baril at itinutok sa dibdib ni Ethan. Pero ni hindi man lang nagreact ang binata. Ni hindi nga nito tinapunan ng tingin ang baril. He just continued looking at her with a smug expression on his face that Raen wanted to erase so badly.
"Sigurado ka bang gusto mong gawin natin ito, Raen?" tila nanunuyang tanong ni Ethan na sinagot naman ni Raen ng matamis na ngiti. "Dapat sigurado ka talaga."
"What the hell do you think?" hindi na nagawang itago ni Raen ang kanyang frustration.
"Hmm," at sa isang iglap ay nakalapit na si Ethan kay Raen. "Kung gagawin talaga natin ito, then we need to do it properly."
Hindi nakagalaw si Raen nang biglang haplusin ni Ethan ang kamay niya. Ang akala niya ay aagawin nito ang baril. Pero iginalaw lang nito ang kanyang kamay para nakatutok sa dibdib nito doon mismo sa tapat ng puso ang baril. Kasunod niyon ay may pinindot ito sa baril. Agad naman niyang narinig ang pagkalas ng safety ng baril.
"There, that's more like it." Pagkatapos ay umatras ito at pinagkrus ang mga braso sa harap nito.
Wait, what the hell was that? Napakunot ang noo ni Raen habang pinagmamasdan si Ethan. "You're not taking me seriously."
"Tinututukan mo ako ng baril, Raen. There's no way I'm not taking you seriously."
"Then you're mocking me."
"I'm not mocking you. Tinuturuan lang kita. Sa susunod na pumasok ka sa ganitong sitwasyon, siguraduhin mo na nakatutok sa puso ang baril o kaya naman ay sa ulo, sa pagitan ng mga mata. At kahit pa hindi mo talaga intensiyon ang magpaputok, once na itinutok mo na ang baril na yan, dapat ay hindi na naka-on ang safety."
Napapakunot noong inintindi ni Raen ang sinasabi ni Ethan. Hindi dahil itinatanim niya sa isip ang mga sinabi nito. Kundi pilit niyang iniintindi kung ano ang ibig sabihin ng gesture na iyon. Dahil sa totoo lang ay matagal na niyang alam ang mga sinabi ni Ethan. Pamilyar na iyon sa kanya dahil ganoon ang itinuro sa kanya ng mga magulang niya.
"Bakit mo ginagawa ito, Ethan?"
"Kung hindi mo din naman papuputukin ang baril na 'yan, mabuti pang itago mo na lang."
Alam ni Raen na dine-dare siya nito. Pero kahit pa gusto niyang gawin ang dare ay hindi niya magagawa dahil nagfreeze na siya doon habang nakikipagsukatan ng tingin kay Ethan.
"Raen."
Natatarantang iniangat ni Raen ang baril upang itutok sa noo ni Ethan. Sa pagitan ng mga mata nito na tulad ng sinabi nito kanina. "Stay. Right. There." May diin ang pagkakasabi niya sa bawat salita.
Pero hindi siya pinansin ni Ethan. Nagpatuloy lang ito sa paghakbang hanggang sa halos magdikit na ang baril at ang mukha nito. "Alam kong natatakot ka."
"Wala kang alam sa nararamdaman ko."
"You know," sandaling tumigil si Ethan. Iniiwas nito ang ulo mula sa baril pagkatapos ay yumuko para magkatapat ang mga mukha nila. "I don't normally use the word never but... I will never hurt you." May diin ang pagkakasabi nito sa salitang never. "At least, not deliberately."
"How do I know you're telling me the truth?" pabulong na tanong ni Raen. Pakiramdam niya ay naubusan na siya ng energy para lakasan ang boses.
"You don't," walang emsoyong wika ni Ethan. "You just have to trust my word for it."
Sarkastikong ngumiti si Raen. "You're not exactly giving me a good reason to trust you."
Nanatiling tahimik si Ethan.
"Just give me something I can believe, Ethan," may halong pagsusumamong bulong ni Raen. "Anything."
Mukhang tinablan naman si Ethan. Sandaling nakitaan niya ng concern ang mukha nito. Pero mabilis din iyon nawala. "I can't, Raen. I'm sorry."
Napailing-iling si Raen. "Let me get this straight. Gusto mong maniwala ako sa mga sinasabi mo pero hindi mo naman ako gustong bigyan ng dahilan para gawin iyon. You know, you can't just come here, say these impossible things, and expect me to immediately trust you."
"I just did, Raen."
"Pero—"
"I wish the answers to your questions are as simple as what they seem. Pero kailan ba naging simple ang mga sagot? Most of the time, answers just lead to more questions." Iyon lang at bigla na lang lumayo sa kanya si Ethan at lumabas ng locker room.
Ah, damn! Nagdadabog na muling ini-on ni Raen ang safety ng kanyang baril pagkatapos ay ibinulsa iyon. D-in-ouble check niya ang mga lock sa kanyang locker saka sumunod na din kay Ethan palabas. Pero hindi na niya ito naabutan pa.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
