"THIS is Maya checking in. I'm moving into position," narinig ni Raen na wika ni Myka mula sa headset na ibinigay sa kanya ni Robbie.
Kasalukuyang naroon si Raen sa operations center ng STAID kasama sina Gideon at Robbie. She was amazed at the high-tech computer system that Robbie was operating. Sa harap nila ay may floor-to-ceiling na touchscreen. Kasalukuyang nakatayo sa harap niyon si Gideon at minamanipulate ang blueprint ng building.
"This is Luke. I'm in position."
"Jared here. Already in position."
"Striker and Starlight checking in. We're just around the corner."
"Stone. In position."
"This is Ryder. I'm ready to go in. Do you copy, Rob?"
Napalingon si Raen kay Robbie na abalang-abala sa pagtatype. "Stand by, Ryder." Pagkatapos ay nagpatuloy ito sa pagpipindot. Then finally, he snapped his hand. "And we're in. It's showtime." Pagkasabi niyon ay nakangiting sumandal na si Robbie sa swivel chair nito. Nang tila mapansin nitong nakatingin siya dito ay ngumiti ito. "We're live," sabi nito kay Raen saka itinuro ang malaking touchscreen sa harap nila. Nanlaki ang mga mata ni Raen nang makita na puno na iyon ng mga video feeds.
"Zoom in on Ryder," utos ni Gideon.
Pigil ni Raen ang hininga habang pinapanood ang video feed kung saan ipinapakita na naglalakad si Ethan papasok sa isa sa mga opisina sa building na iyon. Natatandaan ni Raen na nabanggit ni Ethan na isa iyong office building sa umaga at ang may-ari ng building ay isa sa mga associates ni Fred na ngayon ay nakakulong na sa isang high-security prison. Ginagamit kasi ng may-ari ang building na iyon bilang headquarters ng money laundering business nito. It was Ethan who provided the necessary proof to pin down the man. Pero syempre hindi nila pwedeng isiwalat iyon. Up until now, another branch of the police force is taking credit for it.
"Masama ang kutob ko dito, Ryder," biglang wika ni Gideon. "Sigurado ka ba talaga?"
"Affirmative," tanging sagot ni Ethan. And then Raen heard some static noise.
"Narinig mo 'yun?" tanong ni Raen na inalis ang suot na headset.
Si Robbie ay agad namang gumalaw. Nagpipipindot ito sa keyboard at may kung anu-anong windows na puno ng codes ang lumabas sa malaking screen sa harap nila.
"I'm picking up an alien signal," anunsiyo ni Robbie.
"I see something," anunsyo ni Luke.
"Ano 'yun?" kalmadong tanong ni Gideon.
"May mga anino sa kabilang building," sagot ni Luke.
"Affirmative," biglang singit ni Jared. "Nakikita ko din ang mga aninong 'yun sa side ko."
"Shit," si Myka iyon. "We have gatecrashers."
"Do we know them?" tanong ni Gideon.
"I can't confirm," sagot ni Myka.
"Hindi ko na nagugustuhan ito," singit ni Robbie.
"Bakit?" agad namang tanong ni Raen.
"Someone is hacking on my hack."
"Ano?" naguguluhang tanong ni Raen.
"May naki-hitch sa hack ko. Damn!" Then Robbie started to type more furiously.
"I got them," wika ni Myka. "I have a clear shot. Do you want me to take it?"
"Not yet, Maya," wika ni Gideon. "Kailangan muna nating malaman kung sino sila."
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AzioneHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
