19.2

3.5K 102 3
                                        

NAKARATING sina Myka at Raen sa isang mahabang hallway. Sa pinakadulo niyon ay may isang pinto. Pero hindi sila pumasok doon. Sa halip ay hinila siya ni Myka upang tumayo sa gilid ng isang painting habang ito naman ay pumwesto sa tapat niyon.

"Diyan ka lang," utos ni Myka saka may kung anong pinindot sa ilalim ng frame ng painting. Bigla na lang ay gumalaw ang painting. And in an instant, a hidden door beside the painting was opened.

"Halika na."

Napatango na lang si Raen saka namamanghang sumunod kay Myka. Muntik pa siyang bumunggo dito nang bigla itong tumigil sa bukana ng maliit ng kuwartong pinasukan nila.

"Bakit ka nandito, Robbie?"

Napabaling si Raen sa direksiyong tinitignan ni Myka. Nakita niya doon si Robbie na nakaupo sa harap ng ilang computer monitors.

"You're banned from this place, Robbie. As a matter of fact, suspended ka, hindi ba?" pagpapatuloy ni Myka. Pero ni hindi man lang natinag si Robbie. Nagpatuloy lang ito sa pagtatype sa keyboard na nasa harap nito. "Robbie—"

"I'm almost done," wika ni Robbie saka nagpatuloy sa pagpipindot.

"Damn it, I don't want to hurt you but—"

Hindi pa man nakakalapit si Myka ay bigla na lang tumayo si Robbie. "Done!"

Pero hindi ito pinayagan ni Myka na makadaan. "Ano'ng ginawa mo sa mga computers?" Nang hindi agad sumagot si Robbie ay itinulak ito ni Myka sa pader at idiniin doon.

Sinubukang pumagitna ni Raen sa dalawa. "Ate Myka, 'wag—"

"Stay out of this, Raen. He can't be here. He's suspended."

"Bakit?" tanong ni Raen.

"Siya ang nag-inject sa'yo ng tracker."

"Pero akala ko ba utos iyon ng boss niyo," naguguluhang wika ni Raen.

"Kapag wala si Gideon, si Stone ang boss ng STAID." Pagkatapos ay tumingin si Myka kay Raen. "At kahit pa hindi ganoon ang sitwasyon, it doesn't change the fact that Robbie put you at risk." Ibinalik na nito ang tingin kay Robbie. And he was treated with Myka's dangerous voice. "And I just realized I don't like it when someone puts my family at risk."

Raen's heart swelled at Myka's words. Naiintindihan niya ang pakiramdam na ayaw niyang malagay sa panganib ang kahit na sinong miyembro ng pamilya niya. Kaya hindi niya masisisi si Myka sa reaksiyon nito.

Mabuti na lang at sumagot na din si Robbie. "I'm just following another order."

"From Gideon again?"

Tumango si Robbie. "Gusto niyang makatanggap ng pruweba na nandito nga sa HQ si Ryder."

"Sigurado kang 'yun lang ang ginawa mo?" Tumango uli si Robbie. "I swear to you, Robbie, if you did anything else—"

"I will never betray STAID, Myka. I value STAID as much as I value my life. But my loyalty will always be to Gideon."

Damang-dama ni Raen ang tensiyon sa pagitan nina Myka at Robbie. Kahit pa gusto sana niyang mamagitan muli ay naiintindihan niyang kailangan nilang iresolba ito ng sila lang. Kaya nanatili siyang tahimik. Pagkalipas ng ilang segundo ay tumango na si Myka at binitiwan si Robbie. Tumango din si Robbie saka walang imik na lumabas.

"Dito tayo, Raen," wika ni Myka saka iginiya si Raen sa kinapupwestuhan ni Robbie kanina.

Malakas na napasinghap si Raen nang makita kung ano ang nakaproject sa mga monitors. Puro si Ethan ang laman ng mga iyon. Iba-iba lang ang anggulong pinanggagalingan ng bawat camera. Biglang nanlambot ang mga tuhod niya sa itsura nito. Nakasuot ito ng pantalon pero wala na itong damit pang-itaas at sapatos. Kitang-kita tuloy ang mga pasa sa katawan nito. A fresh trail of blood was even oozing down from his right temple. Ang bibig nito ay duguan din.

"Ano'ng nangyari sa kanya?"

Nagkibit lang ng mga balikat si Myka. "The boys had fun with him, I guess."

"Ano?"

"Nakita mo na siya. Umalis na tayo dito."

"Ate Myka—"

"No more favors, Raen. Ubos na ang lahat ng pabor na pwede mong hilingin sa akin." Matigas ang pagkakasabi doon ni Myka.

Alam ni Raen na sobra na nga ang hinihingi niya dito. Pero hindi niya mapigilan ang sarili. "No more favors. Pero pwede ba akong magtanong?"

Makalipas ang ilang sandaling pagtitig sa kanya ay tumango na din si Myka. "But I can't promise that I will be able to answer all your questions."

"Fair enough." Tumango si Raen pagkatapos ay itinuro si Ethan sa isang monitor. "Bakit naka-chain siya sa sahig?"

"That's standard procedure for guys like him."

Tumango lang si Raen. Naiintindihan na niya ang ibig sabihin ni Myka sa pagtukoy nito kay Ethan ng ganoon. "What's gonna happen next?"

"I-interrogate siya ni Stone."

"Kailan?"

Sumilip muna si Myka sa relo bago sumagot. "Bukas ng gabi."

"Bakit bukas pa?"

"It's just how we do it, Raen. You don't really want to know the sordid details of interrogation. Halika na, umalis na tayo dito."

Nang hawakan siya ni Myka sa braso ay pumiksi siya. "But I want to know. Ipaliwanag mo sa akin, Ate Myka," nagsusumamong wika ni Raen.

Sumusukong humugot ng malalim na hininga siMyka bago sumagot. "Ryder isn't easy to break. We're hoping that he would be easier to deal with when he's hungry, thirsty, and in pain."

Napasinghap si Raen.

"Winarningan kita kanina, Raen. Sinabi kong hindi mo magugustuhan ang mga maririnig mo. And I don't want to lie to you. Kung anuman itong sa tingin mo ay nararamdaman mo para sa kanya, you better start getting rid of it."

"Ate—"

"I mean it, Raen. Kapag nalaman pa ng kuya mo at ni Stone ito," umiling-iling si Myka. "I can only imagine what they would do to him. At 'yang nakikita mong itsura niya ngayon, dahil 'yan sa'yo."

"Ano?"

"Tinutukan mo ng baril si Stone dahil sa kanya. They think Ryder brainwashed you."

Lalo pang sumama ang pakiramdam ni Raen sa nalaman. "Pagkatapos ng interrogation, ano ang susunod na mangyayari?"

"Hindi ko alam. Depende 'yon sa kalalabasan ng interrogation."

Right then, Raen made up her mind. "I want to watch the interrogation."

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon