GUSTONG iuntog ni Raen ang ulo sa pinto habang isinasara iyon. Hindi na niya maalala kung ano ang sinabi niya bilang paalam bago siya lumabas sa opisina ni Dr. De Jesus. Basta sigurado siyang nakakahiya iyon. At kasalanan iyon ni Ethan. There's just something about him that made her nervous.
"Doc Marasigan?" Nabosesan agad ni Raen si Ethan. "Pwede ba kitang makausap?"
"Tungkol saan?"
Ngumiti si Ethan at agad na nahigit ni Raen ang hininga. Kahit kailan ay hindi siya naging conscious sa itsura niya. Pero habang pinagmamasdan siya ni Ethan ay parang bigla ay gusto niyang ayusin ang kanyang buhok at suot na scrub suit.
"Yes?" hindi na itinago ni Raen ang pagkainip.
"Well, actually, Doc—I mean, Raelyn, gusto ko lang naman na..."
Pero parang hindi na naririnig ni Raen ang mga sumunod na sinabi nito. Tila nawalan na siya ng kakayahang mag-isip pagkatapos marinig kung paano banggitin ni Ethan ang kanyang pangalan. The way he rolled the "R" in his tongue made it seem like he growled her name.
Oh my God, Raen. Animals growl, people don't.
Shit! Naalarma na si Raen sa mga iniaakto at iniisip niya. Kung hindi pa niya naamoy ang pabango ni Ethan ay hindi pa niya marerealize na nasa kalagitnaan sila ng hallway at nakapatong na ang isang kamay nito sa pader na kinasasandalan niya.
"Okay lang ba, Raelyn?"
Damn it! Kailangan na talagang tigilan ni Ethan ang pagtawag nito sa kanya ng Raelyn. "Raen na lang," nasabi na niya bago pa niya mapigilan ang sarili. "Parang English ng ulan."
"Raen," mahinang wika ni Ethan na para bang tinetesting nito ang tunog ng pangalan niya sa mga labi nito. "Ano ang masasabi mo sa request ko sa'yo?"
"Request?"
"I really want to maximize my training here. Kung okay lang sa'yo ay gusto ko sanang i-request na mag-assist sa'yo hanggang sa matapos ang kontrata ko." Sinamahan pa iyon ni Ethan ng isang tipid na ngiti.
Noon napansin ni Raen na may maliit na peklat si Ethan sa gilid ng labi nito. Mukhang messy ang peklat na iyon na para bang ilang beses na iyong nalagyan ng stitches. Naalis lang sa mga labi ni Ethan ang tingin niya nang muli iyong gumalaw. Ah shit! "Ahm, bakit sa akin?"
"You're one of the best." Parang masyadong praktisado ang sagot ni Ethan kaya pinagtaasan niya ito ng kilay. "Si Dr. De Jesus ang nagsuggest."
"Oh, okay."
"Great, thanks, Raen. I-a-announce na ni Dr. De Jesus ang tungkol doon mamaya sa meeting."
"Teka, kung i-a-announce na pala ni Dr. De Jesus, ibig sabihin ay approved na iyon. Bakit tinatanong mo pa ako?"
Nagkibit ng mga balikat si Ethan. "I just wanted to show the courtesy of personally asking you at least." Pagkatapos ay umalis na ito. Naiwan tuloy si Raen na pinapanood ang confident na paglalakad nito patungo sa employee's lounge.
NANG sumunod na araw ay muntik nang tumakbo palabas ng P&C si Raen nang mabungaran niya ang ayos ng kanilang reception area. Ibang-iba kasi ang itsura niyon. Kung hindi lang niya nakita ang nakangiting mukha ni Kelly ay baka naisip na niyang ibang clinic ang napasukan niya.
"Ano'ng nangyari dito?" tanong niya kay Kelly.
"Kagagawan ni Ethan." Iginiya pa ni Kelly ang kabuuan ng reception area habang nagsasalita. "It looks good, right?"
Wala sa sariling tumango si Raen. Nang muli niyang ilibot ang paningin sa paligid ay saka niya napansin na ganoon pa rin naman ang ayos ng ibang gamit doon maliban lang sa mga pader. Naiba na ang pagkakaayos ng mga posters, certificates, at mga display na nakasabit sa mga dingding. Mas nagmukhang kaaya-aya na ang pagkakaorganisa ng mga iyon ngayon.
"He volunteered to arrange it."
"Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Raen.
"Yes, really," sa halip na ang boses ni Kelly ang marinig ay isang baritonong boses ang narinig ni Raen na sumagot. "Good morning, Raen," Ethan added in that somewhat husky voice of his.
Napakunot noo si Raen. Kailan pa siya nagsimulang magdescribe ng mga boses? At kailan pa nasama sa regular vocabulary niya ang salitang "husky"?
Something flashed in Ethan's eyes. "It's okay if I call you Raen, right? Sinabi mo naman kahapon na iyon na lang ang itawag ko sa'yo."
Na-misinterpret yata nito ang pagkunot niya ng noo. Kaya tumango siya at sinubukang ngumiti. "Oo, pwede mo akong tawaging Raen. Sorry, I wasn't frowning at you."
Ngumiti si Ethan at pakiramdam ni Raen ay nagkaroon ng shortage ng neurons ang utak niya. Kaya bumaling na lamang siya kay Kelly at ito ang kinausap. "I'm ready to start my day. What do you have for me, Kelly?"
Mabilis namang tiningnan ni Kelly ang appointment calendar. Pagkatapos ay naghalungkat ito sa mga folders na nakapatong sa desk. Maya-maya pa ay nakangiting iniabot na ni Kelly kay Raen ang isang folder. "Heto, Raen, si Ethan ang mag-a-assist sa'yo. From what I understand, siya ang mag-a-assist sa'yo sa buong buwan."
"Yes," was all Raen could say.
"It's a German shepherd," imporma sa kanya ni Kelly. "Malaking German shepherd na nagtatantrums. May nakain daw yatang hindi dapat."
Hindi natatakot si Raen sa isang German shepherd kahit pa malaki iyon at nagtatantrums. Naniniwala siyang lahat ng hayop ay may gentle nature. Isa pa ay kaya niyang i-handle ang sarili sa kahit anong mapanganib na sitwasyon. Pero siyempre ay hindi naman niya pwedeng sabihin iyon. Kaya tumango na lang si Raen at binuklat ang folder.
"Sa consultation room three tayo," tipid na wika ni Raen pagkatapos bigyan ng mabilis na sulyap si Ethan. Gusto sana niyang mauna na doon sa consultation room. Pero hindi normal iyon para sa kanya. Kilala kasi si Raen na friendly at accomodating. Siguradong magtataka si Kelly kapag bigla na lang niyang iniwan si Ethan doon. Isa pa, si Kelly na yata ang pinakatsismosang taong nakilala niya. Ayaw ni Raen na may makita itong katsismis-tsismis na eksena sa pagitan nila ni Ethan.
Nang sumabay sa paglalakad niya si Ethan ay parang biglang gustong magsisi ni Raen. She could only describe him as tall, dark, and brooding. Nang sandaling sumulyap siya dito ay nakita niyang tila napakalalim ng iniisip nito. Pero mabilis din iyong nawala at napalitan ng isang ngiti. Pagkatapos ay yumuko si Ethan at inilahad ang kaliwang kamay sa harap niya.
"After you," Ethan said charmingly. Kasabay niyon ay biglang nakitaan ni Raen ng kakaibang talim ang mga mata nito. So no, she was not really fooled by his smile, kahit pa gaano ka-charming iyon. Not even for a second.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
