KAILANGAN nang umalis ni Ethan. Pero hindi naman siya ganoon ka-iresponsable para basta na lang mawala. Kaya pagkalabas sa consultation room ay agad na hinanap at kinausap niya si Dr. De Jesus. Pinalabas niya na nagkaroon ng mix-up sa kanyang agency na siyang dahilan kaya hindi siya na-inform agad sa pagbabago ng kanyang schedule ng pag-alis. So Ethan Ablaza would be expected to leave for the Middle East the following morning.
"Ethan, kanina pa kita hinahanap."
Napapikit si Ethan nang marinig ang boses ni Raen. Sinigurado muna niyang wala itong makikita sa kanyang mukha bago siya humarap. "Hinahanap din kita."
Ibinuka na ni Raen ang bibig para magsalita nang marinig ni Ethan ang tunog ng pagbubukas ng pinto. Sabay pa silang napalingon ni Raen sa pinanggalingan ng tunog. Si Chester pala iyon na palabas sa isang consultation room. Natigilan ito nang makita sila ni Raen na nakatayo sa hallway. Agad na nakilala ni Ethan ang tinging ibinigay ni Chester sa kanila. Call him a jerk but he was not going to let this opportunity pass by without putting Chester in his place. Kaya naman pasimpleng inilapit ni Ethan ang katawan kay Raen. Sinigurado din niyang kitang-kita ni Chester ang maingat na pag-alalay niya kay Raen.
"You didn't have to do that," maya-maya ay wika ni Raen.
"Do what?" kunwa ay tanong ni Ethan.
"I'll still be working here with him even after you're gone."
Hindi nagkomento si Ethan. Nagpatuloy lang siya sa pag-alalay kay Raen hanggang sa makarating sila sa locker room.
"Bakit tayo nandito?"
"May ibibigay ako sa'yo." Pagkasabi niyon ay tinungo ni Ethan ang kanyang locker. Inilabas niya mula roon ang isang body strap. Ethan had it custom made for Raen.
"Ano 'yan?" tanong ni Raen mula sa kanyang likuran.
"Para sa'yo," sagot ni Ethan saka iniabot dito ang body strap. "It's for your gun. Para hindi mo na kailangang iwan iyon sa locker mo."
Napakunot ang noo ni Raen. Halatang naguguluhan ito sa iniaakto niya. Pero umakto lang si Ethan na parang normal lang sa kanya ang nagbibigay ng body strap.
"Try it on." Si Ethan na mismo ang nagpatong niyon sa mga kamay ni Raen. Pero pinakatitigan lang nito ang hawak na body strap. "Ano pa ang hinihintay mo? 'Wag mong sabihing gusto mo pang tumalikod ako?"
Pinanlakihan siya ng mga mata ni Raen pero hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataon para magsalita. Basta na lang siyang tumalikod at nagsalita. "Come on, Raen, wala namang mangyayaring masama kung isusuot mo 'yan."
Narinig pa ni Ethan ang tila sumusukong pagbuntong-hininga ni Raen bago niya narinig na gumalaw ito.
"Suot ko na."
Agad na humarap si Ethan. "How does it feel?" tanong niya habang inuutusan ang sarili na 'wag pagmasdan ang katawan ni Raen. He didn't know that she was hiding that kind of body under that shapeless scrub suit. Naka-tank top lang kasi ito ngayon kaya kitang-kita ang well-toned na katawan nito.
Yumuko si Raen habang ini-inspect ang body strap na suot. "It fits perfectly. Paano mo nalaman ang size ko?"
"I know everything about you."
Biglang napaangat ang tingin ni Raen at nagkasalubong ang kanilang mga mata. Pagkatapos ay sabay pa silang napakunot ang noo.
Damn! Napapamurang umatras si Ethan. "Forget I said that." Nag-iwas nanaman siya ng tingin. Damn it to hell! He wasn't going to forget years of experience just because there was a half-naked woman in front of him. Teka, hindi naman half naked si Raen ah. Suot pa rin ni Raen ang pantalon ng scrub suit nito at ang tank top naman nito ay hindi ganoon ka-revealing. But damn it, it wasn't enough to hide the fact that Raen's body looked like it had been built for men's fantasies.
"Ethan—"
"Get your gun and put your scrub shirt back on."
Lalo namang kumunot ang noo ni Raen. "If you know everything about me, then you should also know that I don't like being ordered around." Pero sinunod pa rin naman nito ang sinabi ni Ethan.
"Don't ever take that off. Wala akong pakialam kung hindi yan komportableng isuot. Pero kahit hanggang pagtulog ay gusto kong suot mo pa rin yan. Kahit habang naliligo ka ay ilagay mo lang 'yan sa lugar na madali mong makukuha."
Tila lalo namang sumama ang ekspresyon ng mukha ni Raen doon. "You sound exactly like my father just now. And I don't mean that as a compliment."
************************
Thank you for reading. You may notice na may kaunting inconsistencies sa mga scenes. That's because this is the raw version. So it's unedited and you may find some typographical and grammatical errors. IStill, I hope magustuhan niyo! And let me know what you think! ☺ Don't forget to vote and share this to your friends. Also, don't forget to follow me!
I hope you can buy the published book.
If that's not your thing, you can still read STAID 1 and 3 here on Wattpad. Here are the links:
STAID 1: https://www.wattpad.com/myworks/21482749-staid
STAID 3: https://www.wattpad.com/story/55323895-s-t-a-i-d-3
Don't forget to vote, ayt? ♥
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AksiHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
