MALAKAS na tumawa si Gideon. Nakakunot noo namang pinanood lang ito ni Raen. Pagkatapos ay para bang noon lang siya nito napansin. "You must be the lovely daughter." Binigyan ito ni Raen ng blangkong tingin. "Ah, I see, nakuha mo 'yan kay Starlight. Gideon Samonte at your service." Then the man smiled and Raen never thought a smile could be that scary.
Nakakatakot talaga ang ngiti ni Gideon Samonte. Awtomatikong humakbang si Raen palapit kay Ethan. He still made her feel safe. At kung tama ang pagkakaintindi niya sa mga sinabi ng papa niya kanina ay hindi ito isa sa mga masasamang tao. Halatang napansin ni Gideon ang paggalaw ni Raen. Wala itong pinakitang reaksiyon pero mataman siya nitong pinag-aralan bago bumaling kay Ethan.
"Tinkerbell?" biglang singit ni Stone na nakalapit na sa kanila.
Sa gilid ng mga mata ni Raen ay nakita niyang naupo sa isang mahabang sofa ang kanyang mga magulang. Tila relax na relax ang mga ito. Ang Kuya Luke niya at si Myka ay nakaantabay lang sa isang tabi. Mukhang handang-handa ang mga ito na back-up-an si Stone kung kinakailangan.
"Ah, Tinkerbell," tanging wika ni Gideon saka napapailing na inilibot ang paningin sa paligid. "Bagong ayos lang ang opisina ko ah."
"I will personally fucking clean up your office once we're done with this. Pero sa ngayon ay magfocus muna tayo sa Tinkerbell na 'to, Gideon," halatang naiinip na pahayag ni Stone.
"Well," relaxed na wika ni Gideon bago umikot sa likod ng isang mahabang mesa at naupo sa swivel chair. "Isa iyong code."
"Code? Bakit hindi ko alam ang tungkol doon?" singit naman ni Myka.
"Hindi mo talaga alam iyon dahil anim na tao lang ang nakakaalam tungkol sa code na iyon," sagot ni Gideon.
"Sino-sino?" pagdedemand ni Stone.
"Ako siyempre, those two over there," itinuro ni Gideon ang mga magulang ni Raen. "And the former Agent Rookie."
"Sino pa ang isa?" tanong ni Myka. "Kung isasama si Ryder, lima pa lang ang mga nabanggit mo."
Nakangiting umiling si Gideon. "No, actually hindi kasama doon si Ryder."
"Damn, I thought you were just kidding when you said every conversation with this man was like solving ten puzzles at the same time," si Luke ang nagsabi niyon. Napangiti si Raen sa obserbasyon ng kuya niya.
"Sinabi mo iyon tungkol sa akin?" biglang tanong ni Gideon kay Myka.
Myka looked exasperated. "Pwede bang magfocus lang tayo sa iisang bagay ngayon? Start talking about Tinkerbell, Gideon."
"It's a safe word," seryoso na si Gideon nang sumagot saka bumaling kay Ethan. "And you're not supposed to know about it."
"Bakit? Para kanino ba ang safe word na iyon?" tanong ni Myka.
"Para iyon sa mga magulang ni Ryder. He's a second-generation STAID operative."
"Get on with the more interesting bits. Mas interesado kaming malaman kung paanong nagkaroon ka ng agent na nagtratrabaho para kay Fred," dire-diretsong wika ng papa ni Raen.
Sa halip na sumagot si Gideon ay ipinikit lang nito ang mata at saka huminga ng malalim. "Give me a moment. I just need to savor this for a while longer."
"Is he crazy?" hindi nakatiis na tanong ni Raen kay Myka na sinagot lang nito ng tipid na ngiti.
"No, I'm not crazy," sagot ni Gideon na nagpabalik dito ng atensiyon ni Raen. "Nasabi ko nang para sa mga magulang ni Ryder ang code na iyon. I'm not much of a storyteller so let's just cut the bullshit, shall we?" Pagkatapos ay ngumiti ito. "Thirty years ago I recruited a foreign agent. He was called Raider. At nang mga panahong iyon ay wala pa tayong mga high-tech gadgets na tulad ngayon. Bilang natatanging foreign agent, mayroon siyang handler. Let's just say that he was a reclusive foreign operative and she was the only link he had with STAID. Naturally, they fell in love and Ethan Mercado was born."
"Unfuckingbelievable." Hindi sigurado si Raen kung sino kina Stone at Luke ang nagsabi niyon.
Simula nang magkwento si Gideon ay titig na titig na si Raen kay Ethan. Siguro dahil gusto niyang panoorin ang reaksiyon nito. Pero nang salubungin ni Ethan ang kanyang mga mata ay hindi na siya sigurado kung sino ba talaga ang nanonood kanino. It looked like it was Ethan who was watching out for her reaction and not the other way around.
"Raider was a damned good agent. Probably the most resourceful among us at that time," wika ni Abel.
"And so is his son," hindi sigurado si Raen pero parang may halong pagmamalaki ang pagkakasabi doon ni Gideon. Pero kahit isang sandali ay ni hindi man lang nagreact si Ethan. Nagpatuloy lang ito sa matamang pagtitig kay Raen. And for the life of her, she couldn't seem to tear her gaze away.
"Mukha nga," sang-ayon naman ni Rose.
Kasunod niyon ay tumawa ng malakas si Gideon. Pagkatapos ay hinampas nito ng malakas si Ethan sa balikat. Ang hinampas pa naman nito ay ang injured na balikat ni Ethan. Hindi na nagulat si Raen nang wala siyang makitang reaksiyon mula kay Ethan. Tanging ang pagkuyom ng mga palad nito ang senyales na nasasaktan ito sa ginawa ni Gideon.
"Good job, son!"
"Son?" takang-takang tanong ni Stone.
Sa tabi ni Raen ay biglang humalukipkip si Myka. "So totoo nga? This guy is actually a STAID operative planted in Rookie's network? Gaano katagal na?"
"Ten years," tipid na sagot ni Ethan.
"Wow!" impressed na wika ni Myka. "Wait, hindi ba ten years ka na din sa STAID, Stone?"
Hindi sumagot si Stone. Sa halip ay ang mama niya ang nagsalita. "I'm assuming na si Paula Mercado ang nanay mo. We know her, too. She's such a great asset to STAID. At kung hindi ako nagkakamali ay magkasabay kaming nagbuntis noon. Ako kay Adam at ina-assume ko na buntis naman siya sa'yo."
Lumapit si Myka kay Ethan. "A ten-year undercover operation, huh? I'm impressed." Pagkatapos ay humarap ito kay Stone. "Hindi lang pala ikaw ang golden boy ng STAID. Apparently, there were two of you," pang-aasar nito.
Ngumisi si Stone. "He can have that stupid title for all I care. But apparently, you're not the only codes expert now, are you?"
"I don't have any intention of being a golden boy or a codes expert. Ang gusto ko lang ay tapusin na ito," matigas na pahayag ni Ethan. Agad namang sumeryoso sina Myka at Stone.
"I'm glad that your sunny disposition is still in tact," sarkastikong wika ni Gideon na nagpangiti kay Raen. Nakita yata nito iyon kaya ngumiti din ito. Agad na nabura ang ngiti ni Raen. Nakakatakot kasi talaga ang ngiti ni Gideon.
Nakahinga ng maluwag si Raen nang bumaling si Gideon kina Stone at Myka. Pagkatapos ay nagsimula itong magpaliwanag. "Ang nakita nina Striker at Starlight sa footage ay ang code na dinevelop ng mga magulang ni Ryder."
Lumapit si Gideon sa screen at itinuro ang mga galaw na ginagawa ni Ethan. Ngayong alam na ni Raen na hindi ordinaryong mga galaw iyon ay napagtanto niya na may pattern sa mga iyon. Pati nga ang paghugot nito ng malalim na hininga ay tila bilang na bilang. The slight tilt of his head, the rapid blink of his eyes, the slight twitch of his mouth, and even the occasional rolling of his eyes—they were all perfectly coordinated.
"That's amazing," hindi napigilang komento ni Raen. Sa gilid niya ay parang nakita din niyang tumango si Myka bilang pagsang-ayon.
"Yes, it was," Ethan answered in a soft voice. "Bago namatay ang mama ko ay itinuro niya sa akin iyon. Actually, marami siyang itinuro sa akin." Pagkatapos ay bumaling ito kay Gideon. "Pinapangako niya akong 'wag sabihin sa'yo. At mahigpit din niyang ibinilin sa akin na wag kong basta-basta gagamitin ang mga iyon. Malalaman ko na lang daw kapag kailangan ko na iyon gamitin. And she was right."
Tumango si Gideon. "Indeed, but I'm hoping you have a better reason for being here and risking your cover."
Tumango din si Ethan. Pagkatapos ay sinalubong nito ang mga mata ni Raen. "Alam ko na ang mga sikreto ni Fred. I know how to take him down."
Pero para kay Raen ang katumbas ng mga salitang iyon ay, "Hindi ko hahayaang masaktan ka ni Fred."
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...