11.2

3.6K 104 2
                                        

ETHAN was a master of disguises. Hindi niya iyon basta ibinansag lang sa sarili niya. It was a talent that he worked really hard to perfect. Lalo pa at hindi ganoon kadaling itago ang pagkakaroon niya ng dugong banyaga. Pero pinag-aralan niya ng husto kung paano gagawin iyon. At iyon lang ang dahilan kung bakit malakas ang loob niyang magpunta doon sa Steamy Latte-tude. Iyon din ang parehong coffee shop kung saan sila nagpunta noon ni Raen. Malapit lang kasi iyon sa P&C. At sigurado si Ethan na anumang oras ay darating na doon si Raen. But damn! Alam niyang hindi ito nag-iisa. Mag-iisang linggo na niyang minamanmanan si Raen. At sa buong linggong iyon ay palagi na lang kasama nito ang lalaking nakita niyang kasama din nito noon sa ospital.

"You got everything you need, Raen?" Mula sa earpiece na suot ay narinig ni Ethan na tanong ng lalaking kilala lang niya sa pangalang Stone. Sa screen naman ng kanyang laptop ay kitang-kita niya ang nakangiting pagtango ni Raen. Pero hindi naman iyon ang nakapagpasama sa mood ni Ethan. Kitang-kita kasi sa mga mata ni Raen ang paghanga. Minsan nang nakita ni Ethan ang ganoong ekspresyon sa mga mata ni Raen. And Ethan realized that he didn't like seeing it again on her eyes while she was looking at another man.

"Pwede ba tayong mag-stay dito sandali?" pagkatapos ay tumingin si Raen sa suot na relo. "Maaga pa naman."

"Sure," nakangiting sagot ng lalaki. Pero hindi nakaligtas kay Ethan ang pasimpleng paghagod nito ng tingin sa paligid ng coffee shop.

Sandaling nabahala si Ethan. Para kasing masyadong matalim ang tingin ng Stone na iyon. Pero confident si Ethan na hindi siya nito makikilala. Una sa lahat ay nakasuot siya ng makapal na salamin sa mata. His wig was meant to make him look like he was going bald. Mahaba at makapal din ang balbas niya na kinulayan niya ng kaunting gray. Mukha siyang matanda. Hindi lang iyon, mukha din siyang isang manunulat na busy sa pagtatype sa computer.

Pero hindi naman pagpapanggap lang ang ginagawa niyang pagtatype. Totoong may itina-type talaga siya. It was mostly computer codes. May split screen ang kanyang laptop. Sa kabilang screen ay naroon ang program na ginagamit niya at sa kabila naman ang mga video feeds sa CCTV sa loob ng coffee shop. Matagal na niyang na-bug ang buong coffee shop na iyon kaya malaya niyang napapanood at naririnig sina Raen at Stone.

Speaking of Stone, hindi nagustuhan ni Ethan nang ipatong nito ang kamay sa sandalan ng upuan ni Raen. Para tuloy itong nakaakbay kay Raen. Lalo pang sumama ang mood niya nang magsalita ito.

"Iniisip mo nanaman siya." Ang tono ng pagsasalita ni Stone ay parang napakalalim na ng pagkakakilala nito at ni Raen.

"Sino?" napakainosente ng boses ni Raen nang sumagot. But Ethan knew better.

"Don't try and pretend. Alam mo kung sino ang tinutukoy ko, Raen."

"It's hard not to think about him," sagot ni Raen na may kasamang buntong-hininga.

"Stop, okay?" Wala sa sariling naikuyom ni Ethan ang mga palad nang haplusin ni Stone ang balikat ni Raen. "Stop thinking about the bastard."

Sa talim ng boses ni Stone ay nahulaan agad ni Ethan kung sino ang tinutukoy nito. Was it wrong to smile at the thought of Raen thinking about him?

"Sa pagkakaalam ko ay hindi naman bastard ang tunay na pangalan ni Ethan." 

May kung anong naramdaman si Ethan nang marinig na binaggit ni Raen ang pangalan niya. Para bang na-miss niya iyon. At parang gustong mapangiti ni Ethan. 

"It's Ryder, right?"

Right, forget about the smile then.

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon