RAEN didn't want to be impressed but she was. Para kasing isang napakalaking contradiction ni Ethan. Kagabi nang iligtas siya nito mula sa mga umambush sa kanya, parang ibang tao ang nakita niya. He looked like a thug with his black leather jacket, dark jeans, and fierce expression. Pero ngayong nasa clinic sila ay mukha itong isang kagalang-galang na vet technician.
Nalilito na talaga si Raen. Kaya siguro hindi niya maalala kung paanong nangyaring sabay silang naglunch ni Ethan. At lalong wala siyang natatandaan na pumayag siyang magpalibre dito ng kape pagdating ng break time sa hapon.
"Aw!" daing ni Raen nang mabunggo siya sa mesang malapit sa pinto ng coffee shop.
"I got you." Agad na umalalay si Ethan sa likod ni Raen.
"S-salamat," napapahiyang wika ni Raen.
Nang oras na iyon ay walang kahit na anong malambot o friendly sa ekspresyon ni Ethan. Napaka-intense ng mga mata nito. Pati ang mga labi nito ay determinadong nakatikom. Pero ang lahat ng iyon ay kabaliktaran ng boses nito nang magsalita.
"You're welcome," bulong ni Ethan. Kung hindi lang alam ni Raen ang totoo ay baka inisip na niyang malambing ang pagsasalita nito.
PAGBALIK nina Ethan at Raen sa clinic ay umiwas agad si Raen kay Kelly. Wala siya sa mood na makipaglokohan dito ngayon at lalong wala siya sa mood na i-analyze ang kakaibang reaksiyon niya kay Ethan. Iyon ang dahilan kung bakit naroon siya ngayon sa pantry at nagkukunwang inuubos ang lamang kape ng kanyang cup.
"Hey there," nakangiting bati ng bagong dating na si Chester. Isa din itong vet physician doon sa clinic.
"Hi," alanganing bati ni Raen. Hindi siya komportableng kasama si Chester na sila lang dalawa. Ilang beses na din kasing nagpahiwatig si Chester ng interes sa kanya at hindi niya alam kung paano iha-handle ang ganoong sitwasyon.
Parang gustong matawa ni Raen sa naisip. Kayang-kaya niyang i-handle ang paghawak ng baril at pagtira ng gumagalaw na target pero hindi niya kayang i-handle ang makipag-usap sa isang lalaking nagpapakita sa kanya ng romantic interest. It's certified. Hindi lang siya basta weird. Nasa mas mataas na level na siya ng pagkaweird.
"Nagpunta ka pala sa Steamy Latte-tude," puna ni Chester. Ang tinutukoy nito ay ang coffee shop na pinuntahan nila ni Ethan kanina.
Wala sa sariling tumingin si Raen sa hawak na cup. "Oo, niyaya ako ni Ethan eh." Huli na nang marealize ni Raen ang kanyang sinabi. Damn!
"I'm surprised na close na agad kayo ni Ethan."
"Bakit?"
"Hindi ka naman usually basta-basta sumasama sa mga taong hindi mo pa kakilala ng matagal. Natatandaan mo ba noong kasisimula mo pa lang dito? Parang ilang buwan din bago ka namin napapayag na sumama sa aming kumain sa labas."
Medyo nainis si Raen sa sinabi ni Chester pero ngumiti pa rin siya. "Well, that's not entirely my fault. Masyado kasing mahigpit ang parents ko kaya hindi ako basta-basta lumalabas pagkatapos ng trabaho. And if you remember, bagong graduate pa lang ako noon."
Hindi naman talaga iyon kasinungalingan. Medyo tinwist lang niya ng kaunti. Sabi ng mga magulang niya, iyon daw ang technique sa pagbuo ng epektibong kwento. Dapat talaga ay palaging may bahid ng katotohanan ang mga sinasabi niya.
"Pero, Raen, gusto kong mag-ingat ka pa rin sa isang 'yun. Hindi maganda ang kutob ko sa kanya eh."
"Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Nirequest niya kay Dr. De Jesus na majority ng mga assisting assignments niya ay puro cases mo. Hindi ba kaduda-duda ang bagay na iyon? I never thought that that kind of request is acceptable. The old man agreed because he loves playing cupid. Pero sana ay kinwestiyon mo din ang request na iyon, Raen."
"Chester, alam mong aalis na si Ethan sa isang buwan. It's the least I could do for the guy." Pinalambing pa niya ang boses dahil ganoon ang personalidad ng Raen na kilala ni Chester.
"Okay, naroon na ako. Pero bakit sa'yo pa? Pwede namang sa akin o kay Randy," tukoy ni Chester sa isa pang vet physician nila.
"Because I'm prettier than the two of you?" pabirong tanong ni Raen saka tumawa. "Seriously, Chester, just chill." Gusto nang tapusin ni Raen ang usapang iyon kaya nag-iwas na siya ng tingin. Tumayo na din siya at sinubukang lagpasan si Chester. Pero humarang ito sa daraanan niya. Naikuyom ni Raen ang mga kamay. She's normally very calm but there was something really irritating about the way that Chester was questioning her relationship with Ethan.
Woah! Wait a minute. Anong relationship?
"Chester," malumanay na tawag dito ni Raen. "Ano ba talaga ang problema?"
Binigyan siya ni Chester ng nag-aakusang tingin. "Raen, sandali mo pa lang na nakikilala ang Ethan na 'yon pero tingnan mo," itinuro ni Chester ang hawak niyang cup. "You're already coffee buddies with him. Tapos sinabi ni Kelly na sabay din kayong naglunch kanina. At napapansin ko na palagi kang sinusundan ni Ethan kahit saan ka magpunta."
Umatras si Raen para maglagay ng distansiya sa pagitan nila ni Chester. Hindi niya nagustuhan na kinukwestiyon siya ni Chester ng ganito. Na para bang may karapatan itong gawin iyon.
"Sa akin siya naka-assign na mag-assist kaya pareho kami ng schedule. So it makes sense na magsabay kaming kumain, hindi ba? And anyway, I don't have to explain anything to you."
"But—"
Tuluyan nang lumayo dito si Raen. "Mamaya na uli tayo magkwentuhan, Chester. Kailangan ko nang bumalik. Tapos na ang break time ko." Hindi na niya hinintay na sumagot pa si Chester. Dire-diretsong lumabas na doon si Raen.
"You need to put your little boyfriend in his place."
Napasinghap si Raen nang marinig ang boses ni Ethan. Paglingon niya dito ay tila balewalang nakasandal ito malapit sa pinto ng pantry. Obvious na nakikinig ito sa pag-uusap nila ni Chester. Pero hindi naman niya magawang mainis.
"He's not my boyfriend," tanging naisagot ni Raen.
"Good. You can't trust him."
"Hmm, funny," ngumiti pa si Raen. "Ganyang-ganyan din ang sinabi niya tungkol sa'yo." Pagkatapos ay basta na lang niya itong iniwan. Men!
************************
Thank you for reading. You may notice na may kaunting inconsistencies sa mga scenes. That's because this is the raw version. So it's unedited and you may find some typographical and grammatical errors. IStill, I hope magustuhan niyo! And let me know what you think! ☺ Don't forget to vote and share this to your friends. Also, don't forget to follow me!
I hope you can buy the published book.
If that's not your thing, you can still read STAID 1 and 3 here on Wattpad.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AçãoHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
