24.1

3.4K 123 0
                                        

"Ten years, huh?" wika ni Mama Rose.

Napatingin dito si Raen at nakita niya ang isang masuyong ngiti sa mukha nito. Nagulat siya doon. Kahit minsan ay hindi nakita ni Raen na ngumiti ang mama niya ng ganoon sa ibang tao. Tanging sa kanilang mga anak lang nito ngumingiti ng ganoon si Rose.

"You have no idea," tila pagod na pagod ngang sagot naman ni Ethan.

"Sa loob ng sampung taon na 'yon, nakatulog ka ba kahit isang gabi lang?"

Napakunot ang noo ni Ethan sa tanong ni Papa Abel. Kahit si Raen ay nagtataka sa tanong nitong iyon.

"Well, you were in dangerous territory. Naiimagine ko na kailangang on guard ka sa lahat ng oras," muling wika ni Papa Abel.

"And your point is?" pabalang na tanong ni Ethan.

"You need rest," si Rose ang sumagot.

Hindi pa man tapos sa pagsasalita si Rose ay umiiling na si Ethan. "Hindi pwede. Kailangan na nating bumuo ng plano. We only have a very small window of opportunity. Lagpas beinte-kuwatro oras na akong hindi nakakapag-check in kay Fred. I can continue the radio silence for another twenty-four hours. It's my own protocol at alam iyon ni Fred. Kapag hindi ako nagpadala ng kahit anong komunikasyon ay malalaman agad niya na may aberya ang plano."

Hindi na nakatiis si Raen na hindi sumingit. "Seriously? 'Yan pa rin talaga ang iniisip mo?"

Tumutok naman agad sa kanya ang mga mata ni Ethan. "This is my job, Raen."

Nanariwa nanaman sa isip ni Raen ang mga sinabi ni Ethan sa kanya kanina. Or was that yesterday? Whatever, the thing was that she couldn't let him do this to himself.

"Ethan, aware ka naman na nandito kaming lahat para tumulong sa'yo, di ba?" may halong inis na tanong ni Raen.

"That's true, hindi mo na kailangan gawin ito ng mag-isa ngayon," sang-ayon naman ni Gideon.

"We'll end this once and for all," dugtong ni Stone.

"Pero ngayon, ang kailangan mo muna ay magpahinga," lumalabas na ang pagiging ina ni Rose.

"I agree. Ilang oras ka na nga bang paikot-ikot lang sa HQ?" wika ni Abel na nagpabaling dito ng atensiyon ni Ethan. "Oo, pinapanood kita. And don't beat yourself about it kung hindi mo naramdaman ang ginagawa kong pagbabantay sa'yo. You're tired."

"Next, you guys would be saying na kaya lang kami nakascore ng ilang suntok ay dahil pagod siya," inis na komento ng Kuya Luke ni Raen.

"Now that I think about it," panimula ni Myka. "Hindi nga ganoon kabilis ang reflexes mo. Well, wala naman akong ibang pagbabasehan pero napansin ko agad iyon."

Ethan snorted. Hindi nagustuhan ni Raen ang katigasan nito ng ulo. "I'm an animal doctor, yes, pero hindi ibig sabihin na hindi ko alam ang signs ng stress. You do need to rest, Ethan."

Tila naman hindi nagustuhan ni Ethan ang sinabi ni Raen dahil bigla na lang naging blangko ang mukha nito. Noon niya narealize kung gaano ito kapareho kay Stone at sa papa niya. Nakilala agad niya na ganoon ang ginagawa ng mga ito kapag nakakaramdam ng matinding emosyon tulad ng inis. Sa halip na ipakita iyon ay lalo lang nagiging blangko ang mukha nila.

"It's Ryder," malamig ang boses na wika ni Ethan. "Don't call me Ethan anymore."

"Pero—"

"I've been doing this for ten years. Hindi ako magpapahinga dahil lang sinabi niyo na tutulungan niyo ako. Hell, teamwork was never my thing." Bumaling ito kay Gideon. "Alam mo 'yan, Gideon." Pagkatapos ay sa kanila naman ito bumaling. "Sampung taon na ang sarili ko lang ang inaasahan ko sa lahat ng bagay. Hindi 'yun ganoon kadaling kalimutan dahil lang sa mga simpleng salita." Tumayo na si Ethan. "If this meeting is done, I'll start getting my gears ready. Tawagin niyo na lang ako kapag oras na ng planning."

~~~

Thanks for reading! Don't forget to vote and share this to your friends.

- Kensi

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon