"RAEN? RAEN!" Nakilala ni Raen ang boses ni Myka.
"A-Ate Myka?"
Kasunod niyon ay may kung anong bagay na tumakip sa ilong at bibig niya. Sa isang iglap ay mas dumali na ang paghinga niya. Hindi na din niya maramdaman ang bigat ni Ethan. Dahil doon ay bigla siyang napabangon. She frantically looked around trying to understand what's going on.
"You're okay, Raen," hayun nanaman ang boses ni Myka.
"Ate Myka?"
"Ako nga."
Sa wakas ay naipokus na ni Raen ang mata sa pinanggagalingan ng tinig na iyon. Agad na sinalubong siya ng pamilyar na mukha ni Myka. Nang mapatingin siya sa kabuuan nito ay nakita niyang nakasuot ito ng pure black na damit. May kung anu-anong naka-strap na gamit sa bewang nito at sa legs.
"We got you now. You're okay," nakangiting wika ni Myka.
Sasagutin din sana ito ni Raen ng ngiti nang maramdamang may nakatakip sa ilong at bibig niya. Sinubukan niyang alisin iyon pero pinigilan siya ni Myka.
"Isuot mo lang 'yan. Hindi pa tuluyang nawawala ang usok."
Sa pagkakabanggit ni Myka ng usok ay biglang nagbalik kay Raen ang lahat. "Si Ethan—" napatigil siya nang marinig ang malakas na pag-ungol ni Ethan.Tuluyan na niyang hinubad ang gas mask at hinanap kung nasaan ito. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakadapa sa sahig si Ethan habang may isang lalaking nakadagan dito at tinututukan ito ng baril sa ulo. "No!"
Biglang natahimik ang paligid sa pagsigaw ni Raen. Noon niya napansin na maliban kay Myka at sa lalaking nakadagan kay Ethan ay mayroon pang ibang taong naroon sa loob ng mausoleo. They were all wearing black and their faces were covered except for a tiny slit in their eyes.
"A-Ano'ng nangyayari?" tanong ni Raen.
"We're here to get you," si Myka ang sumagot niyon.
Pero nanatiling nakatitig si Raen kay Ethan at sa lalaki. Natatakpan din ang mukha ng lalaki pero parang may pamilyar dito. Wala sa sariling naikuyom niya ang mga palad. At noon niya narealize na may hawak pala siyang baril. Hindi siya sigurado kung paano nangyari iyon. It must be her reflex.
"Get off of him," utos ni Raen sa nanginginig na tinig. Pero hindi siya pinakinggan ng lalaki. Lalo pa nga nitong idiniin si Ethan sa sahig. Hindi na nag-isip pa si Raen. She raised the gun in her hand and aimed it at the man holding Ethan. "I said get off of him."
But Raen was immediately disarmed by Myka. "You've been through a lot. You're not thinking clearly." Pagkasabi niyon ay hinawakan siya ni Myka sa mga balikat at pilit na inilalayo kina Ethan at sa lalaki.
"Ate Myka—"
"Halika na, Raen."
"Pero—"
"Go with Myka. Now."
Nanlaki ang mga mata ni Raen nang mabosesan si Stone. "Oh my God."
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AksiHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
