Napigil ni Raen ang hininga nang may humaplos sa kanyang pisngi.
"Open your eyes," utos ng boses na iyon na kahit kailan yata ay hinding-hindi na malilimutan pa ni Raen. "Go on, open your eyes."
Dahan-dahang sinunod ni Raen ang iniuutos nito. Nahigit niya ang hininga nang tumambad sa harapan niya ang mukhang hindi niya inakalang makikita niyang muli. "E-Ethan?" Then it was as if she couldn't breathe. Mabilis na mabilis din ang tibok ng kanyang puso. At nang iangat niya ang kanang kamay ay noon lang din niya narealize na nanginginig na pala siya.
"Ethan," Raen breathed his name as her fingers touched the side of Ethan's cheeks.
Napasinghap si Raen nang takpan ng kamay ni Ethan ang kanyang kamay at lalo pang idiin sa pisngi nito. Pagkatapos ay ikiniling nito ang ulo paharap sa kanyang kamay saka hinalikan ang kanyang palad.
"It's you. It's really you."
"Oo, Raen."
"Pero paano...? Ang sabi nila... hindi ko naiintindihan."
"Ano ba ang sinabi ni Gideon sa'yo?" masuyong tanong ni Ethan.
"Na wala ka na."
Umiling si Ethan. "The exact words. Ano ang eksaktong salitang sinabi ni Gideon?"
"He said Ryder is dead."
Nakangiting tumango si Ethan. "That's right, Ryder is now dead."
"Ha?"
"Wala na si Ryder. Ang natitira na lang ay si Ethan Ablaza na isang vet technic—" hindi na natapos ni Ethan ang sinasabi dahil basta na lang itong sinugod ni Raen ng yakap.
"Oh my God, Ethan," parang iyon na lang ang kayang sabihin ni Raen.
Hindi na namalayan ni Raen kung gaano katagal na umiyak lang siya habang nakayakap kay Ethan. Nang mahimasmasan siya ay dahan-dahan siyang lumayo dito. Umangat nanaman ang mga kamay ni Raen para hawakan si Ethan sa pisngi.
Pero sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay parang gusto niyang magtantrums at maghamon ng ayaw. Para ding gusto niya itong saktan. Kaya ginawa niya.
Ikinuyom ni Raen ang kanang kamay at bigla na lang sinuntok si Ethan. Hindi yata iyon inaasahan ng binata kaya napaatras ito.
"What the hell, Raen?" gulat na tanong ni Ethan.
Sa likod ni Raen ay narinig niya ang papa niya at mga kuya na nagkokomento.
"Great right hook, sweetheart," wika ng papa niya.
"Ako ang nagturo sa kanya niyan," nagyayabang namang wika ni Kuya Luke.
"Anong ikaw? Ako ang unang nagturo diyan na sumuntok," kontra naman ni Stone.
Hindi na pinansin ni Raen ang mga ito. Ang buong atensiyon niya ay nakay Ethan na ngayon. Parang lahat ng sakit at lungkot na naramdaman niya sa buong anim na buwan ay gustong lumabas ngayon. "Nagtatanong ka pa? You went to all that trouble to make me fall in love with you and then you'll just go and die on me?"
"Pero hindi naman ako namatay, Raen. Palabas lang ang lahat ng iyon."
"Kahit na!" wala nang pakialam si Raen na sumisigaw na siya. "Hindi ko naman alam na palabas lang 'yun. You—" napahikbi si Raen. "You have no idea what I went through, Ethan! Pakiramdam ko namatay na din ako. Ni ayaw ko na ngang gumising sa umaga. I hate feeling that way."
"Raen..."
"Naaalala mo ba kung ano ang huling bagay na sinabi mo sa akin? You said you loved me, Ethan. And I didn't say it back. Kahit kailan ay hindi ko sinabi sa'yo ang mga salitang iyon. Hindi ko na maalala ngayon kung bakit hindi ko pa iyon sinasabi sa'yo. I just always thought that you knew. And I really, really hate knowing that you died without hearing me say that I love you."
Pagdating ni Raen sa I love you part ay parang nawalan na siya ng lakas. Kaya halos pabulong na lang ang pagkakasabi niya doon.
"Oh, Raen," at sa isang iglap ay naikulong siya sa mahigpit na yakap ni Ethan. "I'm sorry. And I love you. Noon ay natatakot akong sabihin sa'yo ang mga salitang 'yan. Pero ngayon ay parang hindi ko na magawang tumigil sa pagsasabing mahal kita. I've loved you ever since you pulled a gun straight to my face. Hindi mo lang alam kung ano ang ginawa mo sa akin nang araw na 'yun. You scared the shit out of me, Raen. Natakot ako hindi dahil tinutukan mo ako ng baril. Natakot ako dahil naramdaman ko mismo ng araw na iyon na iba ka, na espesyal na, na maaaring ikaw na 'yung taong makakapagpabago sa buhay ko. At hindi ako nagkamali, Raen. You did change me."
Naramdaman ni Raen na hinalikan siya ni Ethan sa ulo.
"I'm sorry you had to go through all of that. Pero ipinapangako ko sa'yo na huli na 'yun. I'm done with STAID," matigas na pahayag ni Ethan saka humigpit ang pagkakahawak nito kay Raen.
"Yes," sang-ayon ni Gideon. "So as far as STAID is concerned, Ryder is now dead. Kinailangan kong gawing authentic ang pagkamatay niya. That's why no one knew about it. Itinago ko si Ethan habang nagrerecover siya. And at the same time, we worked on putting together a permanent alias for him. So everyone, I'd like to introduce—"
"Ethan Ablaza," singit ni Ethan kay Gideon. "Isang certified veterinary technician. Kagagaling lang sa Middle East pero bumalik din agad sa Pilipinas pagkalipas ng anim na buwan dahil hindi na nagrenew ng kontrata. I'm twenty-seven years old and of sound mind and health. I'm currently applying for a vet technician position at the Paws and Claws clinic and is also the owner of this villa. And if you don't have any more questions about my identity, I'd like to marry your daughter," nakangitin na si Ethan sa mga magulang ni Raen. Pagkatapos ay bumaling ito sa mga kuya niya. "And your sister."
Wala ni isang sumagot kay Ethan. Lahat sila ay matamang nakatingin lang dito. Kaya si Raen na ang bumasag sa katahimikan. "Ahm, sabi mo ay ikaw ang may-ari ng villa na ito. Paano nangyari 'yun?" napapangiwing ngumiti si Raen. Wala kasi siyang ibang maisip na sabihin. Well, hindi naman siguro nila inaasahan makakapag-isip siya ng maayos gayong katatapos lang niyang marinig ang intensiyon ni Ethan na pakasalan siya.
"Babe, I worked for STAID for ten long years. Hindi libre ang magbuwis ng buhay araw-araw."
"So you're saying..."
"The government pays us the big bucks to do these things. At tulad ng mga ordinaryong employees, entitled din kami sa mga priviledges, insurance, at retirement benefits. I've never touched any of those priviledges that whole time. Which means, we can live any way we want."
"Anyway, we want?"
"I'm sorry, Raen, kung hindi na kita tatanungin. I just don't want to take the risk of you saying no. So, I'm just gonna tell you that I want to marry you. Right here. Right now."
Doon na nagreact ang pamilya ni Raen. Bigla na lang ay naroon na ang mga ito at nakapalibot sa kanila ni Ethan. Bawat isa ay may sinasabi. Pero walang pakialam si Raen sa mga iyon. Sinalubong niya ang mga mata ni Ethan at nginitian ito. Pagkatapos ay sunod-sunod siyang tumango habang hawak ng mahigpit ang mga kamay ni Ethan.
~~~
So finally, this is the end for Ethan and Raen. Don't worry, makikita niyo pa rin naman sila sa story ni Stone at Zoe (STAID 3).
Thanks for reading! Wag niyo sanang kalilimutang magvote. At sana i-share niyo din ito sa mga friends niyo kung nagustuhan niyo ba ang story.
Mwah!
- Kensi
By the way, pwede niyong mabili ang published version sa PPC stores. Sana makabili din kayo ng kopya.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AksiyonHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
