15.1

3.5K 107 1
                                        

"GOOD job, Ryder," iyon ang isinalubong ni Fred kina Ethan at Raen.

"I need the pool," wika ni Ethan saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng safe house.

Pinili talaga niya ang safe house na iyon dahil sa lahat ng safe houses ni Fred ay ang Lakeview ang pinakapamilyar kay Ethan. Alam niya ang lahat ng pasikot-sikot doon at napag-aralan na din niya ang lahat ng kahinaan sa depensa ng lugar.

"Pool?" narinig niyang bulong ni Raen nang makarating sila sa poolside. Isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit pinili ni Ethan ang Lakeview.

"Tandaan mo ang rule number 2, Raen," ganting bulong ni Ethan bago walang sere-seremonyang in-itsa niya si Raen sa swimming pool.

Naghiyawan ang mga tauhan ni Fred na nanonood sa kanila ni Raen. Alam niyang nagtataka ang lahat ng ito kung bakit dumiretso agad siya sa swimming pool pagkapasok pa lang nila sa compound.

"What the hell?" malakas na sigaw ni Raen nang makaahon ito.

Nakitawa lang si Ethan kasabay ang mga tauhan ni Fred. Pagkatapos ay nag-peace sign siya kay Raen. Pero ang totoo ay ipinapaalala lang niya dito ang kanyang rule number two. Mukha namang nakuha ni Raen ang ibig niyang sabihin dahil bigla nitong itinikom ang bibig. Pero nagpatuloy ito ng pagbibigay sa kanya ng masamang tingin.

"Come on," sumenyas si Ethan para lumangoy si Raen palapit sa kanya. Nang abutin ni Raen ang kamay niya ay naramdaman niya ang malakas na paghila nito doon. If Ethan was a few pounds lighter, siguro ay nahila na siya ni Raen patungo sa pool. But he was much bigger and heavier than her. "Nice try, babe," ngumiti pa siya bago walang kahirap-hirap na hinila si Raen mula sa pool.

"Damn you," Raen answered in a mockingly sweet voice.

Ngumiti lang uli si Ethan pagkatapos ay nilingon si Fred na matamang pinapanood sila. "Alam kong may signal jammer na dito pero gusto ko pa ring makasiguro." Nang tumango si Fred ay inilabas niya ang kanyang Swiss knife mula sa bulsa.

"Etha—"

"I hope this isn't your favorite shirt," putol ni Ethan sa kung ano pang sasabihin ni Raen. Then he expertly pulled out the knife and started cutting out the buttons of Raen's shirt.

"Ano'ng ginagawa mo?" naaalarmang tanong ni Raen.

"'Wag kang malikot, baka iba ang mahiwa ko," iyon lang ang isinagot ni Ethan bago nagpatuloy. Lahat ng butones na naalis niya ay ibinato niya sa pool. Nang matapos siya ay ibinalik na niya sa bulsa ang Swiss knife. "Do you have any jewelry with you?"

"I-Ito lang," itinaas ni Raen ang kanang kamay at hinawakan ang kuwintas na may maliit na pendant na hugis anghel. "Sa Kuya Adam ko ito."

Something tugged at Ethan's heart upon hearing that. Pero kailangan niyang gawin ang trabaho niya. Kaya iniumang niya ang palad sa harap ni Raen.

"'Wag namang pati ito, Ethan. Please."

"You can give it to me nicely or I can cut it for you."

Ethan prepared himself for the insults that he was sure she would say any moment now. Pero nanatiling tahimik si Raen. Gustong mapangiti ni Ethan nang buong tapang na sinalubong nito ang kanyang tingin. Hinubad ni Raen ang suot na kuwintas nang hindi humihiwalay ang tingin sa kanya. He felt proud of her just then. Pero hindi niya pwedeng ipakita iyon. Kaya itinago na lang niya ang nararamdaman sa isang malisyosong ngiti.

"That's too bad. I would have enjoyed ripping it off of you." Nilakasan ni Ethan ang pagsasalita para iparinig sa mga nanonood sa kanila. Pinasadahan pa niya ng malisyosong tingin ang kabuuan ni Raen. Gusto niyang isipin na parte lang iyon ng pagpapanggap niya pero ang totoo ay gusto lang niyang makasigurong walang nae-expose na parte ng katawan nito.

"Ano'ng gagawin mo sa kuwintas ko?"

Hindi iyon sinagot ni Ethan. Nagkibit siya ng mga balikat at itinuro ang paa ni Raen. "Hubarin mo ang sapatos mo at itapon sa pool."

Walang reklamong sinunog ni Raen ang utos niya. Napangiti si Ethan.

"Good. Now, shall we?" Hindi na niya hinintay na sumagot si Raen. He just grabbed her again and flung her toward his shoulder.

"Goddamn it, I can walk!" protesta ni Raen.

Pero parang wala nang naririnig si Ethan. Ang tanging nasa isip niya ay hindi niya hahayaang may ibang lumapit kay Raen. Hindi dahil nagiging protective nanaman siya dito. Sadyang wala lang siyang tiwala sa mga tauhan ni Fred kaya gusto niyang siya lang ang ha-handle kay Raen.

Yeah, right.

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon