"OH, SHIT!" Iyon lang ang naibulong ni Raen bago siya mabilis na yumuko. Kasunod niyon ay narinig niya ang pagkabasag ng salamin. Paglingon niya sa likuran ay nakita pa niya ang pagbagsak ng isang malaki at itim na bulto. "What...?"
"Come here, damn it!" Narinig pa ni Raen ang galit na boses ni Ethan bago niya naramdaman ang matitigas na mga kamay na biglang humawak sa kanyang braso at hinila siya patayo. At sa isang iglap ay nakasandal na siya sa malamig na pader.
Ethan was pressing her really hard against the wall. Na para bang hinaharangan siya nito gamit ang katawan. Nang marealize iyon ay agad na nagpumiglas si Raen.
"Bitiwan mo ako, Ethan."
"This is not the right time to feel conscious, Raen."
Hindi makapaniwala si Raen sa narinig. "You're crazy."
Pero hindi pinansin ni Ethan ang sinabi niya. "We need to move."
"We?"
"Oo, halika na," at sa isang iglap ay nawala si Raen sa pagkakasandal sa pader. Halos kaladkarin na siya ni Ethan patungo sa waiting area.
"No, Ethan," pagkatapos ay bigla siyang umikot. Wala na siyang pakialam kung sumakit ang balikat niya sa pagkaka-twist niyon. Basta na lang niyang hinila ng malakas ang kamay na hawak ni Ethan kasabay ng pagsipa niya sa tuhod nito.
"Damn!"
"Sinabi ko naman sa'yo na bitiwan mo ako," inis na wika ni Raen saka itinaas ang kamay na may hawak na baril. "Now, give me one good reason why I shouldn't shoot you and your cronies right this very second."
"Dahil nandito ako para tulungan ka," halatang naiinis nang wika ni Ethan. At bago pa ito makapagpatuloy ay nangibabaw ang tunog ng mga yabag. "And those aren't my cronies."
Sarkastikong ngumiti si Raen. "You expect me to believe that?"
Tumigas naman ang anyo ni Ethan. "I don't expect you to believe anything, Raen."
"Wrong answer, Ethan, or should I call you Ryder?"
Tumalim ang mga mata ni Ethan na nagpakilabot kay Raen. Sigurado siyang hindi iyon dahil sa lamig o sa pagiging conscious niya sa kanyang suot. It was all because of the extreme danger that she saw in Ethan's eyes.
"Kung kilala mo na si Ryder, then you already know that I always work alone." Base sa tunog ng mga yabag ay mukhang malapit na ang mga iyon kina Raen at Ethan. "Those men are not with me. At ayoko sanang saktan sila kaya sumama ka na sa akin."
"Ano ba ang tingin mo sa akin? Tanga? Na bigla na lang akong sasama sa'yo dahil lang sinabi mo?"
"Damn it, Raen," galit na asik ni Ethan. "Hindi kita sinaktan kahit isang beses. Iniligtas pa nga kita, hindi ba?"
"Akala mo lang hindi mo ako nasaktan, pero ang totoo ay nagawa mo na."
Hindi sigurado si Raen pero parang biglang lumambot ang ekspresyon sa mata ni Ethan dahil sa sinabi niya. Pero mabilis lang iyon. Parang dumaan lang tapos nawala din agad. Then Ethan raised his gun again. Sandaling nanigas sa kinatatayuan si Raen nang marealize niya na magpapaputok uli ito. Pero di tulad kanina, hindi gumalaw si Raen sa kinatatayuan. It was like she finally accepted the fact that he wasn't going to hurt her.
Parang narealize din iyon ni Ethan dahil may nag-iba sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Para bang nakikipag-usap ito sa kanya nang hindi nagsasalita. Hindi maipaliwanag ni Raen kung paanong naiintindihan niya ang body language ni Ethan. Basta natagpuan na lang niya ang sariling gumagalaw base sa mga senyas ni Ethan. Maya-maya pa ay natagpuan nanaman ni Raen ang sarili na nakasandal sa pader. Kasunod niyon ay pumaikot sa bewang niya ang isang kamay ni Ethan. Then he was dragging her away again.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
