28

3.8K 158 5
                                        

"Nasa rooftop na sila. Kung anuman ang escape plan nila, I'm betting it would be in the air."

"Damn, where the hell are you, Ryder?" Gideon barked on the earpiece.

"Nasa pinto mismo paakyat sa rooftop."

Nagmura nanaman si Gideon. "Maya, take your position on top. Luke and Jared, you'll be Maya's support. All the others converge on top. Ryder, stay there and wait for backup. Do you copy?"

Isa-isang sumagot ng copy ang mga ito maliban kay Ethan. "No, puntahan niyo muna si Raen. Iniwan ko siya sa fourteenth floor. She needs medical attention now."

"Ano'ng nangyari kay Raen?" si Stone ang nagtanong niyon.

"Fred injected her with a muscle relaxant na may kasamang virus. Hindi ko alam kung anong klaseng virus iyon. Kailangan niyang madala agad sa ospital." Wala nang pakialam si Ethan kung halatang-halata na ang pag-aalala niya kay Raen.

"Kami na ang bahala kay Raen," prisinta ni Starlight.

"Thank you," Ethan breathed a sigh of relief.

"No," nangibabaw ang nanghihinang boses ni Raen sa earpiece. "'Wag niyo akong alalahanin. I'm okay. Mas kailangan ni Ethan ng backup, please."

"Damn it, Raen, 'wag ka nang kumontra."

"I'm just around the corner," biglang singit ni Stone.

"I'm still two floors out," wika naman ni Gideon.

"Narito na kami sa fourteenth floor," wika ni Striker.

"Nakita ko na si Raen." Wala na yatang mas gaganda pang salita sa pandinig ni Ethan nang mga sandaling iyon kundi ang mga binitiwang salita ni Starlight.

"I'm here." Sa sinabi ni Stone ay lumingon si Ethan. He immediately spotted Stone and signaled for him to crouch lower.

Ethan used hand signals to tell Stone his plan. Mabilis namang nakuha iyon ni Stone.

"I have visual on the targets," anunsiyo ni Myka  sa earpiece.

"Do you have a shot?" tanong ni Gideon.

"That's a negative."

"Luke?" tanong uli ni Gideon.

"Negative."

"Jared?"

"Negative din."

"Alright, before we go in, I have to make myself clear first. Fred needs to be taken alive," anunsiyo ni Gideon.

"Bakit?" It was Ethan's turn to ask. Umikot pa siya para salubungin ang tingin ni Gideon na naramdaman niyang naroon na din malapit sa kanila ni Stone.

"Kaya ako palaging wala nitong mga nakaraang buwan ay dahil kailangan kong gumawa ng damage control. Fred perfectly timed the execution of his plans. Hindi lang ang pamilya Marasigan ang tinatarget niya. Ang buong STAID ay tinatarget din niya. And I hate to break the news at this time, but you all need to know that STAID is currently considered as a rogue institution."

"Paano nangyari iyon?" si Stone naman ang nagtanong niyon.

"Nagawa ni Fred na kilalanin at ma-infiltrate ang ilan sa mga taong nasa likod ng STAID. Isa din ito sa rason kung bakit biglang naputol ang ilang budget natin."

"Damn,"narinig niyang wika ni Striker.

"Kaya kailangan natin siya ng buhay," ulit ni Gideon.

"Alright, copy that," seryoso nang sagot ni Stone.

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon