MALAKAS na malakas ang tibok ng puso ni Raen habang tinitingnan ang larawang nakaflash sa malaking LCD screen sa harap niya. Actually, hindi naman iyon isang larawan kundi isang logo. Para bang kinakabahan siya na excited.
"This is just for the benefit of our guest," wika ni Robbie saka itinuro siya.
Hindi ito pinansin ni Raen. Ang focus lang niya nang oras na iyon ay ang pagmasdan ang logo. Sa baba niyon ay nakasulat ang mga katagang, "Special Tactics and Intelligence Division."
"Ang STAID ay isang sikretong sangay ng gobyerno," panimula ni Robbie. "And that's the most important thing that you need to remember. Actually, iyon lang ang kailangan mong tandaan. You can think of STAID as a special branch of the military. Ang ipinagkaiba lang ng STAID ay hindi ito nirerecognize ng gobyerno. Technically, it doesn't exist. But we do and not a lot of people know about us."
"And that's how it should remain," singit ni Stone.
"Okay, pero ano ba ang ginagawa ng STAID?" hindi napigilang itanong ni Raen. "I mean, ano ang ginagawa niyo sa STAID?" Kahit pa may kaunting ideya na si Raen ay gusto pa rin niyang marinig ang sagot.
"Hindi mo na kailangang malaman ang bagay na 'yan, Raen," ang papa Abel niya ang sumagot. Matigas at maawtoridad ang tinig nito kaya hindi na siya nagkomento pa at hinayaan si Robbie na magpatuloy.
"STAID was founded more than twenty years ago. We don't exactly know when, except the man who created it," pagkatapos ay itinuro ni Robbie ang mga magulang niya. Nagtatakang bumaling naman sa mga ito si Raen. "And the first group of operatives who were recruited, of course."
"Teka," singit ni Raen. "Sinasabi mo bang...?" Hindi niya magawang tapusin ang tanong kaya bumaling na lang siya sa kanyang mga magulang. As usual, nagkibit balikat lang ang mga ito. Pagkatapos ay sumenyas ang papa niya kay Robbie na magpatuloy.
"Anyway, nang magsimula ang STAID ay mayroon itong tatlong pioneer operatives. Sina Striker, Starlight, at Rookie. And obviously," bigla na lang tumikhim si Robbie na parang biglang kinabahan. "Striker and Starlight are..." Robbie waved his right hand toward Raen's parents.
Kahit pa naiintindihan naman ni Raen ang ibig sabihin ng gesture ni Robbie ay nilingon pa rin niya ang mga magulang. "Pa? Ma?"
"Matagal na iyon, Raen," ang mama niya ang sumagot.
"Retired na kami ngayon," dugtong naman ng papa niya. "Pero," pagkatapos ay lumagpas ang tingin nito sa likuran ni Raen.
Nahigit ni Raen ang hininga nang marealize kung saan ito nakatingin. Or rather, kung sino ang tinitingnan nito. "Stone and Myka?"
Tipid na tumango si Stone saka nagsalita sa mababang tinig. "I'm in active service."
"Me too. Ang tawag sa akin ay Maya," singit ni Myka.
Pinaglipat-lipat niya ang tingin kina Myka, Stone, Robbie, at sa kanyang mga magulang hanggang sa maglanding ang mata niya sa kanyang Kuya Luke. There was a weird expression on his face.
"Alam mo na ang tungkol dito, Kuya?" tanong ni Raen na sinagot naman nito ng tango. "Kailan pa?"
"Just recently. Pero matagal na akong may hinala," sagot ng Kuya Luke niya.
Kahit na sa totoo lang ay parang inaasahan na ni Raen ang mga narinig ay hindi pa rin niya napigil ang mapasinghap. It's like all of a sudden, everything made perfect sense. Kung bakit ganoon umakto ang mga magulang niya. Kung bakit ganoon sila pinalaki ng mga ito. Hell, it even explained why she turned out this way.
"Ano pa ang kailangan kong malaman?" Nang tanungin iyon ni Raen ay kakaibang confidence na ang nararamdaman niya.
"Nabanggit kong tatlo ang pioneer operatives ng STAID. We already know Striker and Starlight, but Rookie, well, he's a whole different story," pagpapatuloy ni Robbie.
"Thanks, Robbie, I'll take it from here," putol dito ng papa ni Raen.
Tumango si Robbie at umatras. Agad namang pumagitna ang papa niyang si Abel at nagsimulang magsalita. "Si Agent Rookie ay isang espesyal na kaso. Isa siyang risk taker. Parang walang kinatatakutan ang taong 'yon," ngumiti pa ang papa niya na para bang may naaalala itong nakakatuwang bagay. "But he was so damned good at what he does. There was a time when I can literally trust my life to him."
"Ang tunay niyang pangalan ay Fred," biglang dugtong naman ng mama ni Raen. There was a fondness in her voice as she spoke. "Kapag may misyon kami ay kampante ang pakiramdam ko na pinoprotektahan niya kami. He was the sniper of the team. And he looked out for us."
"We served together in the military. Siya ang pinakabata sa amin," her father's voice cracked a little. Kaya tumikhim ito bago nagpatuloy. "Isa siyang problem child. Kaya pagtapak niya sa tamang edad ay agad na ipinasok siya ng mga magulang niya sa military. Ilang beses ko ding na-meet ang parents niya. I don't want to judge his parents so let's just say that they were a bit hard on him."
"Ang tanging problema lang namin sa kanya ay masyado siyang reckless," muling wika ng Mama Rose niya.
"But his recklessness saved our asses many times," komento ng papa ni Raen.
Sa totoo lang ay medyo nagugulat si Raen sa mga ikinukwento ng papa at mama niya ngayon. Hindi kasi nagkukwento ang mga ito. Sa katunayan ay halos wala silang alam tungkol sa dating trabaho ng kanyang mga magulang bago sila naging simpleng businessman at businesswoman.
"And that recklessness was exactly what we needed in the field," tuloy na kwento ni Mama Rose. "Pero pagkalipas lang ng ilang taon ay parang nagsawa na siya."
"Nang mga panahong iyon ay dumadami na ang mga bagong recruits at nagkaroon na kami ng kanya-kanyang teams na ite-train," wika ng papa niya.
"Oh for Pete's sake, aminin na natin ang totoong dahilan, Abel." Raen almost jumped up when her mother's tone changed. "We got married. Pagkatapos naming magpakasal ay naging mas maingat na kami. Hindi iyon nagustuhan ni Rookie."
Malungkot na tumango ang papa ni Raen. "We should have seen it coming. Pero masyado kaming focused sa mga sarili namin. Rose and I were newly married and Rookie felt a little left out. Siguro pakiramdam niya ay hindi na siya kabilang sa maliit na grupo namin. And we take full responsibility for what he did and for what he continues to do now."
Then Raen immediately felt the change in her surroundings. Para bang biglang tumindi ang tensiyon doon. Lalo pa nang lumabas ang isang collage ng mga litrato sa malaking screen.
![](https://img.wattpad.com/cover/44595063-288-k474397.jpg)
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AzioneHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...