23.2

3.7K 144 4
                                        

PAGKAGISING ni Raen kanina ay may sumundo agad sa kanya para dalhin siya sa isang briefing room. Mas malaki iyon kompara sa ibang briefing rooms na napuntahan na niya.

"Naglunch ka na ba, Raen?" agad na tanong sa kanya ni Myka pagpasok niya.

"Lunch?" takang-tanong ni Raen.

Tumango lang si Myka saka itinuro ang isang sulok ng briefing room. May mesa doon na may lamang mga pagkain.

"Lunch time na?" muling tanong ni Raen. Tumango lang muli si Myka saka binalikan ang binabasa nitong mga dokumento.

Nang ilibot niya ang paningin sa paligid ay saka niya napansin na naroon din pala ang mga magulang niya na abala din sa pagbabasa. Ganoon din ang Kuya Luke niya.

"Wala bang bintana sa lugar na 'to?"

Tanging ang mama niyang si Rose ang pumansin sa kanya. "Kumain ka na, Raen. Then you can start reading as well."

As if on cue, may hinugot si Myka na folder sa ilalim ng mga dokumentong binabasa nito saka iniabot sa kanya. Wala sa sariling inabot niya iyon.

"Double time, sweetheart," maya-maya ay wika ng papa niyang si Abel. Tila iyon lang ang hinihintay ni Raen bago siya lumapit sa mesang itinuro ni Myka kanina at kumuha ng isang sandwich. Hindi pa naman siya nagugutom at hindi pa rin yata nagreregister sa tiyan niya na lunch time na.

Simula nang manatili siya doon sa STAID HQ ay parang nawalan na siya ng sense of time. Wala man lang kahit isang bintana doon. Wala ding makikitang orasan kahit saan. Yun namang relo niya ay kinuha sa kanya bilang parte ng ebidensiya. So she really had no way of knowing the time.

"Good, nandito na kayong lahat."

Halos mapalundag si Raen sa kinauupuan nang biglang bumukas ang pinto at dire-diretsong pumasok si Gideon na parang pag-aari nito ang lugar. Well, siguro nga ay pag-aari nito iyon. Ni walang sere-seremonyang ibinagsak pa nito sa mahabang mesa ang mga hawak nitong folders at papel. Nakasunod dito sina Robbie, Stone, at Ethan.

"Robbie?" wika ni Gideon.

"Secured," sagot ni Robbie matapos may kung anong instrumento itong ilagay sa ibabaw din ng mesa.

"Ryder?" muling wika ni Gideon.

"Kailangan ko ng access," wika ni Ethan na nakaupo na sa pinakaunang upuan.

"Robbie," si Gideon nanaman iyon na para bang inip na inip na.

"Sigurado ka bang bibigyan natin ng access si—"

"Just give the man what he wants, Robbie," si Stone ang nagsabi niyon. 

Nang sa wakas ay ilapag ni Robbie ang laptop sa tapat ni Ethan ay naupo na sina Gideon at Stone. Si Robbie naman ay nakabantay lang sa ginagawa ni Ethan na para bang pinag-aaralan nito ang bawat bagay na tina-type doon ni Ethan. On Ethan's part, mukhang wala naman itong pakialam kahit pa bigla na lang sumisingit si Robbie sa pagtatype sa laptop kapag may firewall itong kailangang lampasan. Then in the next second, the projector showed a bunch of computer codes.

"Wala tayong mahabang oras kaya bibilisan ko na ang briefing na ito," panimula ni Ethan. Sandaling naglanding sa kanya ang tingin nito pero agad din itong umiwas.

"So, what do you know that we don't?" seryosong tanong ni Stone.

"Rookie is running out of money," pahayag ni Ethan na sinalubong ng katahimikan.

Si Gideon ang unang bumasag niyon. "So pera lang ang dahilan ng lahat ng ito?"

Bago pa makasagot si Ethan ay sumingit na si Papa Abel. "Hindi ako naniniwala."

S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHRMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon