TINATAMBOL ang puso ni Raen. Pakiramdam niya ay magha-hyperventilate na siya anumang oras. Kahit saan siya tumingin ay puro mga armadong lalaki ang nakikita niya. Nang pumayag siya sa plano ni Robbie ay hindi niya inaakalang sa ganitong lugar siya dadalhin ni Ethan.
Speaking of Ethan, determinado at napakatigas ng anyo nito. He looked and felt every bit as the dangerous man that Myka and Stone kept telling her about. At bago ang oras na iyon ay inaamin ni Raen na hindi pa talaga niya napagtanto ng lubusan kung gaano kapanganib si Ethan.
"Aw!" daing ni Raen nang basta na lang siyang ibaba ni Ethan sa ibabaw ng isang mesa. Nagpalingon-lingon siya sa paligid. Nasa isang kusina sila. Mukha naman iyong isang normal na kusina lang. Pero hindi nakaligtas sa mga mata ni Raen ang kakaibang arrangement ng kusinang iyon. Agad na in-assess niya ang pinakamabisang escape route. At hindi niya nagustuhan ang nakuha niyang sagot dahil ang sagot ay wala.
That kitchen was like a high-security prison cell. Maliban sa masyadong mataas ang mga bintana ay may mga bakal din iyon. Kahit pa makaakyat siya sa counter ay hindi pa rin siya basta makakasampa sa bintana dahil wala siyang mapapatungang cabinet para magboost sa pag-akyat niya. Wala kasing cabinets sa taas. Puro sabitan lang. Ang kitchen counter naman ay masyadong manipis.
Natigil ang pagmamasid ni Raen nang humarang ang mukha ni Ethan sa harap niya. "Lie down," utos nito.
Pero hindi sumunod si Raen. Tinitigan lang niya si Ethan at pilit na binabasa ang ekspresyon nito. Narealize kasi niya na kung gusto niyang maging matagumpay ang pagsasakripisyo niyang ito ay dapat niyang gamitin ang kanyang utak. She would never be able to outgun those guys in there, but she could outsmart them.
"I said lie down, Raen."
Suddenly, Raen found herself being pinned down on the table. Napipilitan siyang magrelax nang dumiin ang mga kamay ni Ethan sa kanyang balikat. "Seriously, what is it with you and walls and tables?"
Pero tiningnan lang siya ni Ethan. Pagkatapos ay inilipat nito ang paningin sa kung saang parte ng kusina. Parang may nagsasabi kay Raen na sundan ng tingin ang tinitingnan nito kaya ginawa niya. Isang display cabinet na may mga china dishes ang nakita niya doon. Ilalayo na sana niya ang tingin nang may mapansin siya.
Sa gitna ng isang malaking plato na may kakaibang design ay parang may kumikislap. It looked like the plate was just sparkling. But the shiny quality looked like it was a reflection from a mirror. Noon niya naintindihan ang ginawa ni Ethan. Winawarningan siya nito tungkol sa hidden camera.
"Hubarin mo ang damit mo," ang utos na iyon ang nagpabalik sa mata ni Raen kay Ethan.
"Ano?"
Sa halip na sumagot ay basta na lang hinawakan ni Ethan ang kanyang legs at saka siya iniikot sa ibabaw ng mesa para iposisyon sa nais nito.
Frustrated na umungol si Raen. "Goddamn it, Ethan! Marunong akong maglakad. Kaya ko ding iposisyon ng maayos ang sarili ko sa mesang ito. And I can very well remove my own shirt, thank you very much."
Pero parang hindi naman nakikinig si Ethan. Basta na lang nitong ibinuka ang suot niyang damit. Hindi naman ito nahirapan dahil kanina pa sira ang damit niya.
Pinigilan ni Raen ang sariling mailang. After all, pagkatapos ng nangyari sa clinic, sa tingin niya ay pamilyar naman na si Ethan sa outfit niyang sports bra at jeans. Pero bigla na lang ay hinihila na nito ang kanyang damit pababa sa kanyang balikat. "Ethan—"
"Shut up," pagalit na asik nito saka nagsimulang haplusin ang braso ni Raen.
"Ano ba ang ginagawa mo?"
Hindi nanaman sumagot si Ethan. Sa tingin ni Raen ay masyado itong seryoso at concentrated sa ginagawa. Habang siya naman ay nagco-concentrate din sa pagpipigil na mailang. Nang ilipat ni Ethan ang atensiyon sa kabila niyang braso ay kinabahan na siya. Para kasing hindi naman iyon paghaplos. It was more like he was looking for something in her skin. Damn!
"Aw!" awtomatikong napadaing si Raen nang mapadiin ang kamay ni Ethan sa likod ng kaliwang balikat niya.
"Gotcha," mahinang bulong ni Ethan.
All Raen could do was give him a horrified look. Dahil natagpuan ni Ethan ang lugar kung saan in-inject ni Robbie ang biotracker. Gusto niyang magpumiglas pero parang napako na siya sa kinahihigaang mesa.
"Oh, God, Ethan," napapalunok na wika ni Raen nang makitang may hawak na kung anumang instrumento si Ethan.
"Tumagilid ka, Raen," blanko ang ekspresyong utos nito.
"No, please don't do this, Ethan," hindi na niya naitago ang panginginig sa boses. Kung kanina ay parang hindi siya makagalaw, ngayon naman ay parang napuno ng adrenaline ang katawan ni Raen. Mabilis na bumangon siya at sinubukang sipain si Ethan.
Madaling nahuli ni Ethan ang mga paa niya. Nang maramdaman ni Raen na itinutulak siya nito para mapadapa ay nagpumiglas pa siya ng husto. Noon niya naamin sa sarili na malakas lang ang loob niya kanina dahil alam niyang naroon pa sa katawan niya ang GPS biotracker ni Robbie. Kapag naalis na iyon sa katawan niya ay mawawalan na iyon ng silbi. Kailangan kasing nasa loob iyon ng isang buhay na tao o hayop para para gumana.
"Stay still, Raen."
"No!" sigaw niya habang nagpupumiglas parin.
"Damn it, tumigil ka na, Raen. Sinasaktan mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo."
Pero lalo lang nanlaban si Raen. Napilitan tuloy si Ethan na ikulong ang mga kamay niya sa kanyang tagiliran. Ang kinalabasan tuloy ay parang nakayakap sa kanya si Ethan.
"Ethan, please," sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ba ang hinihiling niya dito. Pero mukhang nakuha na ni Ethan ang ibig niyang sabihin.
Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ni Ethan. Then he repositioned her so that her face was buried against his neck. Ang kaliwang kamay nito ay nakapalibot sa katawan ni Raen habang hawak naman nito sa kanang kamay ang instrumentong iyon. Kung anuman iyon, sigurado si Raen na kaya niyong alisin ang biotracker sa kanyang katawan. Wala sa sariling napahikbi si Raen.
"Fuck it," Ethan cursed against Raen's ear. Pagkatapos ay bumulong ito. "Remember rule three, Raen. Just believe." Pagkatapos ay naramdaman ni Raen na may dumamping malamig na bagay sa balat niya.
Then it was like something sharp pierced through her skin. Napasigaw si Raen. Ang akala niya ay tapos na iyon dahil biglang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ni Ethan. Inilayo pa nito ang katawan at tiningnan ang kanyang mukha.
"This is going to hurt, Raen. I'm sorry." Iyon ang mga huling salitang narinig ni Raen bago siya muling napasigaw ng malakas.
Kasunod niyon ay nagdilim na ang paningin niya. The burning pain in her skin was just too much to bear. Nadrain ang lahat ng lakas ni Raen sa katawan. Kaya parang lantang gulay na ang pakiramdam niya nang muli siyang buhatin ni Ethan.
"Ethan..."
"Rule number three, Raen. 'Wag mong kalilimutan."
************************
Thank you for reading. You may notice na may kaunting inconsistencies sa mga scenes. That's because this is the raw version. So it's unedited and you may find some typographical and grammatical errors. IStill, I hope magustuhan niyo! And let me know what you think! ☺ Don't forget to vote and share this to your friends. Also, don't forget to follow me!
I hope you can buy the published book.
Also, you can read STAID 1 and 3 here on Wattpad. Enjoy!
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
