ON THE outside, Ethan looked cool and composed. But inside, he was a massive of nerves. Sa loob ng sampung taon na nabuhay siya bilang Ryder ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Hindi niya alam kung excitement ba itong matatawag o simpleng adrenaline. After all, he was finally here inside the STAID headquarters. Granted that this wasn't the kind of reception that he imagined, but still it felt great to be here.
Hindi siya lumingon nang marinig niyang bumukas muli ang pinto ng interrogation room pero naramdaman naman niya ang presensiya ng dalawang tao.
So ito pala sina Striker at Starlight. Komento ni Ethan sa isip nang pumwesto sa harap niya ang isang lalaki at isang babae. Alam niyang nasa mahigit fifty o sixty years old na ang mga ito. But they both still looked fit and young.
"So, how do you like it here so far?" magaang tanong ni Starlight.
Hindi nakaligtas sa pansin ni Ethan ang pagkakapareho nito kay Raen. Ang pinagkaiba lang ng mga ito ay hindi pulido ang ginagawang pag-arte ni Raen. Sure, Raen could probably fool most people. Pero kahit kailan ay hindi naniwala si Ethan sa image na ipinapakita nito. But Raen's mother was on an entirely different level. Kahit si Ethan ay hindi makasiguro kung palabas lang ba iyon o totoo.
"I like it just fine," mahina pero malinaw na sagot ni Ethan. "Wala naman akong masyadong alam tungkol sa STAID hospitality kaya wala akong masyadong expectations." Pagkasabi niyon ay matamang pinanood niya sina Striker at Starlight kung sakaling magpakita ang mga ito ng reaksiyon. Pero wala siyang napala sa mga ito. Kahit out of loop na pagkurap o paghugot ng hininga ay wala siyang nakita.
"So you know about STAID," Striker said in that cold voice that was so familiar to Ethan. Sa tanang buhay niya ay sa dalawang tao pa lang niya naririnig iyon, kina Gideon at Fred. Si Striker ang pangatlo. Stone came a little close, but still, he wasn't there yet. At si Ethan naman ay matagal nang pinag-aaralan kung paano gawin iyon.
Inaasahan ni Ethan na matututunan din niya ang ganoon pagdating ng araw. Pero base sa nakikita niyang kakaibang katalinuhan at pagkatuso sa mga mata ng mag-asawang Striker at Starlight, ngayon niya naintindihan na hindi iyon ganoon kadali. Pero hindi naman masama kung susubukan niya, di ba? Kaya naman ginaya niya ang pagsasalita nito nang magsalita. "I only have two words to tell you... Or rather one name." Pagkatapos ay inilapit ni Ethan ang ulo niya sa mga ito saka bumulong, "Gideon Samonte."
At sa wakas, ang hinihintay niyang reaksiyon mula sa mag-asawa at nakita din niya. Okay, so it wasn't a really big reaksiyon. Tumaas lang kasi ang kilay ni Starlight habang si Striker naman ay biglang humalukipkip. Pero para kay Ethan ay malaking senyales na ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...
