NAKAYUKO si Ethan nang bumukas ang pinto. Hindi na niya kailangan pang iangat ang paningin para malaman kung sino ang pumasok. Based on the sudden tightening of his chest, he was sure that it was Raen. At hindi naman siya nagkamali.
Awtomatikong napapikit si Ethan nang maupo si Raen sa harap niya. He didn't dare look at her because he suddenly didn't trust himself. Para kasing lahat ng training at self-preservation tricks na natutunan niya sa buong buhay niya ay nawawala kapag kasama niya si Raen.
"Ethan?"
Hindi sumagot si Ethan. Ninamnam na lamang niya sa isip ang pagbanggit ni Raen sa kanyang pangalan. Noon niya narealize na na-miss niyang matawag na Ethan. Nakakapagod din palang maging si Ryder.
"Do you know what's the worst thing about being lied to?"
Napipilitang dumilat si Ethan at sinalubong ang mga mata ni Raen. Pero agad din niyang nahiling na sana ay hindi na lang niya iyon ginawa. Kitang-kita kasi sa mga mata nito ang hinanakit.
"It's knowing that you're not good enough for the truth," sagot ni Raen sa sarili nitong tanong.
"People lie because of different reasons. Some of them are good," mahinang sagot ni Ethan
"Sinasabi mo bang may mabuti kang dahilan kaya ka nagsinungaling sa akin?"
Tinitigan lang ni Ethan si Raen. Sinigurado muna niyang wala itong mababasang kahit ano sa kanyang ekspresyon bago siya dahan-dahang umiling.
"Kung ganoon ay ano ang ibig mong sabihin?"
Sa halip na sumagot ay pinakatitigan lang ni Ethan si Raen. Maya-maya pa ay narinig niya ang pagpapakawala ni Raen ng malalim na hininga. Halatang nauubusan na ito ng pasensiya. Para tuloy gustong mapangiti ni Ethan. Hindi pa naman pala siya kinakalawang. But then, maybe it's because Raen was there. She invigorated him.
"Tell me," muling wika ni Raen.
"Sabihin na lang natin na may mas malaki pa tayong isyung kinakaharap maliban sa pagsisinungaling ko sa'yo."
"Anong isyu?"
Nagkibit ng mga balikat si Ethan. Pakiramdam niya ay masyado na siyang madaming nasabi kay Raen. "That's all I'm willing to say to you. Tapos na ang pag-uusap na ito."
"Pero, Ethan—"
"Basta tandaan mo lang ang pangatlong rule."
"Tandaan?"
"Hindi mo kailangan maniwala, basta tandaan mo lang," pagkatapos ay tipid na ngumiti si Ethan. "And Raen?" Expectant na tumingin sa kanya si Raen. Alam niyang hindi siya dapat makaramdaman ng kahit na ano, but he was still damned pleased with her hopeful reaction. "May gusto sana akong ipasabi sa mga magulang mo."
Nang tumango si Raen ay iginalaw ni Ethan ang ulo upang sumenyas na lumapit ito sa kanya. Maliban kasi sa kanyang ulo ay wala na siyang ibang maigalaw sa katawan. Ang mga kamay at paa niya ay parehong nakaposas sa isang chain na nakakabit sa sementadong sahig.
"Closer," bulong ni Ethan nang bahagyang lumapit si Raen sa kanya. Mukhang hindi na naman niya kailangan pang ulitin iyon dahil tuloy-tuloy lang ang paglapit sa kanya ni Raen na para bang naiintindihan nito ang sinasabi niya sa isip.
Pagkatapos ay tuluyan na siyang bumigay. "Raen," Ethan whispered her name just because he fucking wanted to. Then Raen looked at him with so much tenderness and hope.
"Matatapos din ang lahat ng ito, 'di ba? Magiging okay din ang lahat?" tanong pa ni Raen.
Ah, fuck it! Bakit ba kailangan pang magsalita ni Raen ng ganyan? At bakit ba kung tumingin ito sa kanya ay parang kayang-kaya niyang gawing okay ang lahat? And for the life of him, Ethan couldn't help himself from doing something stupid, like saying something he didn't have any business saying.
"Wala akong itinatagong supply ng love words. Kahit kailan ay hindi ko naisip na kakailanganin ko iyon. Pero kung mayroon man, siguro ay sasabihin ko sa'yo kung gaano kaespesyal para sa akin ang mga pagkakataong magkasama tayo. Kahit pa most of the time ay nagsusukatan tayo ng galing sa hand-to-hand combat. Nasa pinakataas ng listahan iyon ng mga pinakamemorable na pangyayari sa buhay ko." Narinig niya ang malakas na pagsinghap ni Raen. Gumalaw din ito na akmang lalayo sa kanya. "Stay, please."
Parang gustong sumabog ng dibdib ni Ethan nang lumapit si Raen hanggang maging gahibla na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. He never felt this kind of contentment before. Baliw na yata siya. Nakaposas ang mga kamay at paa niya, tapos nauuhaw at nagugutom na din siya. Idagdag pang giniginaw siya. But damn, he really felt contented.
Pagkalipas ng ilang sandali ay nagawa din ni Ethan na ibalik sa kasalukuyan ang kanyang isip. "Tinkerbell," bulong niya.
"Ha?"
"Iyon ang gusto kong ipasabi sa mga magulang mo."
~~~
Gusto kong ulitin ang post ko sa wall. Here it goes:
I want to say something about Stone's real identity in STAID. Kung nabasa mo na ang latest update ko, malamang ay alam mo na ang tunay niyang pagkatao. Siguro ay hindi ka na nagulat dahil nahulaan mo na yan somewhere in the start of the novel.
Anyway, isa yan sa naging personal issues ko nang simulan kong i-post ang STAID dito sa Wattpad. Hindi ako makapagdecide kung ano-anong mga sikreto lang ang dapat kong i-reveal. Ang gusto ko kasi ay pag-isipin pa kayo. Gusto ko sanang maghanap kayo ng clues. Yung ganun ba. Ayokong basta lang sana ilahad ang katotohanan. Mas gusto ko na subtle lang. Yung tipong alam naman nating lahat kung sino siya pero hindi na natin kailangan banggitin. So yan yung isang reason. Another reason is that I want the Wattpad version to have its own identity. So there's the published version and then there's the Wattpad version. They are complete stories on their own. Pero dito sa Wattpad yung mas raw. Of course it's the unedited version. But at the same time, iba yung distribution ng chapters or parts. So anyway, going back to the main point of this post. Ayun nga. Stone is Stone. Sana kahit may "reveal" na, you will still treat Stone and think of him the same way that you used to. Alam na natin kung sino siya. But still, we don't have to say it. Think of it as part of his whole identity as the commander of STAID. Mysterious parin.
![](https://img.wattpad.com/cover/44595063-288-k474397.jpg)
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Published under PHR
AksiHindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black belter na siya sa apat na klase ng martial arts at marunong na siyang mag-assemble at disassemble ng nine-millimeter handgun bago pa siya tumu...